03 | Everything Had Change

618 27 5
                                    

←----• 03 •----→

"Everything Had Change"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Her POV —



Present
        
        "Okay, get out your assignments and exchange them with your seatmates and put a signature as a sign that you have an assignment." 

        Nakabusangot kong ipinasa sa katabi ko ang notebook ko. Kinuha ko ang notebook niya at pinirmahan at agad  na ibinalik sa kanya. Siya naman ay kunot-noong nakatingin sa notebook ko at napabuntong hininga. Kumuha siya ng black ball pen at may isinulat.      

        "Here, alam kong di ka talaga magsasagot niyan kaya hayan na." Sabi niya ng nakangiti. Tumango na lang ako. Tsk, sa dami kasi ng assignment bakit yun pa? 

        "Okay, Ms. Madrigal. Tell us what is your answer." Agad na tumayo ang kaklase kong nasa second row.       

        Napapikit ako ng marinig ang mga katagang yun.

        "Suicide. Suicide is the act of killing yourself because you do not want to continue living." 
        
        "Very good. How about you Mr. Limaco?"      

        "A suicide is an action that ruins or destroys your career, social position, etcetera."

        "How about you Ms. Lee? Give me some examples of how people commit suicides."     

        "There are many ways how suicidal persons hurts themselves. By slitting their wrist, stabbing themselves, hanging themselves using rope—"    

        "Miss." Sabi ko. Di ko na matatagalan to.
        
        "Yes Ms. Crimson?" Lahat ng tingin nila ay nasa akin. Napabuntong hininga ako.
       
        "May I go out?" Nagtaka naman siya. Ang iba naman ay napakagat labi. Malamang ay alam ang dahilan.   

        "Are you going to the comfort room?"  

        "Nah, I don't wanna hear your lessons—"       

        "How dare you to say that!?" Pagalit na sigaw niya. Halatang hindi niya talaga alam ang nangyari.     

        "Why? Samantha Luna Crimson? Don't you want to hear the word 'suicide' ?" Narinig ko na naman ang boses niya. Naagaw ng lahat ang tawanan ng tatlo.
        
        "And why is that Ms. Kendra Crimson?" Nang-uuyam na tanong ng isa sa kaibigan niya.     

        "Oh well, obviously, the word suicide is something to do with her pathetic past." Napatiim-bagang ako. Nakita ko ang pagpapahinto ng mga kaklase ko sa kanya.    

        Kendra is my bitchy step-sister. She's not a true Crimson dahil hindi naman talaga siya anak ni dad. Anak siya sa unang lalaki ng haliparot niyang nanay.   

        "Her mother, had done suicide twelve years ago. She slit her own wrist to end up her life." Napatayo na ako pero siya ay nananatiling nakangiting aso sa akin.  

        You'll regret this.

        Palihim kong isinuksok ang kamay ko sa skirt ko at sinuot ang brass knuckle sa kamao ko. Wag mo kong sagadin. Mababasag mukha mo.   

        "And why is that?" Dagdag pa ni Kendra.   

        "Stop it, Ms. Kendra!" Sigaw ni Miss at tila hindi na nagugustuhan ang ginagawa nito. 

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon