49 | An Apple For Snow White

187 10 0
                                    

←----• 49 •----→

"An Apple For Snow White"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —




Hindi ko akalain na sa likod ng pagiging masungit ng babaeng 'to ay may malalim pa lang rason.

"Oh? Umiiyak ka, Shela?" Agad na napaayos ng upo ang kasama ko at tumalikod para punasan ang pisngi niya.

"Ayos ka lang ba, Shela?" Bago pa man mahawakan ni Firexia sa balikat nito si Shela ay bigla itong tumakbo papaalis sa pwesto niya. Takang napatingin ang mga kadarating lang.

"Bakit umiiyak si Shela?" tanong ni Arine ng mailapag ang mga dala. Tinulungan naman din siya ni Light at Lucas sa pag-aayos sa may lapag. Malinis naman ito at madamo kaya ayos lang.

"Oo nga, Sam. Pinaiyak mo ano?" tanong ni Aeros at binangga ng kaunti ang balikat ko gamit ang siko niya. Pinagtaasan ko naman ito ng kilay.

"You think I'll do that?" tanong ko kay Aeros na suot ang di-naniniwala-look niya.

"Nakita namin kayong nag-uusap kaya naghintay muna kaming matapos kayo," aniya. Nakita pala nila ang pag-iyak ni Shela. May narinig kaya sila?

"Eh, bakit nga umiiyak 'yon? Nag iinarte na naman ba ang anak ng ikatlong konseho?" tanong ni Lucas kaya agad ko siyang sinipa. Inosente niya naman akong tiningnan at nagkibit balikat.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan si Shela, and no, hindi siya nag-iinarte. She's just. . . letting her thoughts out," sabi ko na lang at tinanggap ang binibigay na tinapay ni Light at inumin ni Aeros.

"Ano bang sinabi niya kaya siya napaiyak ng gano'n?" tanong muli ni Lucas matapos kumagat sa tinapay niya. Tahimik na nakikinig lang naman si Light. Oh, typical Light. Sana ganiyan din si Aeros at Lucas.

"I can't share it dahil kung gusto niyang malaman niyo ay hindi siya basta aalis—" nabitin ang sasabihin ko ng makita kong may lumitaw na lang bigla mula sa di kalayuan. Suot nya pa rin ang malamig na ekspresyon. Nang magawi ang tingin niya sa amin ay ako ang una niyang namataan, agad din siyang nag-iwas ng tingin at diretsong tinahak ang daan paalis.

"Ay may secret?" tanong ni Aeros na nakatanga sa akin. Akala mo chismosong nangangalap ng impormasyon para sa bagong ichichika. Oh well, chismoso nga namang tunay talaga.

"Think what you wanted to think," sabi ko na lang at kumagat sa tinapay. Laglag ang balikat na napapadyak ito habang nakaupo. He's acting like a kid who's throwing tantrums.

"Naman, eh! Nambibitin ka pa! Sabihin mo na!"

"Chismoso ka naman masyado, Aeros Wind. Hayaan mo na ang ‘secrets’ na 'yon kay Sam dahil sa kaniya lang naman sinabi ni Shela. Let's give her secrets a privacy. Palibhasa walang privacy sa 'yo," at last! Light said and drink on his cup.

"Tsk. Nagtatanong lang ako! I'm not chismoso! At tsaka napaka below the belt mo naman! Alam ko rin naman 'yong salitang privacy, noh. Di ko lang ginagawa." Napangiwi na lang ako sa narinig.

Napaatras akong bigla sa kinauupuan ko ng bigla nalang nag ‘pop’  sa harap ko si Samriel na nakahawak ang dalawang kamay sa magkabila nyang pisngi. "He's mad!"

"My goodness, Samriel! Magpaabiso ka naman kung lilitaw ka! Makakapatay ka ng tao nyan dahil sa gulat!" ani Lucas na nakahawak sa dibdib. Mukhang nagulat din sya at ikinain na lang ang nangyari kanina.

Natatawang lumayo naman sa akin si Samriel dahil halos maduling ako sa lapit niya.

"Hello there, Fatty Samriel!" bati ni Fire sa kanya na ikinasimangot niya. Natatawa namang napailing si Fire sa iniasta ni Samriel.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon