Not A Date

3.1K 109 46
                                    

Story promotion: Baby You're My Destiny by EchoserangFroglet29

(If may stories din kayo na gusto niyong i-promote ko, pa-pm na lang sakin. Konti lang ang readers ng mga kwento ko pero open-minded naman sila at mga active, right? And still, marketing is marketing. Wag kayong tumulad sakin na hindi marunong mag-market ng katawan este mga kwento, hehe. Happy Birthday to my kumare friend, Rhia! Kung nagco-comment din kayo dito makikilala nyo siya, siya yung palageng beast mode at anti- Rion, nyaha! Eid Mubarak para sa mga kapatid nating Muslim! Nga pala salamat sa mga nag-add sa'kin sa FB at IG!

Dollar's POV

I stepped out of the shower and covered my body with a towel. Konting punas at hinayaan ko nang tumutulo ang tubig sa buhok at katawan ko.

Nang makalabas ako ng banyo ay nilakasan ko pa ang volume ng radyo at umiindayog ng konti habang namimili ng susuotin sa walk-in closet ko.

Then there came a knock on the door.

Nabitin sa ere ang tinitingnan kong sleeveless tops at lumingon ako sa direksyon ng pintuan. I counted one to three to confirm who's behind the door. At narinig ko uli ang katok kaya na-siguro ko na si Shamari ang nasa labas. Kailangan ko pa bang sabihin na si Shamari ang babaeng de-numero yata ang kilos? Kaya ayoko mang ma-memorize ang mga habits niya ay kusa kong na-aabsorb sa tagal naming nagsama sa trabaho.

Inayos ko ang pagka-ipit ng twalya sa katawan ko at binuksan ang pinto.

"Whuuut?" Tinatamad kong tanong sa kanya. After yesterday, nawalan ako ng ganang makipag-usap sa mga tao sa bahay. Except for Lolo na hindi rin naman masyadong lumalabas ng kwarto niya.

Binigyan muna ako ng disapproving look ni Shamari. "Alam mo bang ilang kwarto lang ang pagitan ninyo ni Rion?"

Binusangot ko ang mukha ko, and gave her the look that says 'So what?'

Ginaya ko ang pagko-cross arms niya. "Ano bang pakay mo my-never-to-be-sister-in-law?"

Hindi siya sumagot at may mahinang sinipa sa sahig na kung ano kaya napasunod doon ang tingin ko.

And I gasped!

"Anong... ginagawa dito niyan?"

Ang chest na nahulog sa balon!

"Paanong..."

Nag-uunahan ang mga gusto kong itanong sa kanya. Lumuhod ako at hinawakan ang kahon na kahoy na parang nawalang gamit na ang tagal kong hinanap. Weird. Dahil ako mismo ang nagtapon nito. I shouldn't be missing the craps inside. Yeah, they're only craps now.

Tiningala ko si Shamari.

"Found it inside my property kaya binabalik ko sayo."

Naguluhan ako. "Sinabi ko bang ibalik mo sakin? T-Teka anong property ang sinasabi mo?"

Shamari rolled her eyes. At sandaling tinitigan ako na parang pinag-iisipan kung dapat nga bang sabihin sakin ang nasa isip niya.

"Matagal ko ng nabili ang lupa sa likod ng University kung nasaan ang wooden bleachers." Balewala niyang sabi.

That is news.

"Okay..." iyon lang ang nasabi ko at tinungo ulit ang kahon. Still feeling weird by just looking at the chest. "Eh bakit pa kailangang ibalik mo 'to sa akin? Hindi ba pwedeng hayaan na lang natin ito doon?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya pero namimilog ang mga mata ko na nakikiusap sa kanya.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu