Chapter 9: My Bitchy Savior

4.8K 140 10
                                    

Chapter 9

Kim's POV

   

    Nilayasan ako ni Ros. Hay, mukhang sawa na din siya sa ngawa ko. Eh kase naman, ngayong nalaman kong nag-break ni sila Kevin my lhabs at yung super-ultra-mega-asungoterang-ungas-na-mahaliparot-na-reyna-ng-lahat-ng-bitch-sa-mundo na si Jessica, siyempre I can't help but umasa diba? Dahil sa wakas pagkatapos ng 1 zillion years, nagbreak na sila. At ako naman ang da-da-moves kay Kevin. Akmang palabas na ako ng may pagkanda lawak na ngiti sa mukha ko nang biglang iniluwa ng pinto ang isang diyosa ng mga bitch na ang nag-iisang si Jessica Haliparo- ay este Buenafuente. Naconvert bigla ang smile ko sa major iritadong mukha.
    "What the hell? MOVE!" Sigaw niya.
    Inirapan ko siya pero siyempre mabait ako at pinadaan ko siya. Iwinasiwas niya ang blonde niyang buhok as if niyayabangan ako dahil natural yung kulay ng buhok niya. Che! I rolled my eyes. Akmang palabas na ako nang staff room nang madinig ko ang boses ni Kevin sa kabilang side. Bumalik muli ang ngiti ko sa mukha. Natigilan ako bigla nang hablutin ni Jessica ang braso ko at hinila. Hinagis niya ako sa loob ng isang locker at sa sobrang malas ko, it was wide enough for the both of us fit in.
    "Shh!" Tinakpan niya ng palad niya ang bibig ko.
    Naconscious tuloy ako nang mapansin kong sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Kinunutan ko siya ng noo habang naglilikot at nagnanais na kumawala sa kamay niya.
    Malaking tao si Jessica, eh ako? Halos tumingala ako sa langit irapan lang siya. Isa lamang akong hamak na nilalang na nabibilang sa mga tao out there na hindi compatible ang age at height. Siguro dahil foreign din si Jessica kaya nakakadagdag points sa tangkad niya. May narinig akong pumasok sa kwarto. Huminto ako sa paglilikot; wondering who the hell is that na pinagtataguan ng bitch na 'to.
    Tumingala ako kay Jessica at tinignan siya ng masama. Ayokong itanggi pero ang ganda ng bitch na 'to. Lalo na yung mata niya; yan siguro gamit niya para pang-gayuma kay Kevin my lhabs ko.
    Nang may nadinig akong footsteps napansin kong mas hinigpitan pa ni Jessica ang hawak niya saken. Mas lalo tuloy akong naconsious dahil nasa pagitan ng binti ko ang kaliwang binti niya. Hindi ko tuloy mapigilang mahiya. Narinig naming parehas ang pagbukas ng pinto. Hindi ko makita kung sino ang nasa labas. Nararamdaman kong nanginginig si Jessica. Mukhang takot na takot siya. Ayokong itanggi; ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginusto ko siyang yakapin. Nanlaki tuloy ang mata ko. Wait, I wasn't thinking that. I wasn't, right?
    "Pakshet," naibulong ko habang hawak hawak pa rin niya ang bibig ko. Napansin kong napaharap si Jessica ng kaunti sa akin atsaka ibinalik agad ang tingin sa may maliit at kaunting awang ng locker para sumilip. Hindi ko maiwasang tumitig lang sa kanya. Nakakaloka man pero ang ganda talaga ng bitch na 'to. I-compare mo saken na maliit at chubby; walang wala ako sa babeng 'to. Confident nga lang ako sa beauty ko, yun nga lang mukhang mas confident 'tong impakta na 'to. Naramdaman kong mas lumala pa ang takot niya nang marinig naming papalapit ang yapak ng kung sino man sa kwarto. I have no choice; niyakap ko siya; kahit na matangkad siya sa akin hinila ko ang ulo niya pababa sa balikat ko. Sana makatulong ito para kumalma siya.

