24 | Breakfast

377 24 0
                                    

←----• 24 •----→

"Breakfast"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Ang kaninang kulay asul na aura na bumakas kay Azriel ay bigla nang nawala. Kasunod noon ay ang paghinga ng maluwag ng mga nasa hapag maliban sa akin at kay Lucas na hindi alam ang ire-reaksyon sa nasaksihan.

"Nakakairita talaga ang babaeng yun..." sabi ni Aeros at kunot noong pinagmasdan ang table sa di kalayuan kung saan nakaupo si Shela the coloring book kasama ang iba pa niyang ka-coloring book.

Seriously? Mauubusan ba sila ng make-up?

"Firexia, anong parusa mo sa paglabag ng rule number three, na naman?" Tanong ni Aeros kay Firexia na kinakalikot ang kuko sa daliri. Saglit itong tumigil sa ginagawa ay binigyan ng pansin si Aeros.

"Hmm, madali lang naman."

"Ano?" Tanong naman ni Light.

"Later, after class, pumunta daw ako sa training room ng juniors. Turuan ko daw yung may mga Blazing Elements."

"Uh-huh. Madali nga lang." Dagdag pa ni Light na tinanguan ni Firexia.

"So, Samantha and Lucas. Dahil bago kayo sa grupo, each of us ay magtatanong sa inyo about yourselves para naman makilala namin kayo." Sabi ni Firexia at tinignan pa kami ni Lucas.

"Hmm, walang problema. Sige." Sagot ko naman. Unang nagtaas ng kamay si Aeros.

"Single ka pa- aray! Nakakailan ka na Light Thunderous!" Sabi nito at inis na hinimas ang ulong tinuktukan ni Light.

"Ayusin mo kasi ang pagtatanong mo!"

"Tsk, maayus naman yung tanong ko ah! Buti nga di ko tinanong size ng bra nya eh- nakakailan ka na hah!?" Sabi nito at ambang magsusuntukan na ang dalawa.

"Wag nga kayong maingay." Napalingon kami sa nagsalita. Si Azriel pala na kunot noong nakatingin sa dalawa.

"Tsk tsk. Bakit yata masama ang gising ni Prince?" Taas kilay na tanong ni Firexia. Natawa nalang si Aeros, Light at maging si Lucas.

"Alam nyo ba na nabalot ng yelo ang buong dorm room namin?" Natatawang ani ni Lucas. Napanganga naman kami.

"Bakit!?" Tanong ni Arine na gulat na gulat.

"Kagabi, lumabas na naman yan ng academy, syempre dumating na naman sa dorm namin si Fier at grabe! Kung di lang gumawa ng wind barrier itong si Aeros, malamang tustado na kami. Akalain mong pinainit ni Fier yung dorm na halos kita ko yung lagablab kahit walang apoy?" Natatawang sabi Aeros. "Kaya ayun, matapos gawin yun ni Fier bilang parusa kay Azri, halos balutin nya na ng yelo ang buong dorm dahil sa init na init sya."

"Kaloka ka Prince. Ano na namang ginawa mo sa labas?" Tanong ni Arine dito. Pasiring namang inalis nito ang tingin kay Arine.

"Tsk."

"Gandang sagot." Sarcastic ko namang sabi kaya natawa ang mga kasama ko maliban sa kanya na pinanlisikan ako ng mata.

"Back to the topic. So, single ka pa?" Tanong muli ni Aeros. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Yeah..."

"Yes, may pag-asa ako!-"

"And I don't want commitment either." Dagdag ko kaya halos manlumo ang itsura ni Aeros. Si Light at Lucas naman ay hindi magkumayaw sa pagtawa at paghampas dito.

"Tsk! Nakakasakit na kayo ah!"

"Hahahah! Busted!"

"Ansaket di ba? Hahaha!"

"Yan ang napapala ng pagiging mahangin, Aeros Wind." Nakangising ani ni Firexia. "Ako naman ang magtatanong. Sino sa apat na lalaking yan..." sabi nya at tinuro ang apat. Si Azriel na bagot ang itsura. Si Aeros na nakangisi sa akin. Si Lucas na nakangiti at si Light na cool lang. "...kung saka-sakaling manligaw sila sayo ng sabay-sabay, sino ang sasagutin mo at bakit?"

"Nice question, Princess Firexia." Nakangising ani ni Aeros kay Firexia.

"Wag ka ng umasang ikaw ang mapipili, Aeros. You see, kanina palang busted ka na." Natatawang sabi ni Light na ikinabusangot nito.

"So, what's the answer?" Nagtataas baba pa ang kilay ni Firexia ng tanungin nya ako.

"Sa apat na to? Hmmm." Sabi ko at isa-isa silang tinignan.

Mga gwapo sila at matatangkad. Yung mga bagay na gusto ko sa lalaki ay nasa kanila naman.

"Wala..." sagot ko kay Firexia.

"What? Bakit wala? May mga appeal naman sila ah?!" Dagdag ni Firexia.

Nailing nalang ako. "Ako naman ang magtatanong hah? Sabi ni Arine. "Ilang taon ka na?"

"Same age as you all. Eighteen." Sagot ko naman sa kanya.

Napalingon kami sa double door ng breakfast hall ng makarinig ng malakas na tawanan. Nandyan na pala ang teachers.

Magkakasabay ang mga nakatataas na guro. Nagtatawanan ang mga ito. Sa tingin ko ay nagbibiro si Fier dahil may parang idine-describe ito.

Nang makaupo ang lahat ng guro. Isa isa namang nagsilabas ang mga babaeng nakasuot ng pang yaya na damit. Ang ganda nga ng damit nila kaya di sila nagmumukhang yaya.

"Magandang umaga sa inyo." Bati ng isang babae na nasa mid 30's. Dumapo ang tingin nito sa akin at maging kay Lucas.

"Hmmm, mukhang may nadagdag sa mga alaga ko ah?" Sabi pa nito.

"Ahh oo nga pala Nana Wed, sya si Samantha at Lucas na taga Cerban. Sila yung mga cool na nanalo sa Elemental Game." Sagot ni Arine.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, Samantha at Lucas. Ako naman si Wedly. Nana Wed nalang ang itawag niyo sa akin."

"Ikinagagalak din po naming makilala kayo." Sagot naman ni Lucas.

"Oh siya, anong set ang order nyo?" Tanong nito.

"Azri..." sabi ni Firexia na parang tinatanong ito.

"Yung marami." Sagot nito. Natawa nalang si Nana Wed.

"Hay nako, Prince Azriel. Kailan ko kaya masisilayang muli ang ngiti mo?" Sabi nito na bakas ang pagkalungkot kahit nakangiti.

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Azriel.

"Tsk, be fvcking specific, Prince Azriel." Inis na sabi ni Firexia. "Hayss, yung set G po, Nana Wed. Marami kami eh."

"Sige. Dadalhin ko na dito." Nakangiting sagot ni Nana Wed at pumasok na sa pintong kaninang nilabasan nito.

Naghintay lang kami ng ilang minuto ng lumabas na si Nana sa pintuang yun na may tulak tulak na push cart laman ang iba't ibang putahe.

Ahh, heavy breakfast pala dito.

Tinulungan ng mga lalaki na ihain ang mga pagkain.

"Salamat Nana." Sabi ng mga ito.

"Sige, pakabusog kayo hah? Ubusin nyo yan. Magtatampo ako kapag may tira dyan." Sabi nito.

"Oo naman Nana! Ang sarap kaya ng luto mo!" Sagot ni Aeros.

"Naku kang bata ka. Napaka bolero mo." Sabi nito bago umalis kaya't nagsimula na kaming kumain.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon