Honest Feelings

579 41 24
                                    

Dollar's POV


Nang matiyak kong tulog na si Lolo ay marahan akong lumabas ng kwarto niya at nginitian si Jesson, ang private nurse niya na naghihintay sa labas.

Noong araw ay kaya naming magkwentuhan ni Lolo kahit yata buong maghapon pero sa lagay ng kalusugan niya ngayon ay imposible na. Madali nang mapagod si Don Marionello at dapat ay palaging maging maingat sa mga konting pagkilos lang.

Hapon na nang makarating ako sa Flaviejo at oras na ng pahinga ni Lolo. I just announced my arrival and talk to him for a while. Ayoko mang orasan ang pag-uusap namin pero kailangan dahil sa kondisyon niya. He just repeatedly assure me that he will live long to witness his grandchildren's wedding and that's he's strong enough to play with his great-grandchildren. At kahit paulit-ulit na niya iyong sinasabi kapag nagpupunta ako dito ay okay lang, as if iyon din ang kailangan kong marinig para mapanatag ang loob ko na okay pa talaga si Lolo.

I don't want to think that a time will come when Lolo's not around anymore. Kung hindi man madadagdagan ang mga tao sa buhay ko ay huwag naman sanang mabawasan...

Nakita ko si Shamari na bababa sana ng hagdan. Nauna siya sa akin kahapon pa nang ibalita ni Rion na na-hospital si Lolo.

"Give me an update." mataray niyang utos.

"About what?" mataray kong sagot.

Kung hindi ako nagkakamali ay ang engagement party na pinapa-asikaso niya sa 'kin ang tinutukoy niya.

"The engagement party."

"Your engagement party." I emphasized the word 'your'. I almost forgot all about it. "I'm very busy these days, Shamaw." Hindi ako nagkunwari ng pagkatamlay.

The DNA test result, the long drive back and forth from Manila to Flaviejo and my worries over Lolo's condition ate up all my energy.

"Busy about what?" Mataray pa din niyang tanong pero halata din sa mukha ang pagod.

Pinigilan kong sagutin siya nang pabalang. Por que alam niyang wala akong trabaho ay hindi siya naniniwalang busy ako. Pinalagpas ko ang pagiging antipatika ni Shamari dahil wala naman siyang alam sa nangyayari sa akin. 

How I really wanted to share everything with someone. Lalo na kay Shamari. Alam kong dadamayan niya 'ko at tutulungan. We may be at each other's throats most of the time but Shamari has been my truest friend over the years.

"About life, about love." Sabi ko na lang. I winked at her.

"Well, I think I can help you with the love department." She crossed her arms just like she does when giving a super duper bright idea in the board room.

I smirked. No doubt she can do that if it's for the sales and marketing and finance department of her company. Pero tungkol sa love? Mula sa babaeng hindi nae-excite sa sarili niyang kasal at mas magulo pa sa akin ang love life?

"Fly to La Felinovine tomorrow and arrange the engagement dinner. Ikaw na ang bahala sa lahat ng detalye, include the things you yourself want to happen in an engagement party." She smiled mischievously.

I rolled my eyes.

"Nga pala sa 'yo ko din ipapa-organize ang kasal ko." dagdag pa ni Shamari.

Bakit pa nga ba ako magugulat eh hindi nga siya excited sa paglagay sa tahimik. I really want to strangle this woman!

"Rion's going to the island first thing in the morning. Sinabi ko na sa kanya na sasabay ka bukas."

I stared at her with wide eyes. Ang sarap talagang sakalin! Kinalma ko ang sarili ko.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora