15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)

434 22 0
                                    

←----• 15 •----→

"Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —



Mariing napapikit si Samantha habang bumabangon. Ramdam niya ang sakit ng kanyang ulo.

Napalingon lingon sya sa paligid. Nakahiga sya sa may sanga ng puno habang si Lucas naman ay hanggang ngayon walang malay.

Nakabalik na sila sa bundok. Wala siyang makita na Lieous o Dieous man lang sa paligid. Hindi naman din mukhang mundo ni Dieous ang pinagbalikan nila.

'Akala ko ba paalam?'

Nilapitan nya si Lucas at tinapik ang balikat. Unti unting itong gumalaw at nagkamalay. "N-nasa kabilang buhay na ba tayo?"

"Gago. Nakalagpas tayo. Ewan ko nga rin kung paano eh. Pero, grabe! Ganun pala pakiramdam pag malapit ka sa kamatayan."

Nakita nya ang pagsilay ng ngiti sa kasama habang tinatanaw ang kaitaasan. "Akala ko hindi ko na muling masisilayan si Ina at Lucy. Nakakatakot naman kasi si Lieous at Dieous." Ani nito at umupo na rin. "Nga pala, paano mo nalamang ganun ang gagawin?" Nagtataka na tanong ni Lucas sa kanya.

"Sa totoo lang, may mahinahong boses dito sa utak ko na nagsasabi ng kung ano ano. Tapos ayun, dumating ang araw na kapag sinusunod ko ang sinasabi nun, tama ako."

"Talaga? Ang astig naman pala." Sabi nito sa kanya. "Oo nga pala, katanghalian na. Tara na at kumain. Nakaligtaan na nating mag-agahan. Mas maganda ng may laman tiyan natin bago pumunta sa susunod na hakbang."

Tinanggal ni Lucas mula sa pagkakasakbit sa likod ang dalang tela. Binuksan nya iyon gamit ang paghila sa tela.

'May string bag rin pala dito?'

Mula sa loob ng dalang tela ay naglabas sya ng dalawang medyo may kalakihang tinapay. "Kainan na!" Ani nito at masayang inabutan ang kasama.

Sa loob naman ng Academia...

"GISING NAA!!!!!!"

"Fvck!" He cussed and got up. What the fvck is his problem!?

"BANGON NAA!!!!!!!!"

"You motherfucker! If you'll keep on screaming outside my room, I'll make you numb!" Maya maya lang ay nawala na ang ingay dahil sa ginawa niyang pagsigaw dito.

Bumalik na siyang muli sa pagkakahiga at bumalik ng tulog ngunit naramdaman nya na unti unting uminit sa kwarto nya. He stand up again in annoyance.

"Whats wrong with you people!?"

"Get up, you dickhead! Or I'll toast you to death!" Firexia hissed outside his room.

"Stop this heat or you wanna die!?"

Suddenly the door opened, or it didn't open, instead... "Damn it! Bakit mo sinira ang pintuan ko!?" Sigaw nya kay Aeros na siyang pinakaunang pumasok.

"Sabi ng bumangon ka na! Alam mo naman kung anong meron ngayon at kailangang nandun ka! For Pete's sake! You're a prince so act like one. If-"

"Get out and I'll dress up." mahinahon kong sabi na nagpangisi sa kanya.

"See? Bunganga lang ang-"

"I said, get out, o baka naman gusto mong mawalan ng dila?" He said while holding a pointed ice on his hands.

"Sabi ko nga aalis na." Sabi nito at hinila na paalis ang iba pang kasama.

Inis syang gumawa ng yelong pintuan para masarahan muli ang kwarto nya. Pumasok na sya sa banyo at nagsimulang mag ayos.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon