48 | Reason Behind It

192 13 2
                                    

←----• 48 •----→

"Reason Behind It"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —


"No," sa katahimikan, ang boses ni Azriel ang namayani. "Drop that weapon now. No one was allowed to own that bow. No one but Luna only," may diin sa tono ng boses niya nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.

Kataka-taka. Napatikhim na lang ako at napatitig sa hawak na pana. Anong meron rito sa hawak kong 'to? Bakit nagalit si Azriel? Dahil ba pagmamay-ari 'to ng 'Luna' na sinasabi nila?

"I said. . ." ani Azriel at humakbang ng isa. Mataman naman siyang pinigilan ni Aeros at Light na kapwa bumubulong sa kaniya ng kung ano.

Natigil naman siya ng mga ito ngunit ang tingin niya ay nanatiling walang emosyon ngunit mababakas ang talim, ". . . Put that weapon down the table and choose another one. That bow was already owned by someone," aniya. Walang pag-aatubili kong sinunod ang gusto niya. First of all dahil prinsipe siya— and he is acting superior right now— at second, nakakatakot ang aura niya ngayon.

And seriously, this is the first time I felt scared of his presence.

"Azriel, hindi puwedeng maghanap pa ng iba si Samantha—" naputol ang sasabihin ni Aeros nang sumagot na agad ang prinsipeng pinipigilan nilang makalapit sa 'kin.

"She had to choose another one. That bow was treasured by Luna. Yes, she is already gone but the fact still remain that she owns that weapon first," wala nang nagtangkang magsalita sa tinuran ni Azriel. Natahimik ang lahat.

"Iyan nga ang nakapagtataka, Prince Azri," nagsalita si Sir Fier. Napatingin ang lahat sa kaniya. "Ang mga sandata, kapag nakapili na ng kanilqng magiging tagapag-alaga, lubos nila itong mamahalin. At oo, may pakiramdam ang mga sandatang mayroon kayo. Nang. . ." tumukhim ito saglit at nagpatuloy, ". . .mawala na ang may-ari ng panang 'yan, si Princess Luna, siya ring pagkawala nang pana. Pati ito ay hindi nagustuhan ang biglaang pagkawala ng tagapangalaga niya. Isa lang ang ibig sabihin nito kung bakit naririto ngayon ang pana," aniya at tumingin sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay binundol ako ng kaba.

"The weapon can only come out from the owner's soul when its owner's already. . . Dead. And after the weapon heals, it may find its new guardian or remain silent where it is hiding," dugtong ng maestro sa kaniyang mahabang pahayag.

"Wala na ang prinsesang unang nagmay-ari ng pana," mababakas ang lungkot sa boses ni Miss Limary at lumapit ito sa kinaroroonan ni Azriel. "May kapangyarihan ang mga sandata na pumili ng kanilang magiging tagapag-alaga at muking humanap kung sakaling pumanaw na ito."

Natahimik si Azriel na mukhang nasa malalim na pag-iisip.

Nang dahil sa pana na 'to, tumaas ang tensyon sa paligid. Kanina lang ay masaya ang grupo namin. Hindi ko nagugustuhan ang pana na 'to.

"Pipili na lang ako ng iba," sabi ko at hinarap ang lamesa. Natuong muli ang atensyon ng lahat sa akin.

Ilang pulgada na lang ang kamay ko sa sandatang nagustuhan ng biglang naglaho ang lahat. Naging abo ito at tinangay ng hangin.

"N-nasan na?!"

"Nawala!?"

Agad na nagkaingay ang mga estudyante sa nasaksihan. Mabuti nga at wala si Lexcey rito, mukhang inatake na naman ng sakit niya dahil kung hindi ay mas nakakairita siguro ngayon.

Napabuga ng malalim si Miss Limary. "Ang mga sandata sa mesa ay naglaho dahil ayaw na nila kay Sam dahil si Sam ay may sandata na."

"But I told you that Luna owns the bow!"

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon