41 | Poisoned

267 10 0
                                    

←----• 41 •----→

"Poisoned"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —

Napabulalas na lang ako ng mahinang tawa dahil sa sinabi niya. "Anong nasinghot mo?"

Pero imbes na mainsulto ay wala man lang siyang naging reaksyon. Parang mas napahiya pa tuloy ako.

Peste!

Napaikot na lang ang mata ko. Nasa red carpet na kami ngayon, mismong gitna nitong hall kung saan nagkalat ang mga mesa at sa harap ay ang sobrang habang mesa kung nasaan ang mga inihandang pagkain ng mga estudyante. Sa magkabilang gilid ay mayroon din pa lang mesa, pagkain at inumin din ang laman noon.

Mayamaya ay nakarinig ako ng pamilyar na mga boses. Nang tingnan ko ay nakita ko ang nakakaasar na tingin at tawag sa akin nina Aeros. Mabilis na tinaasan ko sila ng kilay dahil sa mga nakakaloko nilang ngiti pagkalapit namin.

"Wow, hah. Feeling ko tuloy nagpa-grand entrance kayo!" sabi ni Firexia at hinampas pa ako. "You're so d*mn hot, girl!"

"Stand out ka sa lahat. Nag-match ang color ng gown mo sa color ng skin mo. You're glowing," compliment naman ni Arine sa akin.

Ang ginawa ko kasing customization sa gown ko ay pinagawa ko itong pa-tube. Mas sanay talaga akong magsuot ng gowns na medyo revealing. I also asked Meredith to make a choker out of the gowns silk.

Both of then look good also to the gowns they chose.

"Hey, Sam. You loom great. Wine?" bati sa akin ni Light na kakalapit lang. Aabutin ko na sana ang wine na inaalok niya ng mapagtantong nakahawak pa rin ako sa bisig ni Azriel!

Kaya pala kanina pa ako nginingisian nitong si Aeros! Argh!

Mabilis pa sa alas kwatro na tinanggal ko ang kamay ko at kinuha ang wine sabay layo. Natatawa na lang si Light sa naging reaksyon ko. Walang ano-ano'y diretso kong nilagok ang wine na binigay niya at halos manginig ako ng gumuhit ang likido sa lalamunan ko.

"S-sam!" tawag sa akin ni Light at agad na kinuha ang wine glass na hawak ko. "W-wala akong sinabing lagukin mo ng isahan."

"Sa sobrang kaba gusto agad malasing!" tatawa-tawang sabi ni Aeros at inalalayan din ako papunta sa upuan. Natatawang umupo na rin sila sa mesa namin.

Iniling-iling ko ang ulo ko dahil medyo nanlabo ang paningin ko. Ang lakas naman ng wine na 'yon!

"Bakit kasi 'yong wine na malakas agad binigay mo?" rinig kong tanong ni Azriel dito.

"Gusto ko sanang matikman niya ang wine na ako mismo ang gumawa. Hindi ko akalain na tutunggain niya kaagad kaya hindi ko nasabing malakas ang tama no'n," kakamot-kamot na sabi ni Light.

So siya ang gumawa? "Ang sarap," sabi ko at binigyan siya ng thumbs up.

Natawa naman ito, "Thanks, but that would be your last. Binigla mo ako, Samantha."

"Pinakaba mo ang dalawang nagkukumpitensya, girl!" ani Firexia kaya nangunot ang noo ko.

"What?"

"Mukhang ikaw ang lasing, Xia," natatawang sabi ni Arine at binusalannng ubas ang bibig nito. Natatawa na lang nitong nginuya ang ubas na isinupalpal sa kaniya.

Nilibot ko ang tingin ko. Napuno mg tawanan at ingay ang buong hall dahil parami na rin ng parami ang nadating.

Nang maka-adjust ako sa ginawang pag-inom sa malakas na wine ni Light ay umupo ako ng ayos habang inililibot pa rin ang tingin sa paligid, "Saan napunta si Lucas?"

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now