Chapter 8: Unsexy Dance

5.2K 143 3
                                    

Chapter 8

Ros’ POV

    Ros anong meron? Anong nakaen natin? Bakit bigla ka atang nagmadali? May LBM tayo ‘te? Sa ‘di ko mawaring dahilan, hindi ako mapakale. Kanina kase nakaramdaman ako ng hindi ko dapat maramdaman. At hindi maganda yun. Hindi kaya lumalabas na ang sintomas ng cancer sa akin? Homaygulay! Now wey! Teka teka, maghulusdili ka Ros, cancer agad ‘te? Hindi pa pwedeng natatae ka lang talaga? Huminga ako ng malalim at nagbuntong hininga. 
    “Trabaho lang ‘tp. Ginawa mo lang ang trabaho mo,” palakad-lakad ako sa kwarto nang mapansin ko ang oras. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto napansin ko ang kwintas sa may lamesita na katabi ng sofa. Inaamin ko napakaganda at mukhang mamahalin ang kwintas na ‘to pero wala akong interes na kumuha na kumuha ng hindi sa akin. Inilagay ko muna ito sa bulsa ko para sa oras na hanapin man niya ito. Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa elevator. Sumagi sa isip ko ang mga pangayayari kanina.
    “Hay nako Ros, anong nangyayare sa’yo?” hindi ko pa rin maalis ang mukha ng Thompson nay un sa utak ko. Hindi normal ang utak ko ngayon. Minumulto ng mga mapuputla niyang mata ang utak ko. At pinaiyak ko siya. Pinaiyak ko ang isang mala-anghel pero maarte na katulad niya.

    “Ahhh!” sigaw ko, “Kunin niyo na ako Lord! Hindi na karapa-dapat mabuhay ang isang makasalanang nilalang na katulad k—“ natigilan ako nang biglang tumigil ang elevator at nagbrownout bigla.
    “Lord! Joke lang po! Homaygulay!” nakahinga naman ako ng maluwang nang umandar ulit ang elevator at nagka-ilaw na. 
    “Sorry Big bro,” bulong ko.

Pagkalabas ko ng hotel dumeretso na ako ng bar. Nadatnan ko sa staff room si Kim. As usual, hinihitay nanaman ako at nang may mailabasan ng sama ng loob tungkol kay Jessica. Palagi naman yang topic namen, kung hindi si Jessica, si Kevin. Hay nako, kailangan na talaga ng boyfriend ni Kim.
    “Nakakaimbyerna na talaga!” sigaw niya. Matagal na kasi siyang may gusto kay Kevin. Kahit na alam niya ang namamagitan kela Jessica. Buong staff ata alam ang ginagawa ng dalawang yun. Nakakagulat nga lang at hindi pinapalayas ni kuya Larry si Kevin. Si Jessica hindi pwedeng mapa-alis yan dito, dahil siya lang naman ang nag-iisang pamangkin ni kuya Larry. Iniwan si Jessica dito ng mga magulang niya at si kuya Larry na ang itinuring niyang ama. Si kuya Larry ang may ari ng bar na ‘to, at sa ayaw at sa gusto ni Kim hangga’t hindi siya umaalis dito makakasama niya araw-araw ang itinuturing niyang mortal na kaaway. Ewan ko ba kung bakit pinagtitiisan pa ni Kim na hintayin si Kevin, napakalakas na ng tama nun kay Jessica ee! Maganda naman si Kim at mukhang hindi mahihirapang humanap ng ibang lalake. Hay nako.

Wala nanamang pahintulot na nag-trespass ang mukha nung Thompson na yun sa utak ko at mukhang nirugby na ang mukha niya rito. Hay nako, Ros paki-explain nga kung anong nagyayare sa’yo? Labyu.
    “Huy! Nakikinig ka ba?” napaismid ako bigla, “Naglalakbay nanaman ang kaluluwa mo sa ibang dimension, ano?” natauhan ako bigla nang sigawan niya ako ng pagkandalakas-lakas.
    “H-Ha? Ano nga ba ule?” tanong ko sa kanya.
    “Hay nako, sabi ko na nga ba,” umirap siya, “Sabi ko, nag-break na sila Kevin,” napatingin ako bigla sa kanya. At nakaukit ang malaking ngiti sa mukha niya.
    “Kim, bilang isang kaibigan, ayaw kitang makitang masaktan,” saad ko, “at nirerespeto ko ang mga desisyon mo, basta wag mong kalimutan na nandito lang ako ha?” hindi na siya ule nagsalita. Saktong katatapos ko lang magbihis atsaka na ako lumarga palabas.

Nakasalubong ko si Jessica mukhang papasok ng staff room. Mukhang nagmamadali at tumatakas sa kung ano.
    “Oh? Jessica,” umirap lang siya. At anong problema ng impaktitang ‘to? Hindi ko na siya papatulan; hinayaan ko na lang siyang dumaan at pumasok sa loob. Maya-maya pa at nakasalubong ko din si Kevin; mukhang may hinahanap.
    “Nakita mo ba si Jessica?” tanong niya. Tinuro ko na lang ang pinto sa likod ko atsaka na umalis. Kimberly Hernandez; Good luck. Ayoko ng masama sa love life ng mga ‘to.

Kiss me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon