Breathing Fire

454 27 11
                                    

Dedicating this chapter (containing almost 10,000 words!) to my gorgeous friend, Teacher Wen Dee, happy birthday! Lovelots!


**********

Miranda's POV


No! My mind suddenly went blank. Parang namanhid din ang katawan ko kaya hindi ko ininda na sa paa ko tumama ang nabitiwang gadget kung saan nakita ang panggabing balita.

Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan sa tabi ng kalsada. "Madam?" Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglingon ng assistant ko sa tabi ko pati ang nagtatanong na mukha ng driver ko sa rearview mirror.

Now is not the time to be emotional, Miranda! Think!

Pero para sa isang ina ay napakahirap maging lohikal kapag nangibabaw na ang pag-aalala sa anak. Dollar will be in a big mess! She will be called a murderer because of that stupid video! No, no, I cannot let that happen.

This is a slap in my face. Maybe this is my karma. I was the one plotting Vladimir's death all these years but Dollar will be at the receiving end. Oh, God!

The video may be real but it only captured a controversial scene and that will mean Dollar's reputation. I swear to do everything within my power and money to clear her name but the video will still do damages. An international model involved in the death of a well-known businessman! It will be a hot topic once they connected the video to the woman's true identity. I cannot let that happen! Most people on social media are nasty!

"Claire..."

"Yes, Madam?" maagap na sagot ng PA ko.

"Make calls. Alamin mo kung saan dinala ang katawan ni Vladimir." I commanded, my voice shaking.

"On it."

Mas dapat kong pangibabawin ang pagiging doktor kesa pagiging ina sa oras na ito. The bastard can't be dead. The last time I checked up on him, he was recovering unexpectedly. Pero kung patay man siya ay wala siyang karapatang dalhin pati sa hukay ang pangalan ni Dollar.

Hindi ako dapat pumayag nang sapilitang ilabas ni Nyssa ang ama sa hospital at iuwi sa bahay nila. The woman must be having suspicions about me being her father's doctor and my true identity. Idagdag pa na balak pa lang gamitin ni Nyssa ang ama sa pagsira kay Dollar.

Damn the St. Martins!

Binalikan ko ang gadget at hinanap ang news website ng istasyon na nagpalabas ng balita tungkol kay Vladimir. I replayed and studied the video.

Dahil sa dilim ng video ay hindi masyadong nakikita ang gilid ng mukha ng babae. But someone who worked closely with Dollar can eventually recognize her. Kung hindi ko kilala na si Vladimir ang nasa video o nagkataong ibang lalake ang nasa video ay makikilala ko pa din si Dollar, that's my daughter! I know her side and back view and we almost have the same body built, mas mataas lang siya sa akin ng ilang pulgada...

Nilingon ko si Claire, she raised a thumbs up indicating that she already located the hospital where Vladimir was rushed to.

Kababa pa lang niya sa mobile phone nang bigyan ko siya ng panibagong utos. "Contact, Charlie, I will give her instructions while on our way to the hospital."

"Charlie Yntingco, your couturier?" kumpirma ni Claire, kitang-kitang sa mukha ang pagtataka kung bakit sa ganoong sitwasyon ay kailangan kong makausap ang couturier ko.

"Yes."


**********

Dollar's POV

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon