32 | Helping

364 30 0
                                    

←----• 32 •----→

"Helping"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Nasa gitna ako ng pag-iisip kung anong gagawin sasteam ni Azriel ng may maliit na boses akong narinig.

"Where is Kuya Ice?" Tanong ng isang bata na Junior student. Nalaman ko dahil sa kulay ng skirt niya.

"Hello, baby Azee!" Sabi ni Arine at inosente naman siyang tinanguan nito.

Malamang sa malamang ay kapatid to ni Azriel dahil hinahanap niya yung Kuya Ice niya. Si Azriel lang naman yung mala-yelo sa amin.

This girl in front of us has this cute ang friendly features di katulad ng sa kuya niya. May mahaba siyang buhok na astig tingnan dahil sa black ito na may mga blue strands din na buhok.

"Hi Princess, sorry pero mukhang umalis ang Kuya Ice mo. Here, have some." Pag-aalok n Light dito sa kinakain namin. Mabilis nitong kinuha ang tinapay at nginitian si Light at nag curtsy sa harap nito.

"Thank you, your majesty."

Ang layo niya ng milya milya sa Kuya niyang masungit. Psh.

"Tara, upo ka dito." Yaya ni Lucas dito. "Ako nga pala si Kuya Lucas at siya naman si Ate Samantha." Aniya at itinuro ako.

Lumipat ang tingin nito sa akin at nahulog agad ako sa iginawad niyang ngiti.

"Is Kuya Ice courting you?"

"Oo eh- HAH?! ANO KAMO?!" Gulat na tanong ko dito.

Bigla naman itong napanguso. Ang mga kasama ko naman ay nagsitawanan dahil sa sinabi ng batang kaharap namin.

Binabawi ko na! Kilometro lang ang layo niya kay Azriel!

"Hmmm. Sorry for that. I thought you were courted by my Kuya cause you look new to me and you're hanging out with his group. I'm just afraid that Kuya will get old unmarried." Nanlalaki ang mata na nakatingin ako sa batang kaharap namin na kung makapagsalita ay parang matanda na!

"HAHAHAHA! Tatanda talagang di nakaksal yang Kuya mo! Sa ugali palang umaatras na mga babae!"Bulalas ni Aeros at sumubo ng tinapay.

"Don't talk when your mouth is full Prince Aeros Wind. You're acting indecently like you aren't a Prince." Sabi ni Azee na panay pinagdidiinan ang salitang Prince.

Napangnga naman si Aeros dahil sa sinabi ng nakababatang kapatid ni Azri hbang kami ay di na lang napigilan na matawa sa naging reaksyon niya.

"I-itong batang to ah!-" At naputol ang sasabihin ni Aeros ng magsalita ulit si Azee.

"Anyway, other than asking where my Kuya Ice is, I'm here dahil inutusan ako ni Maestro Frit para sabihin kay Princess Firexia ang task niya this time." Ani nito.

"Oh! Oo nga pala! I forgot na magtuturo nga pala ako!" Ani Firexia at dali-daling tumayo at maingat na hinawakan ang dumpy egg niya.

"Mauna na ako sa inyo hah? Sabay ka na ba sa akin, Azee?"

"Yes po."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon