30 | Hard

342 20 0
                                    

←----• 30 •----→

"Hard"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Bago umalis ay lumapit muna kami sa dalawang guro para magpaalam. Gulat pa rin hanggang ngayon ang ilan sa nasaksihang pangyayari.

"Ahh, Miss Limary, Sir Fier. Pwede po bang pumunta muna kami ng infirmary?" Mahinahanong tanong ni Arine dito.

"You know, you don't need to get our permission para lang mag punta kayo sa infirmary." Ani ni Miss Limary.

"Hmm, tama. Kasi na-explain na ng masters sa amin na magpapabalik-balik kayo don at minsan ay hindi makaka-attend ng klase. Bibigyan nalang daw namin kayo ng special lectures." Dagdag naman ni Sir Fier at iminuwestra ang kamay. "Now, go."

"Salamat sir." Sagot ni Lucas at inalalayan na ako sa paglalakad.

"Humawak nalang kayo sa akin. Magteleport nalang tayo para mabilis." Sabi ni Azriel na ngayon ay parang pigil ang hininga habang hawak ang itlog.

"Azriel, ayos ka lang?" Takang tanong ko sa kanya. Napatikhim nalang sya.

"Bilis na." Pagsusungit nya kaya lalo akong nagtaka. Sumunod nalang ang ilan at humawak sa kanya. Sa una'y nag-aalangan pa ako pero humawak rin naman ako.

Kingina, ang lamig nya. Para syang bangkay.

Maya maya pa ay parang isang kisap mata na nakarating kami sa tapat ng pintuan ng infirmary. Napapikit pikit pa ako.

"Hands off." Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang malamig na tinig ni Azriel at doon ko lang napansin na ako nalang ang nakahawak sa kanya.

Napatikhim nalang ako. Napaka sunget! Hmmp!

"Tara na, Sam. Baka maubusan ka ng dugo mamatay ka kaagad nyan." Biro ni Lucas kaya nasuntok ko sya ng mahina sa tiyan nya.

"Mauna na kayo. Dito muna kayo Aeros at Light." Sabi ni Azriel.

"Huh? Bakit?-" sabi ni Aeros. Kita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Azriel kaya napalunok ito. "A-ahh oo, okay, alam ko na. Hehe."

"Pero may galos din kayo." Sabi ko sa kanila. Sabay sabay na napaiwas ng tingin ang mga ito. Tinitigan ko sila ng maigi.

Something's not right.

"A-ahh tara na Sam." Wala na akong nagawa ng hilahin na ako papasok ni Firexia habang inaalalayan pa rin ako ni Lucas. Nang makapasok ay agad nya akong inupo sa hospital bed kung saan din ako umupo nung unang dalhin ako dito. Bumukas naman ang isa pang pintuan sa loob ng infirmary at lumabas ang nakangiting si Miss Hart.

"Hmm, napaaga yata?" Tanong nito sa sarili.

Mukhang alam nya rin ang tungkol sa itlog.

"Hmm sige, anong mga natamo ninyo?" Tanong nya.

"Galos lang po natamo namin pero yung kay Sam po yung malala." Sagot ni Arine habang sinisipat ang likod ko.

"Sige, kaya mo bang gamutin yung galos nila, Arine?"

"Ahh opo naman po."

"Okay, kayong may mga galos ay doon kayo. Ako nang bahala kay Sam." Sabi nito. Tumayo na si Firexia at Lucas at umupo sa itinurong lugar.

Kumuha muna sya ng mga gagamit sa isang cabinet sa paggagamot ng sugat ko bago pumunta sa likod ko.

"Naku, ang tulis naman pala talaga ng kuko ng ibon. Pangalawang beses mo na dito sa infirmary ah?" Sabi nya. Muli siyang umalis sa likod ko at hinawi pasara ang kurtinang naghahati sa iba pang patients bed. Nang tuluyang masara ang buong paligid ng bed ko ay tsaka sya nagsalita.

"Firexia, wag munang magpapasok ng lalaki dito sa bed ni Sam hah?"

"Opo."

Lumapit siya sa akin at hinawi paharap ang buhok ko. Kinuha nya ang isang gunting mula sa tray kung saan nakalagay ang mga gamit nya bago ginupit ang uniform ko mula sa likod.

"Grabe naman ang ibon na yun." Sabi nya at napa 'tsk' pa at sinimulang gamutin ang likod ko. "Ahh nga pala, nasaan sila Prince Azriel, Aeros at Light? Hindi ba sila sugatan?" Tanong nito sa akin at nagpatuloy sa panggagamot.

"Hindi ko rin po alam. Nag-paiwan po sa labas eh."

"Ganun ba?"

"Hmm, opo." Maya maya lang ay bumukas ang pintuan ng infirmary.

"Baka sila na yan-"

"Oh, Kiel, anyare?" Rinig kong tanong ni Fire

"Ayy hindi pala. Grupo pala nila Kiel." Saad ni Miss Hart at naramdaman ko naman na parang lumamig ang likod ko. Maya maya lang ay nawala din ito.

"Ayan, ayus na." Sabi nya. Taka ko namang kinapa ang likod ko dahil di pa naman nya nalalaglay ng benda pero mas lalo akong nagtaka ng walang makapang sugat!

"Nasaan yung sugat?"

"Wala na."

"Ano!? G-ganon kabilis!?" Para naman siyang nabigla sa sinigaw ko. Bigla ring tumahimik ang paligid. Parang nagpapakiramdaman.

"P-parang gulat na gulat ka yata." Nakangiwing ani ni Miss Hart. I smiled at her awkwardly.

"A-ahh hehe."

Tsk! Reminder lang Samantha Luna hah, nasa immortal world ka!

"Mabilis lang namang nawala ang sugat mo kasi hindi naman ganun kalala. Oh sya. Labas na ako. Suotin mo yang spare blouse." Sabi nya at ininguso ang blouse na nasa gilid ko.

"Ahh sige po. Salamat."

"Hmm, welcome." Sagot nya at nakangiting lumabas sa kurtina at hinawi itong pasara muli. Tuluyan ko ng hinubad ang sinirang blouse at nagpalit.

"Tsk. Malaking ibon ang may kasalanan nito!"

"Hah!? Talaga!? Kami rin eh!"

"Pare-pareho lang ang umatake sa inyo kasi isa lang naman ang puntirya nila. Ang itlog." Rinig kong usapan nila sa labas.

Nang matapos magbihis ay hinawi ko na ang kurtina para makalabas. Nakita ko naman na magkatulong si Miss Hart, Arine at isang di ko kilalang babae sa panggagamot ng mga galos ng mga kararating lang.

"Sam, papasukin mo na sila Prince para magamot na rin sila." Sabi ni Arine. Tinanguan ko lang sya at nagtungo sa pinto pero bago ako lumabas ay narinig ko pa ang usapan nila.

"Nakakapagtaka nga eh. Parang hirap na hirap si Prince sa paghawak sa itlog."

"Napansin mo rin pala yun?" Pinagkibit balikat ko na lang iyon at tuluyan ng binuksan ang pintuan ng infirmary.

"...Inhale! Exhale!"

"Mag focus ka prince!"

"Nakuuu. Ang hirap nito!"

"Relax lang hah!"

"Fvck it! I'm trying my best!"

"Pwes gawin mo ang pinaka best mo pa!"

"Buhay ng itlog ang nakasalalay!"

"Damn it! Bakit ba ang tagal nung babaeng yon!?"

Napakunot ang noo ko sa narinig. Parang mga nagtatalo ito. Nagpapahinahon ng kung sino. Tuluyan na akong lumabas at sumilip sa kanang hallway ng infirmary kung saan ko narinig ang boses at doon ko nakita ang tatlo.

Nakatalikod sa akin si Azriel habang si Light at Aeros ay nakaharap dito na parang pinapahinahon ito.

"Anong nangyayari-" di pa man natatapos ang sasabihin ko ng humarap sa akin si Prince at nilakad ng mabilis ang puwang sa pagitan namin at binigay sa akin ang itlog.

"You better hold that thing before I froze it." Sabi nito at walang lingon likod na pumasok sa infirmary.

"Wuush. Buti naman at lumabas ka na." Ani Aeros at tinapik pa ang balikat ko bago pumasok.

"He's having a hard time, Sam. Trust me." Naiiling naman na sabi ni Light at pumasok narin sa infirmary.

"Having a hard time on what?" I asked confusedly on the closed door of the infirmary.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon