Chapter 3: Porenjer

4.9K 139 3
                                    

Chapter 3

Ros’ POV

    Nagmamadali ako sa paglakad papuntang hotel na may appointment ako. Patawid ako nang may biglang puchang-inang sasakyan ang muntik ng sumagasa sa akin.

KABLAG!

    Patay na ata ako? Jusko paano yung mga kapatid ko? Paano sila mabubuhay? Paano kung iHit and Run ako nung gagong drayber?! Nang idilat ko ang mga mata ko nakakita ako ng liwanag. Pulang liwanag. Shet! Nasa impyerno na ata ako?! Teka. Liwanag lang pala ng stoplight yun. Grabe, muntanga lang, Ros. May narinig akong nagsalita habang nakahiga ako. Napaupo ako bigla at saka tumayo, baka mukha akong palaka sa pagkakahiga ko. Nakakahiyuh.
    “Are you ok?” pang-iinglish sa aken ng isang magandang babae na kakababa lang sa kotse. Bakit ba siya nang-iinglish ha? Baka hindi dahil sa pagkakabangga niya ako mag nose bleed ha!
    “Oo ‘te ok lang ako ‘te. Ay English pala… Aym owkey,” o ha?! Dinig niyo yun? English yan mga chong! Ganda ng aksent ano? Parang baklang palaka lang ee nuh?
    “Are you sure?” Hay nako, isa pang English ne’to mabibira ko na siya.
    “Ay naku porenjer pa ata si ate, Yah! Aym syur!” tumango ako ng parang bata habang nakasmile. Grabe, kanina ko pa nabira ang inglisherang ‘to kung hindi lang siya maganda! Pero siyempre isisingit ko ang sarili ko, mas maganda ako noh! Chos! Papaalis n asana ako nang hablutin ng babaeng porenjer ang braso ko.
    “You don’t want to go to the hospital?” umiling ako. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan nitong porenjer na’to. Hindi naman ako indyurd eh. Malakas pa ang feslak k okay Matteo Do nuh!
    “Uhh.. That’s only gastows you know? Uh.. End aym owkey naman,” buti na lang at hindi dumugo ang tenga at ilong ko sa pang-iinglish sa porenjer na ‘to. Naubusan na nga ako ng English ee! Lumakad na ako papalayo sa babaeng porenjer at hindi ko na hinintay pang mapahiya ako sa kanya. Dumeretso na ako ng hotel at lumakad papuntang elevator.
   

    “1405, 1405, 1405.. Ah! 1405,” kumatok ako rito atsaka hinintay na bumukas ang pinto. Ghad! Napakakupad talaga ng matabang yu-
    “Hi,” Shet. Hindi isang matabang Dan ang nakita ko. Ang nagbukas ng pinto ay isang uber na gwapong naka amerikana na mukhang kakagaling lang sa trabaho, napansin ko rin ang balbas niya na mas nakapagpalalake pa sa kanya.
    “Come in,” sabi pa nito sa uber sexy niyang boses. Bakit ba lahat na lang iniinglish ako, ha? “I’m Carl,” pagpapakilala nito pagkatapos isara ang pinto. Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinalikan ang kanyang nag-iinit na mga labi.

    Mga ilang oras rin bago natapos ang serbisyo ko kay uber hot na si Carl. Nagbihis na siya at saka inabutan ako ng pera.
    “Thanks,” sabay ngiti sa akin. Lumabas na siya at naiwan akong nakatalukbong ng kumot. Tumayo na ako saka naghandang umalis. Pumunta muna ako sa isang bar sa may di kalayuan mula sa hotel. Part-timer ako sa bar na iyon. Waitress hindi dancer ha?
   

    “Hay nako, salamat sa lahat ng santo at dumating ka na sa wakas, Ros,” bungad sa akin ni Kim pagkapasok na pagkapasok ko sa back-door.
    “Mukha kang charot Kim. Baket? Anong meron?” tanong ko sa kanya habang sinusuot ang uniporme ko.
    “Ayun, si Jessica kanina pa sa banyo. Kasama nanaman si Kevin. At kanina pa sila dun! Nakakaimyerna nga eeh!” reklamo niya.
    “Asus, selos ka lang diyan ee,” bulong ko.
    “Ha?”
    “Wala! Chill ka lang diyan ‘kako, andito na ko, bakla. Wag ka ng maimbyerna diyan,” saka kame lumabas at sinimulan ng magtrabaho.
    “Miss?” tawag sa akin nung lalakeng balbas sarado.
    “Yes sir? Ano pong order nila?” tanong ko saka ako nag-smile.
    “Pwede bang ikaw na lang, miss?” banat niya saka ako hinwakan sa baywang. Tumawa ang buong angkan niya ng balbas sarado na mukhang tatlong beses lang maligo sa isang buong taon.
    “Ano pong order nila?” masungit na tanong ko.
    “Aba miss ba’t ang sungit mo ha? Pakipot ka pa,” banat niya ule. Isa pang banat nito mabibira ko na.
    “Sir. Ano ‘ho bang order niyo ha?” ankulit ee! Ayaw sabihin yung oder! Supalpalan ko ‘to ng martini sa ilong ee!
    “Bakit ba ang sungit mo ha!” sigaw niya saka biglang tumayo. Nagsihituan ang mga nagkekwentuhan at nagsasayawan nang umalingaw-ngaw ang boses ng balbas sarado na ‘to. Sasagutin ko sana ‘tong chakang ‘to nang may biglang humampas ng napakalakas sa mukha. Napaupo tuloy ako. Aba punyetang ‘to ah? Banatan mo na ko at lahat-lahat wag na wag mo lang sasapamlin ang maganda kong feslak! Tumayo ako at binigyan siya ng nanlilisik na mata. Yung nakakapaso at nakakamatay.
    “A-Ano— ARAY!“ di ko na siya hinayaan pang magsalita at tinadyakan ko agad ang pinakatatago at pinakaiingatan niyang kayamanang itlog. Napasigaw siya at napaiyak, but wait! There’s more, hinila ko ang balbas niya at pinag-uuuntog sa lamesa nila mag-aangkang balbas.
    “Tama na ho!” sigaw niya habang tumutulo ang dugo mula sa ilong niya. Sige! Mag-iiyak ka diyan! Taengina ne’to.
    “Sa susunod na makita ko ang angkan niyong balbas sarado dito, ididik-dik ko yang mukha mo sa asido! Saka yang balbas mo! At kayo ha?” pumiling lang sila na parang bata at bakas sa mukha ang takot. Punyeta ee, kakapasok ko lang sisirain ng balbas saradong ‘to?! Gaguhan ee. Lumabas ang manager ng bar at humingi ng tawad ang angkan ng balbas sarado sa pananakit sa akin at saka sinipa sila palabas ng bouncer.
    “Hala sige! Umuwi kayo sa mga nanay niyo at mag-ahit doon! Saka maligo! Mga gago,” huling sigaw ko sa kanila.

    Kasalukuyan akong kumukuha ng order ng may namukhaan ako sa may table na ‘di kalayuan sa kinukuhanan ko.
    “Yung porenjer kanina yun ah?” bulong ko sa sarili ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

'sup? :D READ VOTE COMMENT BE A FAN :)

gusto ko lang ipakita si Carl huehue♥ ---->

harthart♥
Author♥

Kiss me (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora