Burning Past

983 51 17
                                    

Present


Dollar's POV


"Hey."

Hindi ako lumingon sa walang kabuhay-buhay na pagtawag ni Shamari. Hinagis ko ang bag ko sa passenger seat at umikot para buksan ang pinto ng driver's seat.

Vacay's over. Maghahanap na ulit ako ng magagawa.

"Gusto mo ba ng pagkakaabalahan?" Shamari again.

Nilingon ko na siya at ngumiti ng matamis. "I'm not open-minded right now. Toodles!"

"Arrange my engagement party for me."

Napigil ko ang pagsara ng pinto ng kotse. I exhaled. At lumabas ng sasakyan. Naiinis kong tiningala si Shamari sa mezzanine ng garage. Yeah, the garage of the villa has a mezzanine overlooking the fleet of cars sheltered there.

"It won't take much of your time. Just an intimate dinner for twenty people or so. Sa La Felinovine. Bahala ka na sa ibang detalye." Walang kabuhay-buhay nitong paliwanag.

Right. After arranging for the fiesta, heto at hinihingi ang serbisyo ko para sa isang engagement party. Honestly, I feel excited about the idea of me organizing something. Why not? Baka sa linyang ito na pala ako tatagal. Pero syempre, I wouldn't make it easier for my dear Shamari.

"Paano ka makaka-move on niyan sa sa pagre-resign ko kung may contact pa din tayo sa isa't isa?"

"Oh, you don't need to see me while organizing everything. There's the phone."

Napatango-tango ako. Si Shamari ang bride na hands-off na agad sa pag-aayos ng engagement party, ano pa kaya sa kasal? At sa akin niya pinapa-ayos iyon kahit alam niyang wala akong ideya sa pag-aayos ng ganoon dahil wala siyang pakelam sa kakahinatnan ng party niya. How sick is this woman?

"You said La Felinovine... Paano ka nakakasiguro na pwede mong gawin doon ang engagement dinner mo?"

And there's Tatay Zilv. Siraulo talaga ang babaeng 'to.

"Why not? My brother's one of the owners."

At ano ang opinyon ni Rion sa mga pinaggagawa ng kapatid niya?

Aaah I should focus on my personal mission.

"I'll call you." Non-committal kong sagot sa kanya at tuluyang pumasok sa sasakyan at pinatakbo iyon palabas ng garahe.

I pushed a button and the roof of the car retracted. I inhaled the fresh cool air. Hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko. This is what I loved about this bucolic place. Sariwa at malinis ang hangin at ang mga tanawin, breath-taking...

Alalay lang ang takbo ko habang palabas sa property ni Lolo, ninanamnam ang kagandahan ng lugar, sandaling tumitigil para batiin ang mga tauhang nakilala ko noong fiesta.

Minutes later, I was hitting my favorite road. Ang mala-bitukang kalsada na mahilig pagkarerahan ng mga kabataan dati, katulad nila Moi, Zilv,  Rion at Vaughn. Malapit na ko sa sangang daan at imbes na kumaliwa para dumirecho sa bayan ay pinili ko ang kanang daan paakyat. Ang daan na iyon ang papunta sa Al's at sa bahay namin. Nakikita ko na ang bubong ng Al's Billiard nang tumaas ang paningin ko at makita ang usok na tumataas sa ibabaw ng mga puno.

Sandali kong binalik ang paningin sa kalsada pero mabilis ding tiningnan ang usok para makumpirma.

I frowned.

Binagalan ko ang takbo nang mapatapat sa Al's at liliko na sana nang magbago ang isip ko. Sa halip ay nilagpasan ang Al's at pinatakbo ang sasakyan sa direksyon ng usok. Ilang metro lamang ang tinakbo ko at nililiko ko na ang sasakyan sa makipot na daan. Kung lilingon ako sa kanan ay makikita ko pa sa pagitan ng mga puno ang bahay namin na konti lang din ang layo mula sa Al's.

Dahil halos walang dumadaang tao o sasakyan ay matataas na ang damo papasok sa driveway.
Tinigil ko ang sasakyan sa mismong tapat ng abandonadong bahay na tinubuan na din ng malalagong halaman ang paligid. At nakupirma ko na ang usok ay nanggagaling sa gitna niyon. Dahan-dahan akong lumabas ng sasakyan at tumayo sa tapat ng bahay.

Bata pa lang ako ay nalaman ko na ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Not from Uncle Al but from my father's family. Mula sa mga kwento lamang iyon pero hindi ko pa din maalala ang eksaktong nangyari. Siguro ay dahil napakabata ko pa noon, idagdag pa na traumatic iyon. Pero alam ko, nararamdaman ko na nasaksihan ko kung paano nangyari lahat iyon, hindi ko lang talaga maalala...

Nang ampunin ako ni Uncle Al at maka-recover mula sa trahedya ay lalo nang naibaon ang mga alaalang iyon. Bata pa lang ako ay iniiwasan ko na ang lugar na ito, natatanaw ko na lang mula sa bintana ng bahay ni Uncle. Maski sila Moi at Zilv ay alam na hindi ko gustong pumunta dito kaya sa ibang lugar kami naglalaro dati. Nang tumuntong ako ng college at regaluhan ni Lolo ng sarili kong laboratory ay lalo ko nang nakalimutan ang lugar na ito dahil nasa kabilang bahagi ang lab. Alam kong nasa pangalan ko ang lupang ito pero parang maski iyon ay ngayon ko na lang din naalala. Kadugtong ng lupain ang property ni Uncle Al pero may kalayuan dahil mas mataas ang kinalalagyan ng bahay dahil nasa burol. Sa kalsada ay hindi rin matatanaw ang bahay dahil nahaharangan ng mga puno at dahil hindi na din buo ang bahay.

And now, I'm standing here.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Where stories live. Discover now