Chapter 22: Hugging Mood

2.1K 83 14
                                    


Chapter 22



Jessica's POV


OK.


This is super weird.



    "What's up with Ros?" I asked Kim, who was already looking at Ros' direction with a frown on her face, "ngayon ko lang siya nakitang ganyan ah."

    "Hindi ko alam," sabi niya ng may pag-aalalasa boses niya, "...ngayon ko lang din siya nakitang ganto."


    Ngayon ko lang din nakitang ganito mag-alala si Kim.


    And I don't like that frown on her face. Is that weird?


    Damn. It IS weird. I'M weird.


    Or maybe nagiging mabait n ako. Ha! I doubt that.


    Kim gasped beside me, napatingin naman ako agad sa kanya, "Baket?" tanong ko.

    "Naalala mo yung gwapong guy sa Coffee Galore?"

    "Yeah..." tango ko naman dahil bakit ko naman makakalimutan ang pagmumukha ng manloloko na yon, "but I doubt that... Hindi si Ros yung tipo ng taong iiyak dahil sa lalake," sabi ko. I mean we're not friends but we've been working with each other for 3 years now, and I've seen guys come and go from her life but it didn't affect her like this... not like this.
   "What if..." sabi ko na parang natatakot din, "what if may kinalaman sa mga kapatid niya?" medyo nag-aalala kong tanong dahil alam ko kung gaano kamahal ni Ros ang mga kapatid niya.

    "Shit," mura ni Kim sa nerbyos atsaka tumingin saken at kay Ros, "kausapin kaya naten? Tingin mo?" tanong niya saken.

    Tumango naman ako, hindi ko alam kung anong sasabihin kay Ros pero gusto ko pa rin namang subukan, "mamaya pagkatapos."


    Tangina, bumabaet na nga ata ako.


    Madaling araw na ng magsara yung bar, dahil madami yung tao ngayong araw na 'to. Mas nag-alala pa kame ni Kim kay Ros nang tawagin niyang Thompson yung isang babae atsaka niyakap, kaya kinuha na namen yung mga tables ni Ros tsaka namen siya muna pinag-stay sa staff room. Pumunta na kame agad kay Ros pagkatapos na pagkatapos; nadatnan namen siyang nakadapa sa bench habang nakalaylay ang kamay sa sahig at nakabalot sa ulo niya yung uniform niya.

    "Ros?" panimula ni Kim, "Ros..." tawag niya ulit at umupo sa ulunan ni Ros; tumayo naman ako sa likod niya.

    "Hmm," sagot ni Ros ng hindi pa rin gumagalaw.

    And then we heard her tiny sniffs, mumbling a name between her sobs, and they became stronger, she's weeping now in Kim's arms.

    "Shhh..." was all Kim could say while hugging Ros. Tumingin saken si Kim ng malungkot at parang malapit ng umiyak. I sighed.

    Lumuhod ako sa harap ni Ros para magkapantay lang ang mukha namen, dahan-dahan kong hinawakan ang mukha nya at hinarap saken. 

    Shit, I don't know what to say.

Kiss me (GxG)Where stories live. Discover now