23 | Shela

395 20 0
                                    

←----• 23 •----→

"Shela"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Napabuntong hininga nalang ang mga kaibigan ni Azriel. Kami naman ni Lucas ay wala pang kaide-ideya.

"Mauna na kayo sa breakfast hall, susunod nalang ako." Kunot noong sabi ni Firexia at nagmamadaling umalis.

"Lezzgo pipol!" Sigaw ni Aeros at inakbayan pa sila Lucas at Light. Hmm, mukhang close na agad sila ah?

"Tara na, Sam." Sabi naman ni Arine at umangkla sa braso ko kaya naman wala na akong nagawa ng hilahin niya na ako.

Everyone was looking at us now specially on me and Lucas. Ramdam ko ang mga tingin nila kahit nakayuko ako, maging ang bulungan nila na parang hindi naman bulungan para sa akin.

"Sila yun!"

"I like the girl na! Ang cool niya when she cast a spell!"

"I wonder what's that girl's element."

"Me too, I think she's a speller kasi spells lang naman ang ginawa niya nung naglaro eh."

"Ano ka ba? May Allowing Spell dust diba? Malay mo sinabuyan sila nun!"

"Ayy oo nga pala."

"Ayoko na kay Aeros, masyadong malandi eh!"

"Me too, mas gusto ko na si Lucas. Malandi ngang talaga kasi si Aeros."

Halos gumulong kami sa tawa. Mukhang narinig din nila. Aeros grunted in disapproval. He stopped from walking and faced the girl who told that he's a flirt.

"Malandi ako ah?" Tanong ni Aeros dito. May mapang-akit na pagmumukha si Aeros ng sinabi yon.

"He's doing it again. Tsk." Anang babae na kasama ng babaeng nagsabing malandi si Aeros.

"Tsk." Sabi ng babae kay Aeros at pairap na iniwasan ito ng tingin bago naglakad papunta sa lugar nila Lucas.

"Good morning, Lucas!" Bati nito dito at halos di naman makagalaw sa pagkakagulat si Lucas. Natawa nalang si Light na katabi niya maging si Arine. I heard Aeros scoffed.

"G-good morning."

"Have a nice day ahead!" Masayang sabi ng babae bago kumindat dito at lumiko sa kaliwang pasilyo. Natawa nalang ang mga nakasaksi.

"Lucas!" Sigaw ni Aeros at nilapitan ito. "You know what? I'm starting to hate you!"

"I hate you too..." sabay na sabi ni Lucas at Light sabay napamaunang naglakad. Natawa na lang kami.

Savage level 999999999. Dinaig pa si Min Yoongi ng BTS. Charot.

"Aishhh!" Inis na sabi ni Aeros bago humabol sa dalawa. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad ni Arine ng may maalala ako.

"Ahh, Arine?"

"Hmm?" Tanong nya.

"Yung badge ni Firexia kanina, bakit biglang lumiwanag?"

"Ahh yun ba? It's because, yung mga badge natin ay connected sa kung saan. Hindi tinukoy ng council kung saan eh. Basta ang badge na yun ang nagiging source ng council para malaman kung sino ang lumalabag sa rules ng academy. Pag umilaw yun, asahan mo ng maririnig ang pangalan mo mula sa speaker."

Napapantastikuhan kong hinawakan ang badge ko. Nakakagulat nga eh. Walang anumang pandikit sa likod non. Kahit pardible man lang ay wala pero bigla itong lumipad kanina at diretsong dumikit sa tama nitong pwesto. Nang hilahin ko ay para na itong nakadikit doon ng permanente.

"Matatanggal lang badge kapag natapos na ang oras ng klase. But the council still monitoring our movements. Bawal kasing gumamit ng elements if its not necessary."

"Ano ba ang mga rules ng academy? Para naman aware ako."

"Hmm, sige, iisa-isahin ko." Sabi ni Arine at huminga ng malalim. "We have several rules here in the academy. Ang Rule one is do respect the person who is highest among you. Like Headmasters, teachers, councils. Rule two, do not get into any trouble. Rule three: do not use your element if it isn't necessary. Rule four, do not go outside the academy without permission and valid reason. May oras naman ng paglabas eh. Rule five, attend your class daily, do not skip a class and do not be late. Do write a valid excuse if you're going to be absent. Rule six, do not get late for breakfast. Latecomers will not give food to eat for breakfast. Rule seven, wear proper uniforms. Rule eight relationships inside the academy are not prohibited but know your limitations. Rule nine, no high student, it means lahat ng mag-aaral dito ay pantay pantay. Walang anak maharlika dito, hari't reyna o maging ng konseho na kailangang yukuan sa tuwing dadaan. And maya ko na discuss ang iba."

Sabi niya ng makapasok kami sa loob ng isang malawak na hall. Tila nahahati ang lahat sa apat na kulay. May mga mesa na kulay maroon sa may bandang kaliwa. Pinagdugtong dugtong ito kaya mahaba. Bale dalawang hilera ang maroon long tables. Meron ding dark green, blue green at navy blue na tables pero di katulad sa maroon, nahahati ang lahat ng tables at hindi magkakasama. Sa pinakaharap at gitna naman ng hall may Silver table at tatlong upuan.

"Bakit ganito ang set up?" Tanong ko kay Arine. Naglalakad kami ngayon sa pwesto ng mga navy blue tables.

"Ahh ganito kasi yan. You see, nahahati sa apat at isang special table na kulay ang hall. Kung anong kulay ng uniform mo, doon ka uupo. Unang kulay ay maroon na nakahilera para maging mahaba. That's a table for teachers. Tapos ang dark green na tables naman ay tables ng mga juniors. Yung blue green is para sa sophomores at ang navy blue ay para sa ating mga seniors. And the silver one is for headmasters pero madalang silang kumain dito dahil kalimitan sa headmasters office sila kumakain."

"Eh bakit pagdating sa student nagkakahiwalay?"

"That is because, naka team ang bawat students. Bawat klase, apat na grupo ang magkakasama. Basta, ma ge-gets mo rin later pag nag klase na." Sabi ni Arine. Nagdatingan na ang mga estudyante.

Dumating narin si Firexia na mukha ng mahinahon. Magkakatabi kaming babae. Sa harap ko ay bakante, katabi ko sa kanan si Arine na katabi naman ni Firexia. Sa tapat ni Arine ay si Aeros. Sa tapat naman ni Firexia ay si Lucas. Wala namang katapat si Light.

"Tsk, nauna siya kanina tapos wala pa dito sa hall?" Kunot noong sabi ni Firexia.

"Pansin ko lang, bakit ang init ng ulo ni Firexia kay Azriel?" Pabulong na tanong ko kay Arine. Napabungisngis naman ito.

"Fire against Ice. Don't worry, kahit ganyan sila, they're still in good terms." Makahulugang sabi nya. Na gets ko naman.

Oo nga naman.

Maya maya pa ay napabuntong hininga nalang kami ng maramdaman na naman ang cold breeze. Maging ang mga nasa malapit sa amin na table ay napayakap sa sarili.

At doon dumating ang malamig na tao at umupo sa harap ko. He heave a sigh as he room his eyes around the hall na tila may hinahanap. And then his eyes dropped on me.

Pinagtaasan ako nito ng kilay. Tatarayan ko rin sana ng makarinig ako ng sigaw.

"BABY PRINCE!!!" sigaw ng kung sino.

"Ughh, not now." Angil ni Aeros at tinakpan ang tenga. Napabuntong hininga naman si Azriel. May lumabas pa ngang usok sa bibig nito.

"Baby Prince!!!!" Muli kong narinig ang sigaw. Doon ay lumingon na ako sa pinanggagalingan nito. At doon ko nakita ang isang coloring book.

"Huh? Yung anak ng ikaunang konseho yun ah?" Patanong na sabi ni Lucas habang nakatingin sa papalapit na anak daw ng ikalawang clown- I mean konseho.

"Good morning baby prince!" Sigaw nito sa mismong gilid ni Azriel. Azriel remain his face down. Mukhang naiinis narin ito dahil biglang nabalutan ng blue'ng aura si Azriel.

"Uhmmm, Shela, I think, you need to get away with him just for a while." Sabi ni Aeros dito at kagat labing tiningnan ang nakayukong si Azriel.

"A-ahh okay..." sabi nito habang nakanguso. Nang mapagawi ang tingin nito sa akin ay halos patayin ako nito sa tingin bago umalis.

Killer clown na colouring book!

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon