22 | First day

399 23 0
                                    

←----• 22 •----→

"First day"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Pinakiramdaman ko ang paligid. Nangunot ang noo ko dahil may kakaiba akong nararamdaman. Tumatama na rin ang sikat ng araw sa balat ko kaya ramdam kong umaga na.

Bumaling ako ng higa. Mas lalong hindi ako mapakali.

'Ano ba tong nararamdaman ko?'

Kaya naman kahit inaantok pa ay dinilat ko na ang mata ko at halos mapaatras ng dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin.

"A-anong..."

"Hehe good morning, did we disturb you?" Kagat-labing tanong sa akin ni Arine.

Yes, si Arine at Firexia pala ang kasama ko dito sa dorm.

"H-hindi masyado."

"Pasensya na hah? Ang ganda mo lang kasing pagmasdan..." saad naman ni Firexia. Napalunok akong bigla.

'Tibo ba to?'

"Geez, I'm not what you're thinking." Nakangusong ani nya sa akin. Napangiwi nalang ako at bumangon na. Pareho na pala silang bihis. Suot na nila ang uniporme ng paaralan.

Long sleeve white blouse at navy blue necktie. Sa may bandang kaliwa ng dibdib ay nakakabit doon ang isang badge.

'Academies badge'

Golden badge sya. Ang hugis nya ay parang shield. Nakaukit doon ang dalawang magka cross na sword at sa itaas non ay ang dalawang letter. L and A.

Ang skirt naman ay Navy Blue din. Ang taas nito ay hanggang itaas lang ng tuhod. Pinaresan ito ng itim na high socks at black shoes.

"A-anong oras na?" Tanong ko sa kanila at umayus na ng upo.

"Hmmm, siguro malapit na ang oras bago ang breakfast time sa dining hall. So, hurry up! Nasa comfort room narin ang uniform mo. And don't forget to put your badge on, okay?" Sabi niya sa akin na tinanguan ko.

"Sige, una na kami hah? Hintayin ka namin sa baba, sa may benches sa kaliwa." Sabi naman ni Arine bago sila sabay na lumabas ni Firexia.

Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Pagkatapos kong ayusin ay pinuntahan ko ang cabinet ko sa gilid ng kama. Yup, bawat gilid ng kama namin ay nandoon ang sarili naming cabinet. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang iba't ibang damit.

May mga T-shirt na nakasampay. Ang manggas nito ay navy blue din pati ang collar. Sa harap ay nakatatak ang badge ng school sa may bandang kaliwa ng dibdib.

Nakita ko ring nakasabit ang ilang jogging pants na Navy blue din ang kulay. May white lining ito sa gilid.

Binuksan ko ang maliit na drawer sa loob ng cabinet. Sa kaliwa, doon ko naman nakita ang mga undergarments kaya di ko maiwasang mamula ng iangat ko ang isa para tignan.

'Kasyang kasya to sa akin...'

Naiiling na kumuha na rin ako ng brassiere. At napabuntong hininga ng malamang ka-cup size ko iyon. Ang pangalawang drawer naman ang binuksan ko. Nandoon naman ang mga neckties na nakasalansan sa bawat sulok ng maayos ganun din ang mga black socks.

Kumuha ako ng isang necktie at isang pares ng high sock bago ko isinara ang cabinet. Yung ibabang drawer naman ang binuksan ko na nakalagay sa labas ng cabinet. Ang laman naman noon ay mga sapatos. Isang pares ng black shoes, pares ng white rubber shoes, nagkikintabang sandals, at boots. I wonder kung paano nila ito ginagawa?

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon