51 | Heard

180 11 0
                                    

❝ 𝑳𝒊𝒆𝒔 𝒂𝒇𝒕𝒆𝒓 𝒍𝒊𝒆𝒔 𝒔𝒐 𝒕𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒓𝒖𝒕𝒉 𝒔𝒉𝒂𝒍𝒍 𝒃𝒆 𝒃𝒖𝒓𝒅𝒆𝒏 𝒃𝒆𝒚𝒐𝒏𝒅 𝒍𝒊𝒆𝒔. 𝑻𝒉𝒆𝒚 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒓𝒖𝒕𝒉, 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒊𝒏𝒅𝒖𝒍𝒈𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒎𝒔𝒆𝒍𝒗𝒆𝒔 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕𝒔. 𝑩𝒖𝒕, 𝒕𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒏𝒐 𝒔𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒂𝒏 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒇𝒐𝒓𝒆𝒗𝒆𝒓. ❞
_________








←----• 51 •----→

"Heard"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —





Silence filled the room. Nagsimula namang i-tap ni Sir Aeriel ang daliri niya sa mesa kaya't medyo nawala ang katahimikan ng paligid. Kaya nga lang ay mas nagbigay ito ng kaba sa akin.

Si Miss Haze naman ay mukhang nasa malalim din na pag-iisip. Gone the naughtiness on Sir Cain's face and it was replaced with a serious one.

"What we will do? The princess of water went missing and our conclusion is she was taken by someone. . ." sabi ni Sir Fier.

"But the question is, how that ‘someone’  have the capability to get in and out here without alarming us?" tanong naman ni Sir Scott.

"Let's now talk about first how we would find the princess of wate," sir Aeriel said and stop tapping his fingers. "Kailangan muna nating siguruhin ang kaligtasan ng mga estudyante. The other side are now starting to take us down."

"Kung pauwiin muna kaya natin bukas mismo ang mga estudyante?" Suhestiyon ni Sir Frit.

"No, mas ligtas sila rito," sabi ni Miss Limary. "Pero ngayon ay kailangan nating mas dagdagan pa ang proteksyon ng lahat lalo na't nawalan na tayo. We need to do something to strengthen our protection from being abducted nor from being dragged out of this school."

"I suggest na magdagdag tayo ng mga kawal? We can ask in the Queen and King of Ice as well as to higher courts," suhestyon ni Sir Bliz. Tinanguan naman ito ni Sir Nate.

"Yup, that's a big help—"

"No. . ." sagot naman ni Sir Aeriel sa kanilang dalawa. "That will only make a chaos here. Students will conclude that something's going on that's why there were a lot of man in arms. As much as possible, we don't want to spread this negative informations specially to our students."

Tama siya, magtataka nga ang mga ito kung bakit maraming nagkalat na kawal. Baka magkagulo pa ang lahat. Pero, hindi ba't kaya nga narito ang academia para maturuan ang mga estudyanteng mahasa ang kakayahan nila? Why don't they let the students show what they have learned throughout studying their own potentials?

Imbes na sabihin ay isinarili ko ang opinyon ko. Hindi ko rin naman sigurado kung tama bang sumabat ako sa usapan. Partially, may kasalanan din ako kung bakit nawawala si Arine ngayon.

"I suggest this one of mine," Miss Pell said kaya naman natuon ang atensyon namin sa kaniya. "I've read about this tattoo na makakatulong para sa dagdag proteksyon ng mga estudyante. Once na may tattoo na sila no'n, kailangan muna nila ng permiso sa mga nakakataas para makalabas. Hanggat naka guhit sayo ang tattoo, you can't go outside. Mahaharangan ka ng protection barrier ng paaralan na mas lalo pang pinagtibay ng tattoo," aniya. Miss Haze nodded her head repeatedly.

"At suhestiyon ko rin po na hanapin ang kaibigan ko ngayon," seryoso kong sabi kaya napalingon sila sa akin. Iyon lang ang bagay na may lakas loob kong masasabi sa ngayon.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon