Rekindling the flame

2K 79 38
                                    

Dollar's POV

Halos lahat ng trabahador na nakatira sa lupain ng mga Flaviejo ay nandito, nasa kani-kanilang pwesto pero konti pa lang ang mga nakaupo. Karamihan ay nakatayo, nakatingin sa'kin, natutuwa, nasa mga mata ang paghanga.

Naglakad ako sa gitna ng mga hile-hilerang upuan, binabati sila at nginingitian. Noong huli kong pinangarap na makita ang ganito karaming tao na inaabangan ang paglalakad ko ay hindi ko naisip na mapapansin ko sila, sigurado kasi ako na nasa isang tao lang ang atensyon ko kung dumating ang araw na 'yon.

I dreamt of this...

Ang makeshift altar ay itinayo sa loob ng gazebo sa burol na malapit sa villa. Nandoon na din si Father Insha sa unahan.

At si Rion. He is silently watching me make my way through between the row of seats. He's dashing and handsome. Kinakausap siya ng isang empleyado, tumatango na parang nakikinig pero ang mga mata ay nasa akin.

Gusto kong matuwa, maging proud sa sarili ko, ganda ko kasi. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil bumabalik na naman ang mga itinanong ko sa sarili ko noong kasal ni Moi at Gracy. Na naisip kaya ni Rion na ikakasal kami, na mangyayari pa kaya ang pangakong sinabi niya sakin dati?

Gusto kong mapailing.

Kailangan kong ipaalala sa sarili ko na misa ito para sa fiesta ngayong araw at ito na siguro ang huling malaking selebrasyon na na makikita kong ginanap sa lugar na'to.

**********

Pati panahon ay nakikiisa sa masayang selebrasyon ng fiesta ng bayan ng Flaviejo. Lumagpas na ang oras ng tanghalian pero ang mga pagkain na para sa lahat ay hindi nawawala sa limang hilerang buffet table sa ilalim ng malalaking toldang tinayo malapit sa villa, hindi din maubos ang buhos ng mga tao.

Nang matapos ang misa kaninang umaga sa burol at maikling programang inihanda ng mga tao sa hacienda ay sumunod naman ang pagtugtog ng mga bandang inimbita ng pamilya, mostly youth bands playing country music. Ang mga gustong kumanta o mga grupo ng kabataang gustong sumayaw ay binigyan din ng pagkakataon. Ang ibang mga empleyadong karamihang galing sa ibang lugar ay mas ginusto namang libutin ang buong villa. Ang family room na may mga billiard tables, dart at table tennis pati na rin ang malaking library na hindi lamang mga estante ng mga libro ang makikita kundi ang mga antigong painting at vase na koleksyon ng pamilya ay binuksan din para sa mga bisita.

Masaya si Don Marionello sa nakikita. Mag-iisang dekada na nang huli silang magdaos ng ganito ding kalaking selebrasyon ng fiesta. Noon ay siya mismo ang ang namahala niyon katulong ng mga apo.  At ngayon ay hindi siya nagduda sa panganay na apo sa pangunguna sa preparasyon para sa araw na iyon.

Hinayon ng matandang Don ang paningin sa isa sa mga umpok ng lamesa, napangiti nang makitang lumalapit ang apo sa dalagang para sa kanya ay nag-iisang babaeng nararapat sa buhay nito. Ang babaeng susunod na kilalanin ng lupaing ito bilang katuwang ng apo niyang si Rion.

Sinenyasan niya ang nurse na itulak ang wheelchair palapit sa mga bisitang nasa hardin. 

Katulad niya ay nagpahayag ang mga ito ng katuwaan na muling nagdaos ang pamilya ng ganito kalaking selebrasyon.

Don Marionello assured his guests that it won't be the last, that soon they will be invited again to an event larger than this. Imbitado ang lahat ng mga empleyado at buong bayan ng Flaviejo. All will be asked to come dressed in white...

**********

Dollar's POV

Wala akong masabi sa nakikitang kasiyahan ng mga tao sa paligid. Everyone is celebrating the day by enjoying the food, the music, and the grandiose villa.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon