12 | Elemental Game 5 (Mental Power)

459 28 0
                                    

←----• 12 •----→

"Elemental Game 5 (Mental Power)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —


"Apat na letra? Minsan gawa ng bagay?" Tanong ni Lucas matapos bigkasin ang tugma. 

Kanina pa nakatitig sa kanya si Samantha. Pagkasabi pa lang nito ng tuguma ay alam na nya ang sagot. Pero  ang kasama ny ay heto pa rin at kakamot-kamot na nag-iisip.

Nagtataka naman si Samantha. Saan ko ba narinig o nabasa yung tugma? It really felt familiar with me but I haven’t read anything like that since then...

Binalewala nalang ni Samantha ang naisip at nag palingalinga sa paligid. Sa pagkakaalala nya sa mapa, nakita nya ang ubeng laso na nakalagay dito lang din sa kinalalagyan nila. Maya-maya ay napapalakpak nalang sya ng makita ito sa di kalayuan na nakapatong sa mga dahon.

"Lucas!—"

"Sandali! Nag-iisip ako!"

"Lu—"

"Nag-iisip ako!"

"Usok!"

"Aanhin ko ang usok!?"

"Tange! Usok ang sagot!"

"Usok ang— OO NGA NOH!? HAHA!" Malakas na bulalas ni Lucas matapos malaman ang sagot sa kanyang tugma. Ngunit mabilis na napawi ang ngiti nito.

"Alam mo ba na nakita ko na yung laso ko!?" Masayang sabi ni Samantha sabay palakpak. "Nandun oh!" Sabay turo sa likod ng hindi tumitingin.

"O-oo, k-kitang kita ko nga." Sagot ng kasama nya at napalunok pa ito. "B-basta Samantha, wag kang gagalaw hah? W-wag kang lilingon. Kapag sinabi kong takbo, tatakbo tayo ng mabilis hah?"

"Ano bang sinasabi mo?" Ani Samantha at tinalikuran na sya para kuhanin ang laso nya.

"WAG!"

Pero huli na. Shutanginames! ANO TO!?

"AHHHHHH!!!!" Sigaw ng dalawa at mabilis na kumaripas ng takbo.

Mabilis na nagtago ang dalawa sa likuran ng malapad na puno at hingal na napasandal doon. Nagpapakiramdaman ang dalawa at napalunok nalang sa kaba ng lingunin ang kanilang pinanggalingan at mabilis na bumalik sa pagkakatago.

"Pano yan, Samantha!? Nasa ulo nun ang laso mo!"

"Sino ba naman ang matinong tao ang maglalagay ng laso sa ulo ng malaking ahas na yun hah!?" Gusto ko na bumalik sa mundo koooooo WAHHHHHH!

"Aba'y ewan ko!"

"Aba'y ewan ko rin!"

"Ano!? Paano yan!?"

"Ano!? Paano yan!?"

"Bakit mo ko ginagaya!?" Inis na sabi ng dalawa sa isa’t isa na parang magsisimula ng away sa kanto.

"Ikaw— ahh!" Sabay na napasigaw na naman ang dalawa matapos dumaan sa harapan nila ang dambuhalang ahas.

Alam nyo yung Anaconda!? Ganun sya kalaki! Kung nasa mortal na mundo lang itong ahas na to malamang kanina pa kami viral sa social media!

HEADLINE:

POOR TEENAGERS CHASED BY ANACONDA! -_-’

Ang dalawa ay parehas na hindi makagalaw sa kinalalagyan ng tignan sila nito ng nakaawang ng malaki ang bibig nito na parang anumang oras ay gagawin silang pagkain. Ang dalawa ay napapalunok sa kaba dahil sa kinalalagyang sitwasyon.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon