The Chaos Inside

2K 119 20
                                    

Aloha! Okay, dahil first day ko sa second job ko at masaya ako kaya nag-update ako. Pero ayokong idamay si Dollar sa kasiyahan ko kaya hayaan na muna natin siyang mag-emote. Nyaha! Vote and comment?


Dollar's POV


Naidaos ang kasal sa tabi ng dagat na dinaluhan lang naming dalawa ni Rion plus ang binatilyong kasama ng pari at isang photographer.

It was a simple wedding, simpleng white dress din ang  suot ni Gracy at white polo naman ang kay Moi at dock shorts. Mas pormal pa nga kami ni Rion.

Walang kahit anumang dekorasyon dahil nakatayo lang kaming lahat paharap sa dagat. Ang tanging makulay lang ay ang pink tulips na hawak ni Gracy.

Nang matapos at ianunsyo ng pari na mag-asawa na sila ay hinalikan ni Moi ang asawa. Nilakasan ko na lang ang palakpak dahil parang nakalimutan na naman nila na may kasama sila.

Konting picture lang ng grupo at couple at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa cabana na nahahainan ng mga pagkain sa malaking lamesa na nasa gitna.

Alam ko sa sarili ko na natutuwa ako para sa dalawa pero dahil tapos na ang wedding ceremony ay heto na naman ako sa sarili kong kalbaryo.

Kanina habang ginagawa ng pari ang misa ng kasal hindi ako maubos sa kakaisip tungkol sa lalakeng katabi ko.

Na ano kaya ang iniisip niya habang nakikinig sa palitan ng vows nila Gracy at Moi? Sumagi man lang ba sa isip niya na nasa paligid lang ang babaeng naging bahagi ng buhay niya? Na nangako rin siya sa 'kin dati sa isang hapon na nag-aagaw ang dilim at liwanag?

At ang letseng sunrise! Napakaliwanag at napakaganda na parang tuwang tuwang sumasaksi sa kinakasal at tuwang tuwa din na pagkatuwaan ako, kahapon pa.

And I am hating myself more for thinking such things and for being oblivious to all of Rion's presence and actions. Na parang mapapraning ako kung hindi ko siya sisilipin sa gilid ng mga mata ko kapag simpleng gumagalaw siya.

Na napipigil ko ang hininga ko kapag may moment na kailangang magkadikit kami lalo na sa picture taking kanina at nare-release ko lang ang hininga ko kapag nakalayo siya sa 'kin ng ilang dipa. Na para bang mas komportable ako kapag nasa malayo siya, kahit ilang dipa lang. Resulta ba 'yon ng pag-iwan niya sa 'kin at matagal na pagkakalayo? At kung may konting hint na lalapit siya sa 'kin kahit hindi naman ay parang handa akong tumakbo palayo.

Defense ko siguro 'to para protektahan ang sarili ko sa pag-iwan na naman niya sa akin. Pero kapag nasa malayo naman siya ay hindi ko mapigilan na hindi siya lingunin o silipin. At mukha akong tanga neto sa totoo lang.

Pasimple kong sinulyapan nang mabilis si Rion sa pang-isandaang times na yata mula kanina pa at normal lang ang mga kilos niya. Parang wala sa paligid ang babaeng pinangakuan niya at iniwan. Parang hindi guilty. And I found it unfair. Bakit parang ako lang ang tumutulay sa alanganin sa pagkikita naming ito? Ako dapat ang walang pakelam kung nasa paligid siya, siya dapat ang hindi mapakali lalo na at sinabi ko sa kanya na galit ako sa kanya. Napaka-unfair dahil hindi pa din nagbabago si Rion sa ekspresyon ng damdamin. He's not giving away, making me clueless on what he feels.

Pinagdidiskitahan ko ang avocado shake nang mapatingin ako sa pumaradang sasakyan katabi ng mga sasakyan nila Rion at Moi sa patag na bahagi ng beach.

May bumabang matangkad na lalake na naka-shades. At hindi niya kailangang hubadin ang antipara para makilala ko siya.

"Zilv!" Tumakbo agad ako palapit sa kanya nang naka-paa kahit umiinit na ang mga buhangin.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Where stories live. Discover now