    Maya-maya pa at binitawan niya ang bibig ko; nakahinga na ako ng maluwang. Unti-unti na siyang kumalma. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko; hindi na talaga ako makapaghintay na umalis sa lugar na 'to; sobrang awkward na talaga ng posisyon namen. Ito ang first time ever na sobrang lapit niya sa aken; yung tipong magkadikit na ang balat namin sa isa't isa? Inilayo niya ng bahagya ang mukha niya sa akin; tsaka siya tumingin sa mata ko.
    Letse talaga 'tong mata nito nakakamesmerize ang pucha!
    I looked back at her; as if waiting for her to move. I refuse to look away. It would be submissive if I did; looking her in the eye is a challenge.
    Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. What will happen if this tension breaks?
    Napalinga kame sa direksyon ng pinto ng locker; narinig namin na lumabas ang pinagtataguan ni Jessica. Nagstay pa kame ng kaunti sa loob at nagtinginan.
    "Ako muna ang lalabas," ang tapang ko talaga, psh. Tumango na lang siya. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at lumabas ng dahan-dahan. Pagkatapos kong lumabas sinarado ko ang pinto, just in case; I checked the surroundings. Akmang pabalik na ako sa may locker nang bumukas ang pinto. Inilabas nito ang pinakapoging nilalang sa buong mundo; si Kevin.
    "Kim?" He asked. OMG, tinawag niya ko sa pangalan ko!
    "Yes?" I asked sweetly; yung tipong mukhang nanlalandi na.
    "Oh uh, nothing," he said, "Pakisabi na lang kay kuya Larry uwi ako ng maaga," at nilayasan na ko. I rolled my eyes; at bakit naman siya nagmamadale?
    Binalikan ko na sa locker si Jessica at binuksan ang pinto.
    "Wala ba tayong balak lumabas diyan, ha ate?" Pang-iinis ko. Ine-expect ko siyang umirap pero hindi niya ko inirapan, tinignan niya lang ako na para bang iniligtas ko ang buhay niya; yung tipong bayani niya ako?
    "Asan si Jessica?" Tanong ko sa kanya. Kinunutan niya ko ng noo.
    "Umalis ka sa katawan ni Jessica, masamang espirito!" Pagbibiro ko. Eh, ang weird kase niya! Hindi nako makapagtimpi; kanina pa siya!
    She gave me a smirk atsaka na lumabas.
    "Wala man lang thank you? Che!"

    It was around 11 pm nang magsara ang bar. Malapit lang naman ang apartment ko kaya nilalakad ko lang.
    "Hay nako hindi pa ako nagbabayad ng renta," I sighed. Sinimulan ko ng maglakad.
    "Hi miss," at sa sobrang malas ko, naabutan ko pa ang mga nag-iinuman sa may kanto. Hindi ko na lang sila pinansin; I'm sure titigil din ang mga yan.
    "Hoy miss! Ang sunget ha?" Pinalibutan ako ng tatlong lalakeng nangangamoy alak. Hala, anong nangyayare? Mare-rape ba ko? Ito na ba ang katapusan ko? Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobrang takot. Feel ko maiihi na ako sa pantalon ko.
    "Miss naman, pansinin mo naman kame, oh," Sabi nung isang lalakeng kalbo.
    "Oo nga, tara mag-party party tayo!" Segunda naman nung panot. Umiling lang ako na parang bata. Napaismid ako nang hawakan ng mamang bungi ang likod ko at dahan-dahan na lumapit sa akin. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Pero bigla silang natigilan nang may biglaang lumipad na trash can; tinamaan yung panot. Sa sobrang lakas ng pagkakatama hindi na siya nakabangon.
    "S-Sinong andyan?!" Sigaw ng kalbo, "Magpakita ka, duwag!" he challenged the mysterious man behind the shadows. Maya-maya pa at tinamaan ang mukha niya ng isang lumilipad na bote; nabasag ito sa mukha niya. Marahas siyang napabagsak at hindi na muli pang bumangon. Tumakbo na yung isang lalaking natira. Omy ghad asan na ang aking knight in shining armour? My savior!
    "M-Magpakita ka! Kung sino man ang nagligtas sa akin," I shouted, "Gusto ko lang magpasalamat," I followed. Unti-unti, isang pigura ang dahan-dahan na lumabas mula sa dilim. Nanlaki ang mga mata ko. Oh no, this can't be. THIS CANNOT BE!
    "Sa susunod kase mag-iingat ka, tatanga-tanga ka kase," my savior said; oh wait let me rephrase that; my BITCHY savior said.

"Jessica?"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

'sup? :) nagpapasalamat po ako sa mga dumadag-dag pang mambabasa ng istorya sa may tabing kanto na 'to XD nakakakilig pramis ♥ anyway, check out some other stuff that I made :) and please do continue supporting this story :) your votes are very much appreciated ♥

harthart ♥
Author 

Have some Kim Hernandez♥  --->

Kiss me (GxG)Where stories live. Discover now