56 | All Together

190 8 0
                                    

❝ 𝑻𝒐𝒈𝒆𝒕𝒉𝒆𝒓𝒏𝒆𝒔𝒔, 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒆𝒏𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒋𝒐𝒚— 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒆𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒇 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆. 𝑳𝒊𝒌𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒍𝒎𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒆𝒂 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒃𝒆𝒍𝒐𝒘, 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒂𝒓𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒇𝒆𝒄𝒕 𝒎𝒂𝒕𝒄𝒉. ❞
_________





←----• 56 •----→

"All Together"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —





"Kaya kong kumain mag-isa," sabi ni Lucas ng akma kong iuumang na sa kaniya ang kutsarang may laman na kanin at ulam. Ibinaba ko ito sa plato at ibinigay sa kaniya ang tray.

Epekto to ng lecheng blue med na pampa-hyper.

Tahimik na pinagmasdan ko si Lucas habang nakaupo sa kama ni Light. Si Light naman ay nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Nurse Feri. Dahil doon ay naalala ko na naman ang libro na dapat ay mapasakamay ko na.

"Nasaan ako?" Napatayo agad ako ng ayos ng marinig ang boses ni Firexia. Pabangon na ito habang hawak ang tiyan na siguro ay masakit pa rin.

"Firexia!"

"Oh? Samantha?" Nagtataka niyang tanong ng makalapit ako. Gusto ko sana siyang yakapin kaso nga lang ay baka masaktan ko siya.

Kumbaga sa mortal na mundo, high ako. Tsk.

"Nasaan tayo? Bakit, oh my gush, what happened to them?! You? And you guys?! What happened?!" gulat na tanong niya ng makita sila Azriel at Arine na nakaratay pa rin at kami na naka hospital gown.

Naibaba ni Light ang hawak na libro at prenteng nilingon ang bagong kagigising na kasamahan. "We don't know yet cause all of us forgot it. Eat up," hayag nito at bumalik na sa pagbabasa.

Si Lucas naman ay tutok pa rin ang atensyon sa pagkain. Mukhang gutom na gutom talaga na di man lang niya pinagtuunan ng pansin ang prinsesa ng apoy.

"Mas mabuti kung kumain ka muna. Halos walang laman ang tiyan natin dahil nakaratay tayo ng ilang araw," sabi ko at pumunta sa cart na naglalaman ng tray kada layer. Kumuha ako ng isa at hinatid sa kaniya. Nag-indian sit naman siya para maipatong ko sa harap niya ang tray ng pagkain niya.

Mabuti na lang talaga at pair of panjama ang pinasuot sa aming hospital gown.

Tahimik na nilantakan ng dalawa ang mga pagkain nila kaya ako naman ay naupo sa kama ni Lucas kaharap si Firexia na mahinahong kumakain. Ang akala ko na tahimik na sandali ay biglang umingay dahil sa mga bisitang dumating.

"They're awake," A girl in blue dress ending above her knee, greeted us with a wide smile. Naka-braid ang buhok niya sa dalawa. Napangiti na lang ako ng makilala ito. Agad itong lumapit sa akin at binigyan ako ng yakap.

"Azee."

"I'm glad you're all fine, Ate Sam," sagot nito. Kasunod niya ang dalawa pang tao na pamilyar sa akin.

"Hmm, looks like everyone will be awaken this day," anang lalaki na nasa mid 40's na. Matikas itong tumayo at mukhang kagalang-galang.

"Hello there, Uncle," bati ni Light sa papa ni Azriel.

"I hope ngayon na rin magising ang anak ko," may pag-aalalang sabi ni Queen Areece at tiningnan ang anak.

"A pleasant day, Queen Areece, King Arzel and also you, Princess Azee," bati ni Light na nakatayo na pala at nakayuko. Si Lucas naman ay nagkakandarapa na tumayo habang hawak ang buto ng manok at yumuko katulad ni Light.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon