42 | Dance with the Princes

278 14 6
                                    

←----• 42 •----→

"Dance with the Princes"

❅────────❅•°•°•❅────────❅

- Samantha's POV -










Kasalukuyan kaming nasa loob ng isa sa kwartong nakita ko sa hallway. Nakaupo kaming dalawa ni Light sa sofa kaharap ang kama kung saan nakaupo sa gilid no'n ang babaeng nakita namin kanina sa comfort room.

The room were filled with comforting atmosphere. Light ang colors na ginamit Parang kuwarto ng mga dugong bughaw ang isang 'to dahil sa disenyo sa walls na ginamitan ng gold color. Ang kama naman ang queen size na may kurtina pa. I wonder kung sino ang gumagamit nito or for emergency purpose lang 'to?

Tahimik na pinapanood namin si Miss Pell na inaasikaso ang babaeng nagsusuka kanina. Mayamaya ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Headmaster Aeriel kaya naman di kataka-taka na awtomatikong napatayo si Light.

Tumayo na rin ako at yumukod dito gaya ng ginawa ni Light. Nakita ko pa na balak sanang magbigay galang din nv babae kaya lang ay pinigilan siya ni Miss Pell at sinabing ayos lang ito.

"Anong nangyari?" pumailanlang sa kabuuan ng kwarto ang boses nito. Masasabi kong may mataas talaga siyang puwesto sa akademia dahil ang boses niya pa lamang ay naghahatid na ng lamig sa pagkatao ko.

Bukod pa sa elemento ng yelo ang mayroon siya.

"Tumakbo palapit sa amin kanina si Light at sinabing may sitwasyon sa comfort room kanina. Nakita nga raw nila itong isa sa estudyante na sukusuka," ani Maestro Fier na kasunod pumasok ng mas mataas na maestro.

Mabilis nitong hinarap ang direksyon namin kaya napayuko na naman ako. "Umayos na kayo," aniya kaya napatuwid na kaming dalawa. Doon ko malaya siyang napagmasdan. Bumagay talaga sa kaniya ang suot niyang coat na kagaya lang ng kina Azriel at Light pero naiiba ang disenyo nito. "Anong nangyari?"

Tumikhim muna si Light bago sumagot, "Galing kami sa likod na bahagi ng palacio. Nasa hardin kami kanina at noong babalik na kami, napahinto si Samantha dahil may naririnig siya. Akala pa niya noong una'y. . ." muli itong napatikhim, "M-may nangyayaring milagro sa palikuran ngunit ng buksan niya ay nakita naman ang isa sa estudyante na sumusuka ng kulay itim."

Halos manginig naman ako ng bigkang lumipat ang tingin nito sa akin. Hindi ko na alam kung ano pamh dapat na ikuwento ko dahil nasabi na lahat ni Light pero naghanap na lang ako ng masasabi. Alangan namang magtitigan lang kami rito. "Hinuha namin ay nalason siya sa isa sa mga nakain niya."

"Hindi, nagkakamali kayo," singit ni Miss Pell na nakangiting lumapit sa amin. Hinarap siya ng mataas na maestro. "Hindi siya nalason, Headmaster. Ligtas ang mga inihain sa lahat ng estudyante."

Nakita ko namang napatango-tango si Maestro Fier na mukhang nakahinga sa narinig.

"Mabuti. Isang malaking kapabayaan sa atin kung may hindi magandang mangyari isa man sa mga estidyante natin lalo pa at tayo mismo ang nakaisip na sila ang paghandain," ani Headmaster. "Sa susunod ay sisiguraduhin na natin kung may halo bang nakasasama sa lahat ang ihahain."

"Sasabihin ko po ito sa iba," hayag ni Maestro Fier. Tumango naman ang headmaster bilang sagot sa kaniya.

"Kung gayon ano ang nangyari sa estudyanteng nakita nila?" tanong nito kay Miss Pell na maagap naman nitong nasagot.

"The student does have allergy in eating the black berries. Hindi niya alam na may sangkap pala noon ang isa sa mga nakain niya dahil siguro dinurog ito para maihalo sa pagkain. Umatake ang allergy niya matapos ang ilang minuto. Ang pagsusuka ang isa sa sintomas ng allergy niya."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon