Chapter 4: 10

5K 129 4
                                    

Chapter 4

Dennise’s POV

    “At ano naman yan?” nacurious kong tanong. Akmang magsasalita na siya nang may biglang sumigaw sa may bandang likuran namen.
    “Woah!” napasigaw at natigilan ang lahat nang biglang sampalin ng isang balbasang lalake ang isa sa mga waitress ng bar at mabilis na napaupo.
    “Shit. Kawawa naman yung, ghurl,” biglang tumayo yung waitress and brutally kicked the bearded man’s manhood. Kahit na nakatalikod yung babae at madilim, kitang-kita pa rin namin yung eksena.
    “Oooh, that’s gotta HURT!” komento ni Danica. At hindi pa doon nagtatapos ang eksena, hinila ng waitress yung balbas ng lalake at pinag-uuuntog sa lamesa. Wow, this ghurl is BADASS! The bearded guy surrendered  like a crying bearded baby. Sinipa sila palabas ng bar ng mga nagmamachohang mga bouncer.
    “Graveh, katakot si ghurl,” bulong ni Jeanne.
    “So, I know what you need,” Danica began. “A vibrator,” Napaismid ako.
    “Heck no!” I exclaimed. At ngayon naging experiment tuloy ako ng dalawang ‘to.
    “Oh I know. Weed, let’s get her stoned,” Jeanne suggested. “No. No drugs! I don’t do drugs,” tanggi ko.
   “I think you should seriously consider taking a lover,” natawa naman ako sa sinabi ni Danica. Oh gosh, now, a lover?
  
“What? No. Come on,” kontra naming dalawa ni Jeanne.
   “Just. Hear me out, ok? There are guys that are so much more familiar with the manual,” she paused.
   “Who?” tanong ni Jeanne. Napatingin naman ako sa kanya, mukhang mas interesado pa siya saken.
   “W-Wait, wha-” ‘di pa pumapasok ang mga pinagsasabi ni Danica sa kokote ko.
   “I mean, may mga lalake na sanay na sa mga sitwasyong katulad ng… sa’yo Milly,” she paused. “I happen to have an aunt. Which is sobrang layoooong aunt na may-ari ng isang service business. And she could get you hooked up,” confident na confident niyang sinabi ‘to.
   “Wait, service business?” tumango-tango si Danica na para bang sobrang laki ng naitulong niya. Makatulong kaya ‘to?
   “Aunt Hilda has the finest men and women I have ever seen. Smokiiin!” natawa naman si Jeanne.
   “Oh my gosh. You mean,” nalaki ang mga mata ko.
   “No one. As in NO ONE, would ever find out,” she swore.
   “Think of this as an experiment, ok?” sabi pa niya habang nakangiti. “Just one night! Itoka kita ha?” pahabol pa niya. I remained silent. Will this help?
   “Teka, asan na ba yung Robert na yun, ha?” tumayo si Danica at hinanap si Robert.
   “Yung malanding lalake talaga na yun! Tara na nga, umuwi na tayo,” aya ni Danica. Hindi naman ako tumanggi at saka na kame lumarga at dumertso sa parking area at sumakay na sa kaniya-kaniya naming mga sasakyan.

    Kinabukasan, tinawagan ko si Carl. Inaya ko siyang mag-dinner mamaya.
   “Sorry babe. I can’t go with you today. We had a problem in the company at baka mag-overtime ako. Sorry babe. Love you,” saka niya binaba ang phone. Ilang araw na siyang gan’to kaya hindi na surprising. Or should I say months? Palagi na lang kaming sa phone nag-uusap at parang malamig na siya sa akin. Kapag nagkita naman kame, sandali lang. Nasa opisina na ako at inaayos ang mga papeles ko nang tumawag si Danica.
    “Hey ghurl! Tomorrow night ang appointment mo! Send ko na lang sa’yo ang iba pang mga details, ha? Enjoy!” Hindi man lang hinyaang magsalita at ibinaba na ang phone. At maya-maya pa sinend niya na yung details ng appointment.
   “Shit,” naibulong ko na lang sa sarili ko.
   “Ms. Thompson? Is there a problem?” my secretary asked habang inilalapag ang kapeng pinatimpla ko kanina.
   “Uh, no. It’s nothing. It’s just, I feel a bit sick is all. Don’t worry about it,” palusot ko na lang. Luckily, she bought it.

    Alas-seis na nangmakauwi ako. Nadatnan kong nagdidinner ang dalawa kong kapated. I gave them both a kiss sa forhead atsaka sumabay sa kanilang kumain.
    “So how’s your day guys?” I asked habang ngumunguya ng pgkain.
    “Well, Milo here just talked to his crush kanina, kaya abot tenga ang ngiti niya,”
    “Mila! Geez,” napayuko tuloy si Milo.
    “I’m sure, crush ka din nun, Milo. ‘Kaw pa? Gwapings ata ‘tong kapatid ko!” natawa naman ako saka si Mila habang si Milo namumula. Pagkatapos kumaen at magkwentuhan, umakyat na kame isa-isa at naghanda ng matulog.
    “Good night, hons!” sigaw ko sa kanila bago pa sila makapasok sa kwarto nilang dalawa.
    “Good night ate!” they replied before going in their room. Pagkatapos kong magshower, nahiga na agad ako at natulog. Ngayon palang pinapakalma ko na ang puso ko sa pagdudrum pano pa kaya bukas ng gabe? Shit lang.

Ros’ POV

    Hanep ah, di ko akalain na makikita ko ang isang tulad niya sa isang bar na’to. Wala kase sa hitsura niya ang pumupunta sa mga bar na ‘to.
    “Isang dalawang order ng San Mig light at dalawang pancit,” order nung babae sa harap ko.
    “Ok po ma’am, salamat ho,” atsaka ako umalis at binigay yung order sa may counter.
    “Hay nako, Ros. Gumawa ka nanaman ng gulo,”
    “Wow. At ako pa ang gumawa ng gulo ha? Birahin kita diyan Kim, eeh!” natawa naman siya. Matapos maluto at maihanda yung order na binigay ko kanina, agad ko namang inihatid yun sa table kanina. Nang hanapin ng mata ko yung porenjer, wala na silang magkakaibigan. Bigla atang lumipad? Naglaho agad, chos!

    Bandang alas-otso nang mag-sara ang bar, himala nga ee, ang aga. Nag-abang ako ng jeep sa harap atsaka sumakay papauwi. Nadatnan ko sa bahay na nanunuod ng T.V ang mga kapatid ko.
    “Hi ate!” sabay-sabay nilang sambit. Ang sarap tignan na nakangiti sila, natatanggal ang pagod ko.
    “Oh, heto ang pagkain, at maghain na kayo,” tinaas ko ang dala kong supot na naglalaman ng ulam namen. Nagtulong-tulong ang lahat para maghain. Nakatira kame sa apartment ni tiya Hilda a.k.a Mama Butterfly kasama ng iba pang mga kinupkop niyang sawing palad na mga iniwanan ng kanilang magulang sa kanya. Nagpapasalamat ako kay tiya Hilda dahil mabait siya sa aming lahat.
    “Magdasal muna tayo at magpasalamat sa Diyos,” panimula ko.
    “Oh mahal naming Ama sa kaitaas-taasan, nagpapasalamat po kami sa aming mga natatanggap na mga blessings mula sa inyo, nagpapasalamat po kami at safe na nakauwi si Ate Ros, si Thea, si Gabby, si Sam, si Alix, si Joshua, si Kate, si Camille at siyempre ang cute naming bunso na si Dan-Dan, nawa’y patnubayan niyo pa kami. Amen,” si Darlene ang nanguna sa dasal. Atsaka sabay-sabay na kumain.
    “Ate may kanina pa gustong ikwento si Dan-Dan sa’yo,” masayang sambit ni Thea.
    “Ang kulit-kulit nga ee! Haha,” tawa naman ni Gabby.
    “Go ahead, tell ate Ros, Dan-Dan,” pamimilit naman ni Kate.
    “Very good po ako kanina sabi ni titcher!” masayang sambit ng napakacute naming bunso.
    “Wow! Galing talaga ng bunso namen!” saka ko siya niyakap.
    “Ate, ok lang ban a mag part-time ako?” tanong ni Darlene.
    “Ako rin ate, para naman matulungan ka namen,” dugtong naman ni Thea. ‘Tong mga kapatid ko talaga. Napakababait.
    “Wag na, Darlene, Thea. Ang gusto ko pagtuunan niyo ng pansin ang pag-aaral niyo ha? Lalo na ikaw Darlene, gagraduate ka na. Magtiis ka muna ha? Pag nakagraduate ka na tiyaka ka na magtrabaho ha?” napayuko na lang silang dalawa. Niyakap ko naman silang dalawa. Ay naku heto nanaman ang drama.
    “Alam ko mahirap ta’yo. Kaya nagsisikap si ate na pag-aralin kayo, diba? Kaya kapag nakapagtapos kayo, kayo na ang magaahon sa atin sa kahirapan. Makakakain na tayo na mga susyal na pagkaen, diba? Magkakaroon na tayo na sarili nating bahay! Magkakaroon na tayo ng kanya-kanya nating kwarto at kama! Di ba ang sarap isipin non?” tumango-tango sila at nakangiti. “Kaya kayo, mag-aral kayo ng mabuti ha? Hali nga kayo dito,” aya ko sa kanila.
    “Grouuuupp huuuggg!” sabay-sabay nilang sambit. Saka kami nagtawanan lahat.

    Kinabukasan, alas-cinco pa lang at gising na kaming lahat. Nagkakanda rambol-rambol sa pagliligo.
    “Uy akin yang uniform!” sigaw ni Alix kay Joshua.
    “Akin ‘to no! Tignan mo kaya,” kontra naman ng isa.
    “Baliw! Palda kaya yan!” napatagalog tuloy na wala sa oras si Kate. Hay Ow may Ghad, masahol pa sa tilaok ng manok ang nagiging sigawan dito. Si Gabby naman, bilang nag-iisang lalake ng pamilya dahil si Joshua alanganin na, hindi magkandaugaga sa pangiigib para sa mga kapatid.
    “Bye ate!” halik sa akin sa pisngi ni Darlene.
    “Bye ate, Labyu!” Tapos si Thea.
    “Hay kapagod, Sige ate una nako,” sumunod si Gabby.
    “Paalam, aking nakatatandang kapatid,” Pumang-apat naman ang makata kong kapatid na si Sam.
    “Bye ate Ros,” sumunod si Alix.
    “Babush aking magandang ate Ros!” tapos si Joshua. Teka si Joshua?
    “Buh-bye my lovely sister Ros!” ang inglishera kong kapatid na si Kate.
    “Bye po ate Ros, Muah!” sabayn na halik sa aking magkabilang pisngi ang dalawa naming cute na kapatid na si Camille at Dan-Dan atsaka sumama sa mga ate’t kuya nila.
    “Ingat kayo ha?” kaway ko sa kanila. “Ok, Trabaho na!”

--------------------------------------------------------------------------------------------------

'sup guys! :) How's the story so far? :D READ VOTE COMMENT BE A FAN♥

harthart♥

Author

Meet Mila & Milo ♥ ----> :D

Kiss me (GxG)Where stories live. Discover now