Chapter 19: Milly & The Might-be Plan

2.7K 89 5
                                    

  'Sup? AHHHHHH I KNOW I KNOW ANG TAGAL KONG MAG-UPDATE HAHAHA sorryyyyy I tend to overthink about what to write these days kaya medyo natatagalan. Gusto ko kasing gawing complex yung mga characters ee (I don't know If i did a good job about that lol but i'm trying to :3) Anywayyy heto na mga pre hahaha  


Chapter 19


Kim's POV



    "GISING NA! MAGLILINIS PA TAYO!" bigla akong napabalikwas na gumising dahil sa sigaw ng bruha at sa tunog ng hinahampas niyang kaldero. Humiga ako ulet at tinakpan ang tenga ko ng unan.

    "KIMBERLY! GISING NAAAA!" sigaw pa niya.

    Kumunot naman ang noo ko sa pangalan na tinawag niya saken, "HOY NANAY KO LANG TUMATAWAG NIYAN SAKEN!" tumayo ako sa kama at pinanlakihan siya ng mata.

    "Whatever," walang gana niyang sagot at umirap, "Tara na mag-linis na tayo," aya naman niya.


    "Sinasabi ko na nga ba," bulong ko sa sarili ko habang nagma-mop ng sahig. Kunot na tinignan ko si Jessica na nanonood lang ng TV habang ako, kanina pa naglilinis, "bwisit talaga tong feeling senyora Santibanez na to."

    "Gising na, maglilinis pa tayo nye nye nye," pabulong na ginaya ko yung sinabi niya saken kanina, "Whatever tara na maglinis na tayo muh muh muh," panggagaya ko ulet sa kanya, "kala mo namang totoo," padabog kong minop yung sahig, "sakalin kaya kita kapag tulog?" bulong ko. Tapos hindi ko alam kung bakit lumitaw sa utak ko yung scene na sinasakal ko siya gamit ang isang black na panty, ang weird. Oh my, ayaw na tuloy maalis sa utak ko. Ano 'to? Christian Gre—

    "Sinong sasakalin mo kapag tulog?"

     "AY BLACK NA PANTY—ANO BA JESSICA?!"

    "Hoy Kimberly, anong kabulastugan yang iniisip mo ha?" sabi niya saken habang nakapameywang pa sa sahig na kaka-mop ko pa lang, "and black panty?" ngiting aso niyang dagdag.

    "Umalis ka nga diyan, kaka-mop ko pa lang niyan bruha ka, at wag mo kong tawagin na Kimberly pwede ba," inis na sabi ko sa kanya atsaka siya hinampas ng hawakan ng mop sa may binti niya, "kung ayaw mong tumulong, tsupi ka diyan at dinudumihan mo yang mina-mop ko," reklamo ko sa kanya.

    "Ugh," suminghal siya, "OK, what do you want me to do?" tanong niya at nakatingin lang saken.

    "Ha?" takang tanong ko naman. Napansin ko naman na kinati niya yung batok niya at tumingin saglit sa baba bago saken ulit.

    "I don't know what to do, OK?" panimula niya at nakatingin sa ibang direksyon, "so you have to tell me what to do to help," dadag niya.

    "Pft," pagpigil ko ng tawa ko, "HAHAHAHA, BWISET ANG PANGET MO JESSICA MAY HIYA KA PALA? DI MO BAGAY! BWAHAHAHAHA!" tawa ko.

    "Ugh! Whatever!" suminghal siya at papunta n asana ng sala ng ihagis ko sa kanya yung basahan.

    "Ayan senyora, banlawan mo yan ng may sabon, tapos punasan mo yung mga bintana," utos ko ng makalma ko yung sarili ko. Napansin ko na ngumiti siya ng bahagya bago niya kunin yung basahan at tumalikod para pumunta sa may bintana don sa sala. 

    "Bumabait pala ang bruha pagdating kay kuya Larry," bulong ko sa sarili ko.


    Maya-maya natapos din kaming maglinis. 'Di ko tuloy mapigilang tumawa sa sa kaloob-looban ko dahil sinong mag-aakalang mauutusan ko si Jessica Buenafuente? Aba napaglinis ko pa siya ng banyo kamo, OMG. Matawag nga siya minsan na Banyo Queen, mwahaha! Hindi ko hahayaan na makalimutan niya 'tong araw na 'to HAHAHA!

Kiss me (GxG)Where stories live. Discover now