34 | Maid for a day

452 25 1
                                    

←----• 34 •----→

"Maid For A Day"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Hanggang sa makabalik kami sa sarili naming dormitoryo ay hindi pa rin naaalis sa isip ko ang sinabi ni Azriel.

He wants me to be his maid tomorrow? Wtf? Sa tanda na niyang yun kailangan pa niya ng yaya?

Ahh, son of a king. Yeah right.

"Sam, ikaw hah, may tinatago ka. Ramdam ko!" Sabi ni Firexia ng makaupo ako sa kama ko.

At heto na naman po tayo.

"H-hah? Ano namang itatago ko?" Sagot ko sa kaniya sabay tawa kuniyari.

"I can feel that really something happened." Gatong ni Arine na binabalutan ng tela ang paligid ng dumpy egg niya.

"W-wala akong tinatago ano!"

"Okay, okay. But please answer this question, can you?" Tanong ni Firexia ng may pagsusumamo. "Are you perhaps the person behind the reason kaya kontrolado na ni Azriel ang steam niya? Are you the one who helped him?"

Pinakatitigan nila akong dalawa. Natigil din sa ginagawa si Arine at naghihintay rin sa isasagot ko. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sabihin ang totoo.

The part na tinulungan ko lang si Azriel and not the part na hinalikan niya ako!

"O-oo, ako nga. As a partner niya sa project, syempre kailangan tulungan ko siya para ma-handle namin ng maayos ang dumpy. Baka imbes na maging cute creature ang lumabas, maging instant froze egg pa."

"Talaga?! Alam mo ba kung gaano kalaking tulong ang ginawa mo kay Azriel?!" Sabi ni Firexia at hinawakan pa ang dalawa kong kamay!

"A-ahh hindi?"

"Thank you sa pagtulong mo sa kaniya, Sam!" Masayang sabi naman ni Arine sa akin. "The real thing is dati palang, tinutulungan na namin siyang makontrol ang steam niya. So as the higher teacher pero wala talagang nangyayari."

"Hmmm, he even undergo some test sa central hosp dahil baka sa katawan niya may problema pero wala naman. Talagang hirap lang siya to control it. I know Tita Areece and Tito Arzel will be happy about this news!" Ani Firexia.

"Ginawa ko lang naman ang makakaya ko as a partner niya sa project."

"But, how did you do it? I mean, how did you help him?" Tanong ni Arine at umupo sa kama ni Firexia. "Dati kasi kami-kami ang nagtutulungan. Sabay-sabay namin siya na sinasabihan ng dapat niyang gawin."

"I did tell him what to do dahil sa aming lima, ako ang mas nakakaalam sa ganoong bagay dahil narin sa bukod sa kaniya ay ako lang ang may elemental steam." Sabi ni Firexia na inaalala ang ginawa nila noon.

"Ahh siguro nakatulong sa kaniya yung katahimikan ng paligid." Sabi ko sa kanila. "I told him to take a breathe, focus and erase his thoughts and just see on his mind ang bagay na gusto niyang gawin. Siguro kaya siya nahirapan noon ay dahil sa pressure."

"Siguro nga. Sabay sabay din kasi kami mag suggest." Natatawang sabi ni Arine.

"Salamat at natulungan mo siya, Sam. Tama talaga na nakapasok ka dito sa Academia." Ani Firexia. "Pero saan naman yang tahimik na lugar na yan?"

Uhhu...

"A-ahh-"

"We know its on the outside! Don't worry! Di namin ipagsasabi, satin satin lang. Promise!" Firexia said and raised her right hand na parang nanunumpa.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon