25 | Cast a Spell

410 27 0
                                    

←----• 25 •----→

"Cast A Spell"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Sari-sarili ang plato namin maging ang baso at kubyertos. Nasa gitna naman ang iba't ibang lalagyanan kung saan nakalagay ang iba't ibang putahe. Rice, vegetable salad, fruit salad, sinabawang karne ng baka. Pritong manok, inihaw na karne ng baboy na hiniwa sa maliliit na parte at maraming lettuce.

"Let's eat!" Sabi ni Firexia at agad kumuha ng kaniya.

"Sam, akin na yung plato mo." Sabi ni Light kaya naman iniabot ko dito. Nilagyan nito iyon ng rice, ulam at lettuce.

"Uyy, Light, ano yan hah?" Mapanuksong sabi ni Firexia dito at natawa nalang sila ng mamula ito.

"M-mga baliw. D-di ba pwedeng nagiging g-gentleman lang?" Sabi nito.

"Haha, whatever you say, Light Thunderous, whatever you say." Sabi ni Arine sa kaniya.

Namumulang iniabot naman ni Light ang plato sa akin. "Thanks." Sabi ko ng matanggap.

Nagsimula na kaming kumain. Una kong kinain ang kanin at pritong manok. Nang maubos ay tsaka ko ginaya ang ginawa ni Firexia ng kainin niya ang lettuce.

Nilagyan ko ng inihaw na baboy sa lettuce bago naglagay pa ng ibang gulay sa loob noon bago sinara at sinubo ng buo.

You know samgyupsal? Parang ganun.

Nagpatuloy ang pagkain namin. Masaya ang lahat at nag ku-kwentuhan pa. Pero si Azriel ay nananatiling tahimik.

I wonder. Ilang salita ang nasasabi niya sa isang araw?

Napahawak nalang ako sa tiyan ko ng maramdamang punong puno ito. Grabe, ang sarap!

"Hmm mabuti at naubos ninyo." Ani ni Nana Wed ng makitang ubos lahat ng inihain niya.

"Ang sarap po kasi." Sagot sa kaniya ni Arine.

"Mabuti naman at nasarapan kayo. Oh siya, lakad na at kanina pa nasa mga silid aralan ang mga guro niyo. Aral ng mabuti hah?"

Sabay sabay na kaming nagsitayo. "Opo Nana, salamat sa masarap na agahan!" Maganang sabi ni Light bago namin sabay sabay na nilisan ang breakfast hall kasabay ang iba pang estudyante.

"Ano ba ang unang klase?" Tanong ko sa katabi ko. Sila Lucas, Aeros, Light at Azriel ay nangunguna at magkakasabay.

Weww, LALA. Lucas, Aeros, Light, Azriel. LALA. Ang kyut haha.

"Ang first class natin ay Spells na ituturo ni Maestro Nate." Sagot ni Firexia.

"Marami na kayong alam na spell?"

"Hmm, pero madalang naming magamit dahil kakailanganin pa namin ng Allowing Spell Dust bago makapag cast ng spell. Pero yung mga Speller talaga ang Element nila, hindi na kailangan nun." Paliwanag naman ni Arine.

"Nandito na tayo." Wala na sa labas sila Lucas. Malamang ay nasa loob na ang mga ito.

"Look at the top of the door." Sabi ni Firexia at itinuro ang itaas ng papasukan naming pinto. Nakita kong nagliliwanag iyon at naglalabas ng kumikintab na bagay na parang glitter.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon