57 | Euphoria

181 10 0
                                    

❝ 𝑻𝒉𝒆 𝒈𝒍𝒆𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒇𝒐𝒖𝒏𝒅
𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒓𝒆𝒂𝒔𝒖𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒌𝒆𝒑𝒕
𝑹𝒆𝒎𝒐𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒂𝒔𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒆𝒕
𝑺𝒉𝒐𝒖𝒕 𝒐𝒖𝒕 𝒍𝒐𝒖𝒅
𝑻𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕'𝒔 𝒇𝒖𝒍𝒇𝒊𝒍𝒍𝒎𝒆𝒏𝒕
𝑨𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒆𝒏𝒅 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒂𝒚
𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒔𝒉𝒂𝒍𝒍 𝒓𝒆𝒎𝒂𝒊𝒏 ❞
_________








←----• 57 •----→

"Euphoria"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —








Naging mabilis ang sumunod na oras at huminto na kami sa tarangkahan. Bumaba ng karwahe si Light na ipinagtaka namin.

"Aano ka, Light Thunderous? Don't tell me umaatras ka na?" Taas kilay na sabi ni Firexia.

"No one will drive when the soldier leave," inosenteng sabi ni Light kaya napatawa na lang ako ng napapahiyang napatango-tango si Firexia.

"Sabi ko nga."

"Mag-iingat po kayo. Kapag umabot ang kalaliman ng gabi at hindi pa ho kayo nakakabalik ay pupuntahan ko kayo sa lugar na sinabi niyo," sabi ng kawal sa amin bago umalis at pumasok ng tarangkahan. Kailangan din kasi niyang malaman kung saan ang lugar para kung may mangyari man ay mapupuntahan kami kaagad.

Walang patid ang pagpalakpak ni Firexia habang nilalakbay namin ang daan.

Tinuro ni Lucas ang direksyon papunta sa kanila ng makatapak ang karwahe sa Sentro ng Bayan. Binuksan ko ang bintana para makita ang lugar ngunit agad na napawi ang ngiti ko ng makita ang lugar. Ang ilan sa tindahan ay may bakas na sinira at ang ilan ay nangingitim pa na mukhang nasunog.

"Dito yata may nangyaring gulo," sabi ni Firexia ng mapansing binabati ng mga taong napapadaan si Light.

"Kamusta na kayo, Prinsipe Light?"

"Salamat sa pagtatanggol nyo sa amin!"

"Mabuti na ba ang lagay ninyo?"

"Kamusta ang Prinsipe ng yelo? Anong lagay niya?"

"Si Prinsesa Arine? May bahid pa rin ba ng itim na mahika?"

"Maayos na po kaming apat. Ang dalawa po ay tulog pa rin sa pagamutan," rinig kong sagot ni Light. Nang makalagpas sa tarangkahan papasok ng Cerban ay doon ako napatanong.

"May bahid pa rin ng itim na mahika? Si Arine?" tanong ko. Agad akong napapikit ng biglang parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit.

Heto na naman.

"S-sam, k-kaya mo pa?" tanong ni Firexia. They're all aware na sasakit din ang ulo nila. Mabuti at hindi pa nga sumasakit ang kanila.

Hindi ko siya nasagot ng sunod-sunod na pumasok sa utak ko ang malinaw na imahe.

Nang gabing 'yon.

Ang uwak.

Ang mga maestro at headmasters.

Ang asul na cloak.

Si Arine na nawawala.

Biglang tumigil ang mga imahe at nawala ang sakit ng ulo ko.

"Anong nakita mo, Sam?" tanong ni Firexia na nag-aalala. Umiling ako at nagsinungaling.

"W-wala, malabo. . ."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon