Bursting into Flames

607 42 27
                                    


"I'm back... I will never leave you again, Dollar..."

I am looking at Rion's serious face and my heart swelled hearing his words.

Nasa harap ko siya sa madilim na bodegang ito. He's naked from the waist up. At nasa dibdib pa din niya ang malinaw na dollar tattoo... 

Pinilit ko siyang abutin pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatayo. Gusto ko siyang hawakan pero hindi ko magawa at nakakainis ang ganitong pakiramdam.

"Promise me that." Bulong ko sa kanya.

"I promise." Seryoso niyang sabi. At mula sa likuran ay may kinuha siya.

Baril... Tinutok niya sa akin iyon nang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha.

Nabigla ako at tumataas ang balahibo ko sa takot. Gusto kong umatras o lumayo sa kanya pero wala akong maurungan o magalawan.

"No..."

Ang tattoo sa dibdib niya na simbolo ng pangalan ko ay nagsimulang lumaki, kumalat ang apoy na tinta at gumapang sa buong katawan niya hanggang hindi ko na makita ang mukha niya. The dollar fire tattoo enveloped his skin like it was burning and Rion became a huge fire!

Naging totoong apoy ang tattoo sa katawan niya. At kasabay ng pagsabog niyon ay ang pagputok din ng baril na tinutok niya sa akin!


^^^^^^^^

Dollar's POV


Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang paghinga.

I'm still alive! Hindi iyon totoo! Panaginip lang! Nilingon ko ang buong paligid para makumpirma na wala ako sa isang madilim na bodega.

Nasa bahay ako ni Rion sa JR-East. Particularly in his huge bed.

Dahil sa sobrang pag-iyak kanina sa natuklasan ko ay sumama ang pakiramdam ko kanina. Rion wanted to refuse Moi and Gracy's invitation but I insisted. I tried to act normal over dinner because I don't want the happy couple to worry.

Pero may pagkakataon kanina kapag nag-iisa ako na may mga luha pa ding tumutulo kapag naiisip ko na nabingit sa kamatayan si Rion. I know how dangerous the life he was living even as a member of Uncle Al and St. Martin's but I was not really prepared to see the proof of it, of what he suffered.

A bullet wound on the chest! God!

Rion said that it was connected to why he left me and I cannot even get mad. Mas pipiliin ko na iwan niya 'ko ng sampung beses basta buhay siya kesa iwan niya ako dahil sa kamatayan. Kung nangyari ang huli ay hindi ko na alam kung paano ako makaka-recover dahil doon. What happened in the past was supposed to happen. Hurtful they may be.

Tiningala ko ang wall clock. It was only nine in the evening. Pagkatapos ng hapunan at sandaling kwentuhan ay nagyaya na ding umuwi si Rion dahil sa nakikitang katamlayan ko. Nang makauwi kami sa bahay ay nag-prepare na agad akong matulog. Nasilip ko si Rion na may ginagawa pa sa laptop niya sa balkonahe. Hinintay ko siyang tabihan niya ako pero nakatulog na lang ako ay hindi ko siya naramdaman. That was almost an hour ago. Then I woke up because of that bad dream.

Bumaba ako sa kama at hindi nag-abalang magbuhay ng ilaw. Thanks to the moon light passing through the glass walls which help me see my way down.

Nakita ko agad si Rion sa sala. Nakaupo siya sa sofa at sa harap niya ay ang bote ng alak na bahagya pa lang nababawasan, nagpapaantok siguro. He's topless and only wearing a soft pajama. Medyo basa pa ang buhok tanda na kaliligo lang.

Natigil ang pag-angat niya ng baso nang makita ako. I slowly walked to his direction. Tuluyang ibinaba ni Rion ang baso ng alak at tiningala ako.

I joined him on the sofa and rested my head on his chest. Rion then circled his arms around me. Hinalikan ko ang peklat sa dibdib niya. I pulled my head up to look at him while kneading his scar using my thumb.

Nararamdaman ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya habang kinokontrol ang paghinga. His eyes are dark with passion but his hands remained unmoving on my side.

Muli akong tumungo at hinalikan ang peklat sa dibdib niya at saka pinaglakbay ang labi ko pataas sa leeg niya. I kissed his adam's apple and would have linger on that for long if Rion didn't lift me so I can straddle him properly.

I gasped when I felt the delighting sensation of our bodies pressed to each other. Then Rion covered my mouth with his for a kiss full of hunger and longing.

I couldn't think of any right moment to give all of me and get all of him but tonight. His sufferings and his reasons still remained unclear to me but they only fuel the desire to hold him and confirm that he's still alive.

Rion stood up while holding me, not breaking the kiss. At masyado akong nalulunod sa halik niya para mapansin na mula sa sala ay nakaakyat na kami sa kwarto niya.

And there we continue what we started in the lagoon this afternoon...


A/N: Alam ninyo... I was hesitant at first to give Dollar and Rion some sexy scenes, ahaha! For years I avoided writing things that are not in line with my personal value system but then I realized that if I want to grow as a writer I should be ready to separate myself if needed and be someone I am not and be more. Isa pang dahilan ng hesitation ko ay dahil ako ang nagsilang sa kanila at nasubaybayan ko sila sa kwentong ginawa ko. But I don't want them to just be fictional characters. Gusto kong ituring silang buhay pero paano ko sila ituturing na totoong tao kung hindi ko man lang sila bibigyan ng basic instinct like sexual instinct na parte ng human nature, right? Kaya ayan na nga ang patikim sa kanilang sexy time, ahaha! And more importantly, they are both consenting adults at nagmamahalan naman sila sa kwentong ito, bwahaha! Andami kong sinabi eh hindi naman kayo nagbabasa ng Author's note, hmp. Less than ten chapters na lang ang BHSS, kapit lang! Votes and comments?

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum