Chapter 18: Love & Other Weird Things

2.6K 92 5
                                    


'Sup guys, sorrryyyyy tagal ng update haha nawalan kame ng net e we're broke af lol anyway, here it is! SALAMAT SA SUPPORT GUYS KAKAKILIG KAYO :">



Chapter 18

Ros' POV


    "Iyakin," tanga-tangang sabi ko. Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin, iyakin pa talaga yung napili mo? Ang galing mo e. Award ka talaga Ros. Pakisuntok nga yung sarili. Natagil yung pag-iisip ko nang mas lumapit pa siya sa aken habang nakayuko. Napansin ko yung mga luha na tumutulo sa sapatos niya.

    "... Thompson?" nakapagsalita na din ako sa wakas, "B-Baket?" medyo ninenerbyos kong tanong. Mas lalo tuloy akong kinabahan nang 'di siya umiimik. Dahan-dahan kong inabot yung pisngi niya at iniangat ang mukha niya. Lakas loob kong pinigilan yung iyak sa lalamunan ko, kinunot ko yung noo ko para pigilang tumulo yung mga luha sa gilid ng mata ko; sumalubong sa akin yung mga mata niya namamaga at namumula. Hindi ko na siya tinanong ulet, mukhang masaket para sa kanya na pag-usapan kaya hindi ko na siya pinilit.
Pinunasan ko yung pisngi niya at yung mga mata niya ng dalawang hinlalaki ko atsaka isinabit yung kaunting buhok na nasa mukha niya sa likod ng tenga niya. Wala akong maisip na sasabihin para gumaan yung loob niya kaya hindi na lang ako nagsalita, hinila ko na lang siya palapit sa akin ng dahan-dahan at niyakap.

     "Gusto mo bang... pag-usapan?" lakas loob na tanong ko habang yakap-yakap pa rin siya. Nung una hindi siya umiimik, pero maya-maya humiwalay siya ng kaunti sa aken at tumango ng dahan-dahan.

     "Can we... talk in the car?" medyo magalas yung boses niya na nagsalita pero naintindihan ko naman kaya sumunod ako agad sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Mas lalo pang lumalala nang pumasok kames a kotse niya at tumahimik siya bigla. Ano 'tong sasabihin niya? OMG, hindi kaya... Hindi kaya---?! OW NOW!

    "May sakit ka ba? Malala ba?" nag-papanic kong tanong pagka-pasok namen sa sasakyan, sobrang kinakabahan tuloy ako, hindi tuloy ako mapakali, "... jusko, mamatay ka na ba?" para bang naiiyak ko na tanong. Nako, hindi ako ready sa mga ganito! Sa mga teleserye ko lang 'to nakikita! My GHAD!

     Napatigil na lang ako nang marinig ko siyang humahagikgik. Ano 'to? Comedy show? Tawa tayo ganon?

    "Hoy ba't ka tumatawa?" naiinis na tanong ko kay Thompson. Aba at ang babae, mas lumakas pa yung lintik na tawa niya atsaka ako hinampas ng bruha, "hoy Thompson tumigil ka nga diyan ah, ano nga?" pilit ko dahil parang niloloko lang niya ako, "bwisit 'to," bulong ko sa sarili ko dahil tuloy pa rin ang tawa ng katabi kong lukaret na ata. 

    "Hay nako, Ros," sabi niya sa wakas nang para bang makalma niya na ang sarili niya.


    "Ewan ko sayo baliw ka na ata," sagot ko naman at inirapan ko lang siya. Pano, tawanan ba naman ako? Kainis lang.

    "It's worse than that," biglang naging seryoso na sabi ni Thompson. Napaisip naman ako. Ano pa ba ang mas lalala pa sa malubhang saket?

    "Loka, ano yan, wag mo nga akong takutin, Thompson, " sabi ko. Dahil alam naman natin lahat kung gano ako ka-OA kapag kinakabahan ako.


    "I'm getting married."


    Bigla akong napalingon sa kanya nang marinig ko yon, nakatingin lang siya saken ng malungkot na para bang gusto niyang tulungan ko siya.

    "H-Ha?" tanong ko na para bang hindi ko nadinig, baka sakaling magbago yung sasabihin niya.

     "I know you heard me," sabi niya habang nakatingin pa rin saken. Biglang gumulo yung mga mata niya, parang may hinahanap habang nakatitig lang saken.

Kiss me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon