Friend and Foe

654 41 16
                                    

Dollar's POV


Nagpapa-antok ako sa balcony na nakatanaw sa dagat nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Nilingon ko si Miranda na nakakapit ang kamay sa pinto ng balcony. I almost gasped not because of shock but because of her view.

Isang manipis na negligee ang suot niya na hanggang sakong na humakab sa katawan na parang mas bata kesa sa late forties. Nakalugay ang mahaba at alon-along buhok niya na dinadala ng hangin. I cannot mistake her for being a foreigner, Miranda has an exotic Filipina beauty. A kind of a sensual face that hides mystery yet I'm sure that there is always something familiar about this woman.

"Can I join you?" tanong niya.

"O-Of course" I smiled at her. Hindi ko na kailangang sabihin na hindi niya kailangang humingi ng permiso dahil bahay niya ito. I saw the relief on her face. Parang ang pagpayag ko na samahan niya 'ko dito sa balcony ay nakapagbigay kasiyahan sa kanya pagkatapos ng pagdududa kung gusto ko ba ng kasama.

I really liked the woman. Kahit sa ilang oras pa lang na kasama ko siya ay hindi ko maintindihan ang pag-iba-iba ng emosyon na nakikita ko sa mukha niya.

"I really don't want to impose, Miranda. Pasensya na sa abala." I smiled shyly.

Medyo nahihiya ako dahil wala naman sa plano ko ang pagtulog dito sa bahay niya.

"You will never be a bother, hija. It warmed my heart that for the first time, this house entertained a lovely guest like you." At nandoon na naman ang masuyo niyang pagtitig sa'kin na gusto kong mailang. Maybe I was so used to people eyeing me because of my career.

I murmured my thanks at napansin na sa halip na sa magandang tanawin sa labas siya nakatingin ay sa mukha ko siya nakalingon. She's not aware of what she was doing for minutes. And I can see the longing in her eyes.

Siguro ay sabik lang si Miranda sa kausap. Sabi nga niya ay unang beses pa lang na nagkaroon ng bisita ang bahay niya. She must be missing a special someone, a husband or a daughter perhaps.

"And you're not a stranger at all, Dollar. Rion knows you."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Yeah. Rion."I silently sighed. Pakiramdam ko, maraming oras na naman ang lilipas para sa 'ming dalawa hanggang hindi natatapos ang mga lihim. Lihim niya at lihim ng kabataan ko na hindi ko sigurado kung gusto kong malaman o may dapat nga bang malaman pa?

"What's that for?" Tanong ni Miranda na narinig yata ang paghinga ko nang malalim.

"Gaano na po kayo katagal magkakilala ni Rion?" Tanong ko kaysa sagutin ang tanong niya. Ang sabi ni Rion ay business associates ang dalawa.

"Eight years now. I've met him when he's just starting the Flaviejo empire overseas."

Eight years. Magkakilala na ang dalawa bago pa man ako iwan ni Rion at umalis nang walang paalam. Hindi ko alam kung magkaibigan ang dalawa bukod sa ugnayan sa business. Pero sa tingin ko ay may alam si Miranda tungkol sa'min ni Rion, it's just a gut feel. Pero kung pagbabatayan ang pag-uusap ng dalawa noong nakita ko sila sa simbahan ay parang may nakapagitan na kung ano sa kanila. Or maybe Rion is not really that friendly even to his business associates.

"All those years, wala akong natandaan na tumitig si Rion sa ibang babae katulad ng kung paano ka niya tingnan." There's a teasing tone in Miranda's voice.

Napangiti ako sa narinig ko. That confirms that the woman knows something between me and Rion.

"You are his great love, Dollar. " may katiyakan sa tono niya.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt