Chapter 12: Oh Shit, Indeed

5.7K 155 10
                                    

Chapter 12

Ros' POV

    Mas maaga ang gising ko ngayong araw kesa sa mga nakaraang araw. May bago kasi akong sideline; kinuha akong barista sa may di kalayuan na cafe--- Coffee Galore. Tuwing umaga lang naman yun; may kapalit ako tuwing hapon. Five-thirty pasado nasa naturang cafe na ako. Nakasalubong ko ang isang may katangkarang lalake na nasa may counter.
    "Good morning," bati niya; nginitian ko siya.
    "Magandang umaga din," saad ko.
    "First day mo din ba?," tanong niya.
    "Oo eh," ngumiti ako ule. Pumasok na ako ng staff room at sinuot ang uniform na ibinigay ng boss namen. Bago pa ako makapasok dito, tinuruan na kami kung papano timplahin ng tama ang mga kape at kung ano ang gagawin. Madali lang naman pala. Lumabas na ako at tumabi sa lalake. Pumosisyon ako dun sa isang cashier register.
    "Ako nga pala si Tristan," pagpapakilala niya. Inabot ko naman agad ang kamay niya.
    "Ros," nginitian ko siya. Maya-maya pa may pumasok na customer. Dalawang babaeng nakapang-opisina.
    "Good morning," sabay namin bati ni Tristan habang todo ngiti.
    "Uhm, I'll have a medium cup of Machiato and a strawberry muffin," order ng isang babae kay Tristan. Habang sa akin naman pumila yung isa pa.
    "Pa-order ako ng medium cup ng Espresso," tumigil siya ng kaunti at humanap sa menu, "I'll also have a pancake, pakilagyan ng extrang maple syrup, ha?" Pahabol ng babae.
    "Opo, ma'am," sagot ko.
    "One-hundred-eighty pesos, ma'am," saad ko. Iniabot niya ang bayad at sinimulan ko ng timplahin ang kape niya. Ibinigay ko na din ang order na pancake sa mga nagluluto sa kitchen.
    "Name, ma'am?" Tanong ni Tristan sa babae.
    "Danica," sabi naman ng babae. Agad na sinulat ni Tristan ang pangalan ng babae sa cup niya.
    "Thank you ma'am, enjoy your morning," sabay bigay sa babae ng order niya. Tapos na din ang pancake at kape na tinimpla ko. Pumunta ako sa counter at inilagay sa tray ang mga inorder nung babae sa akin.
    "Name, ma'am?" Tanong ko.
    "Jeanne," medyo nahirapan ako sa pangalan niya pero buti na lang at tama ang spelling ng sinulat ko.
    "Thank you po, enjoy your morning," wika ko; nginitian niya lang ako at tumango. Kinuha niya agad ang tray ng order niya at sumabay sa kasama niya.

Halos mabibilang ko lang sa mga daliri ko ang mga customer ngayon umaga. Pero feel ko maghapon na akong nagtatrabaho. Masakit na ang panga ko kakangiti at kaka-english. Infernes, ang ganda ng accent ko. Pang porenjer na!
    "Milly!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga customers; napatingin tuloy ako sa kanila.

Dennise?

Nagkatinginan kaming dalawa pero napansin kong binalewala niya lang.
    Edi binalewala ko na lang din! Che!
Kinuha ko na lang ang order ng customer na nakapila na parang hindi ko siya nakita. Napansin kong papalapit siya at mukhang oorder; pumila siya sa kabilang pila, samantalang napakakaunti lang nakapila dito saken. Kahit na nakatingin at kinakausap ko ang customer sa harap ko, sa gilid ng mata ko, tinitignan ko si Dennise. Napansin kong panay ang tingin niya sa aken, o akala ko lang yun?
    "Thank you ma'am, enjoy your morning!" Bati ko sa customer sa harap ko. Nagulat na lang ako nang lumipat ng linya si Dennise, at nasa harap ko na siya. Natigilan ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit parang mas gumanda pa siya?
    "U-Uh, good morning ma'am," bati ko sa kanya. Nginitian niya lang ako, mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayare sa'yo Ros?
    "I'll have an iced Mocha latte, and a Blueberry pancake," wika niya.
    "One-hundred-fourty pesos, ma'am," iniabot niya ang bayad; medyo nag-alangan pa akong abutin yung pera, pero kinuha ko agad. Sa hindi ko mawaring dahilan, kung ano-anong bagay ang nagsilitawan sa utak ko, lalo na yung mga pangyayari kahapon. Ni-ready ko na lahat ng inorder niya.
    "Uh, name ma'am?" Tanong ko. Ano ba 'to? Bakit kailangan ko pang tanongin? Psh. Ang lakas ng kabig ng puso ko, natataranta tuloy ako at hindi ko alam ang gagawin. Asan na lahat ng confidence ko? Bakit parang umurong sila?
    "Dennise," sabi niya na tila nadismaya. Sinulat ko ang pangalan niya sa cup at inilagay lahat ng inorder niya sa tray. Napansin kong natawa siya ng kaunti noong ibinigay ko sa kanya ang kape niya. Anyare? Meron bang nakalitaw na kulangot sa ilong ko? May muta ba ako?
    "Thank you, ma'am," wika ko na lang, "enjoy your morning."
Pinanood ko siyang umalis at umupo kasama yung dalawang babae na naunang pumasok kanina. Kaibigan niya siguro, baka naman ka-opisina niya? Bakit ba interesado ka, Ros? Taengina, ngayon kinukwestiyon ko na pati sarili ko.

Maya-maya dumating na ang papalit sa akin; si Diane. Isa rin siya sa mga nagtatrabaho para kay Mama Butterfly. Kagaya ko; wala siyang magulang at binubuhay ang kapatid at may sakit na lola ng mag-isa.
    "Uy, Ros!" Bungad niya sa akin pagkapasok na pagkapasok niya. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape at inihahanda ang order ng customer.
    "Ang hirap pala mag-english, ano?" Bulong ko sa kanya habang nagtitimpla pa rin ng kape.
    "Oh my dear Ros, tsk tsk," umiling-iling siya, "You have to eat many more rice cooker, you know?" banat niya. Aba teka? Inglishin ba naman ako? Kala mong kay galing?
    "Gaga! Anong rice cooker naman?" Pabulong na sigaw ko sa kanya. Nilagay ko na ang order nung lalake sa tray at nginitian.
    "Thank you po, enjoy your morning," bati ko. Hinarap ko si Diane na kasalukuyang nagsusuot ng apron.
    "Eh, saan mo ba niluluto yung bigas?" Tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
    "Sa kaldero," sagot ko naman.
    "Oh, edi rice cooker!" Pagmamagaling niya. Gaga 'to, pakainin ba naman ako ng kaldero? Anong konek ng kaldero sa pagiinglish?
    "Gaga ka talaga," bulong ko, "Oh siya, ikaw na dito ha? May side line pa ako sa palengke," paalam ko sa kanya. Nginitian niya ako at tumango. Pumunta na ako ng staff room at nagbihis. Maya-maya pa at lumabas na din ako agad. Pumunta na ako agad ng terminal ng tricycle. Naisip ko naman si Dennise, nakasuot siya ng blouse na puti at button-down pencil skirt na itim nung pumasok siya ng cafe. Ang mature niyang tignan sa buhok niyang naka-updo. Kumpara mo naman yung pag-asta niya at paguugali. Kahit na iniisip ko yung pagsusungit niya at pagmamaldita niya sa akin, bakit kinikilig pa rin ako? hay nako, masokista ata ako.

Kiss me (GxG)Where stories live. Discover now