06 | Enchanted

565 28 3
                                    

←----• 06 •----→

"Enchanted"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



"Hiyaaa!" Sigaw niya at mabilis na pinatakbo ang kabayo, napahawak ako sa kanyang damit. Nasa unahan si Lucy, sunod si Lucas at nasa hulihan ako.

Sanay ako sa mabibilis na takbo kaya naman di ako natatakot magpalingon lingon.

Malayo-layo rin ang tinakbo ng kabayo bago makalabas ang kabayo sa kakahuyan. Nakalingon pa rin ako sa pinanggalingang kagubatan. Nanliit ang mata ko ng mapansing may gumagalaw na kulay puti sa looban at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung ano iyun.

'Y-yung tigre!'

Agad kong ibinalik ang tingin sa unahan sa takot na makitang muli ang tigre. Nilibot ko ang paningin. Unti-unti nang dumarami ang nakikita kong tao at mga kabahayan, unti-unti naring bumagal ang takbo ng kabayo.

Maraming nagtatakbuhang gusgusing bata.

Maraming nagkalat na tao at busy sa paglilinis ng kani-kanilang harapan at bahay.

Ang bahay ng mga ito ay gawa sa pinaghalong kahoy at semento.

Marami kaming nilikuan bago huminto ang sinasakyang kabayo sa isang medyo malaking bahay.

Binuhat ni Lucas si Lucy ng walang kahirap hirap at ibinaba ito. Sunod ay siya naman ang bumaba. Tinignan niya ako. Akmang bababa na ako ng hawakan niya ang dalawa kong braso at wala akong kahirap-hirap na nabuhat at naibaba!

"What the—"

"Shhh! Wag ka mag Ingles! Baka marinig ka ng iba at maisuplong ka sa Korte ng Konseho!" Bulong sa akin ni Lucas. Napatikom ang bibig ko. "Tara na. Ipakikilala kita sa aming ina." 

Agad na pumasok si Lucy at nagsisisigaw. "Ina! Ina! Si Kuya may ipakikilalang binibini!"

"Ano?" Mahinahong sagot ang narinig ko sa loob. Marahil ang kanilang ina.

"Inunahan pa ako." Kamot-ulong pumasok si Lucas sa kanilang tahanan, kasunod ako.

"Lucas, sino yang ipakikilala mo? May nobya ka na ba?"

"I-ina! H-hindi! N-nagkakamali kayo!" Rinig kong pag depensa ni Lucas kaya di ko maiwasang mapabungisngis. Tinignan niya ako ng masama.

"Kung ganon, sino siya?"

"Ina, siya si—" boom! Di niya pa nga pala alam pangalan ko!

"A-ahh, siya na pala magpapakilala. Di ko pa pala alam pangalan niya—"

"Nakong bata ka. Ipapakilala mo sa akin yang nobya mo eh kakakita mo pa lang yata sa kanya."

"Hahaha." Narinig kong pagtawa ni Lucy habang ngumunguya at may hawak na ubas.

"Aishh, di ko siya nobya!" Depensa nitong muli at dire-diretsong pumasok sa isang kwarto.

"Haha, batang to oh." Sabi ng isang babaeng nasa mid 40's. Nang makita ako nitong nakatayo sa pintuan ay para itong nakakita ng multo. 

"G-good— magandang umaga po." Sabi ko. Napakurap-kurap pa ito. 

"N-napaaga ang dating mo?"

"Huh?" Takang tanong ko at tila nagulhan din siya.

"W-wala, a-ano ang iyong pangalan, iha?" Sabi nito at ngumiti ng malapad. Ngumiti rin ako pabalik.

"Ako po si Samantha. Pasensya na po sa pagsama sa dalawang nyong anak. Naligaw ho kasi ako at—"

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon