33 | Owe Him Again

367 20 0
                                    

←----• 33 •----→

"Owe Him Again"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Mangha kong pinagmasdan ang nakangiting si Azriel na hanggang ngayon ay hawak ang bato na hindi pa rin nagyeyelo.

Nagulat pa ako ng lumingon ito sa akin. Nakangiti pa rin siya.

"Akin na yang itlog." Binitawan niya ang hawak na bato at iniumang ang kamay sa akin. Kinuha ko naman mula sa kandungan ko ang itlog at inilagay sa kamay niya.

Napangisi na lang siya ng di ito magyelo. Tumayo na siya at pinagmasdan ako. Muli akong nagulat ng iabot niya sa akin ang libre niyang kamay.

"Tara na, bumalik na tayo." Napapikit pikit pa ako dahil sa pagiging mabait niya. At nakangiti pa rin siya sa akin!

N-nasaan na yung masungit na Azriel!?

Dahan dahan kong inabot ang kamay niya. Nang makahawak doon ay parang may boltahe ng kuryente akong naramdaman kaya't medyo nawala ako sa balanse, kaya naman kahit na may hawak siyang itlog sa kaliwang kamay ay nakuha niya pa ring saluhin ako gamit ang paglibot ng kamay niya sa bewang ko.

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa pagkakalapit namin. Ang mukha niya ay ilang dangkal na lang ang layo sa akin.

Parang nanghahalina ang kaniyang asul na mata. Malamlam itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero sa pakiramdam ko ay matagal ko ng napagmasdan ang asul na mata na yon.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya ng unti unti siyang lumapit sa akin. He's looking at me in the eyes intently then dropped his gaze on my lips. Bigla na lang akong napapikit at maya maya lang ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

His lips felt so soft and taste like mint-

FVCK!! WHAT THE HELL!?

Mabilis pa sa alas-kwatro na napamulat ako ng mata at naitulak siya. Napadilat din siya at gulat na napatingin sa akin. Nanlalaki ang mata ko na nakatingin sa kaniya.

W-we kissed... W-we fvcking kiss!!!

Parang ngayon lang siya nabalik sa ulirat at naalala ang ginawa niya. Napaiwas ito ng tingin sa akin at namayani ang katahimikan.

Bwiset, bwiset, bwiset!!!

FIRST KISS KO YON!!!!!!!

Napalingon ako sa kaniya ng tumikhim siya. "L-lets go..." aniya sa akin. Ako naman ay parang hinihingal dahil naghahabol ng hininga ng palihim.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit sa kaniya. For fvck sakes! That's- arghhhh!!!!

Nanginginig akong humawak sa balikat niya. Napaiwas na lang siya ng tingin at hinagkan ng maayos ang hawak na itlog.

Maya maya lang ay naramdaman ko ang hangin at sa isang kisap mata ay nasa likuran na kami ng paaralan malapit sa dormitories. Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat niya at nagmartsa na paalis.

Narinig ko ang yabag niya sa Bermuda grass kaya naman mas binilisan ko. Akmang papasok na ako sa pintuan ng dorm ng bigla niya akong tawagin.

"S-sam..." nahinto ako at napalunok. Biglang parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa isip ko ang nangyari kanina.

"S-sam..." tawag niyang muli. Huminga ako ng malalim bago sumagot ng di man lamang siya tinatapunan ng tingin.

"A-ano?" Napatikhim pa ako ng mautal ako.

"S-salamat sa pagtulong..." sa sinabi niya ay doon ako napalingon. Kita ko ang sinseridad sa kaniyang mukha. Hawak niya sa kaniyang kaliwang kamay ang itlog.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon