13 | Elemental Game 6 (Stage 2)

466 31 0
                                    

←----• 13 •----→

"Elemental Game 6 (Stage 2)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



"HAHAHAHAHA YAHOOOOOO!!!!" Para kaming mga tanga na sigaw ng sigaw at tatawa. Sinong hindi? Matapos ang nakakatakot na paghaharap ng dalawang tao sa anaconda ay makakakuha ka pa ng price? Nyahahahaha.

"HULIHIN SILA!"

"WALANG HAHAYAAN NA MAKAPASOK SA IKALAWANG HAKBANG!"

Sabay kaming natinag at napatingin sa mga taong nanlilisik ang tingin sa amin. Agad akong hinawakan ni Lucas. "Tara na!"

"Habulin sila!"

"Espien montore!" Sa isang sigaw ng matanda ay biglang naglabasan ang mga kung anong nilalang na gawa sa dahon at mga tangkay ng puno.

"Mga itim na puno! Mahirap silang takasan! Isang tapak mo lang sa kanilang ugat ay tiyak na matutusok ka ng kanilang matitinik na ugat na may dalang nakamamatay na lason! Paano na to!?" Sigaw ni Lucas sa akin. Pati ako ay nadadamay sa pagiging balisa nya.

"Kung gawin nalang natin ang gusto nila!?"

"Tanga ka ba!? Pinaghirapan nating harapin yung ahas tapos makukuha lang nila yan ng pananakot? No way!"

"Shh! Napapa ingles ka na!"

"Ayy oo nga."

"Ahh!" 

"Samantha!" Sigaw nya ng mapasigaw ako ng makaramdam ng pagkahiwa sa parte ng katawan ko.

Nakita ko naman ang sunod-sunod na namang pagpapaulan ng mga di kalakihang tinik ng halaman ang mga taong nasa likod namin. 

"M-marunong ka bang tumalon ng mataas? K-kaya mo?" Nahihirapan kong sabi. Medyo nahihilo na ako.

"Oo! Bakit!?" Sabi nya habang pilit naming iniiwasan ang mga tinik na gawa ng mga tao.

Muntikan na syang matumba sa biglaan kong pagyakap sa kanya.

"S-samantha? A-anong ginagawa— shit!" Sigaw nya at iniwas kaming pareho sa mga tinik.

"Pagbilang ko ng tatlo, talon ng mataas okay!?" Nag-aalinlangan man ay tumango sya. "Pagkatalon mo rin dapat ay ihanda mo ang sarili mo. Saluhin mo ang unang mahagip ng kamay mo. Maliwanag!? Isa, tatlo!"

"Hahhhhhhh!!!!!" Sigaw nya at agad na tumalon. Nanindig naman ang balahibo ko ng makita kung gaano na kami kataas. Sheyttt.

Tiningala ko ang mga nagtataasang puno. Humawak ako ng isang kamay sa kanya at ng maabot ang baging ay dinalawang kamay ko na at inugoy ang paa gamit ang aking buong lakas ay ihinigais ko sya papunta sa isa pang baging.

"Ta*****!" Sigaw nya at agad na napahawak sa baging. Pareho kaming habol ang hininga na napatingin sa baba. Napakataas ng pwesto namin ngayon. 

"Bilisan natin!" Sigaw ko at agad na inakyat ang hawak na baging. Nagsimula na naman silang magpaulan ng tinik. Mabuti nalang at di sila asintado.

Napahinga kami ng malalim ng makaupo sa malapad na sanga ng puno. Mas malapad pa sa katawan ko. Para ngang di sanga to sa laki e. Triple ang lapad at mas lalo naman ang lapad ng katawan mismo ng puno.

Hinawakan ko at dinama ang nakitang mga berdeng lumot sa sanga. Madulas ito. Tinanaw ko ang pupuntahan ng sanga. Sakto papuntang sunod na hakbang.

"Lucas."

"Hmmm?"

"Ang susunod na hakbang ay doon banda." Sabi ko at itinuro ang pupuntahan ng sanga. "Mabuti nalang at dire-diretso itong mga sanga papuntanang direksyon na iyon. Ngunit kailangan nating mag-ingat. Madulas ang ilang parte ng puno na may mga lumot."

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon