The Hot Topic: Closure

2.7K 129 42
                                    


Dollar's POV

Pagkatapos naming kumain ng dinner ni Vaughn sa unit niya ay umakyat na din ako sa sarili kong unit. He will be busy managing his business from home through the web. At ayokong makagulo at isa pa inaantok na din ako.

At dahil isang floor lang naman ang pagitan ay nagha-hagdan lang ako kesa elevator. My sort of exercise. Papaliko na ako nang makita ko ang taong nagkakampo sa harap ng pintuan ko!

Napaatras ako ng lakad.

"I already saw you, Dollar!"

Kulog sa pandinig ko ang sigaw ni Shamari dahil sure ako na nagagalit siya. Kung mas gusto ko siyang inisin, tatakbo ako pabalik sa unit ni Vaughn. Pero naisip kong kailangan nga naming mag-usap.

"Okay, okay." I surrendered hands up in the air. At pagkatapos ko siyang pagmasdan at mapakunot-noo ay walang pagmamadali kong binuksan ang unit ko. I don't need to invite her in dahil kasunod ko na siya.

Nag-dive ako sa sofa at tiningnan si Shamari. Si Shamari na parang hindi si Shamari... Kahit pa nga usual na ang bad trip look sa mukha niya. She was silently scanning my place. Parang naghahanap ng makikitang mali pero parang hindi naman. If I will voice out my observation, sasabihin ko sa kanyang nagagalit siya sa ibang bagay kesa sa galit niya sakin dahil nga hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.

"Kakalinis ko lang, Shamari and take note, without help from the cleaning staff." Ngisi.

She crossed her arms. "So that's how you spend your day off? Ang maglinis? At ni hindi mo lang maangat ang phone mo para sagutin ang tawag ko?!"

I chuckled. "Eh day off ko nga di ba? So I wondered why my boss is trying to reach me given that she knew that it is my day off." Katwiran ko.

"So, day off pa din ba 'tong tawag mo dito pagkatapos mong i-email ang resignation letter mo sa 'kin?" Shamari is controlling her anger.

Pero sure talaga ako, hindi para sakin ang galit niya. Sakin niya lang madalas ipakita dahil ako ang available at alam niyang sanay na ako. Ako naman lagi ang receiving end eh. And sometimes I want to hate Zilv for that. Yeah, Zilv. Though hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila. Hindi naman nakikipag-girl talk si Shamari at hindi pinapatulan ang pag-uusisa ko at mas lalong hindi ko mahagilap si Zilv.

"30 days notice, Shamaw. I'm willing to settle everything bago ako umalis. I told you before I go to the island, gusto ko ng mag-resign." Nayayamot ko ng sabi.

If only she will go away. Pero parang ayoko naman. Titiisin ko na nga lang na mag-away kami. Dahil noong huli kong makita ang ganyang mukha ni Shamari, pinulot ko siya sa isang bar at ako ang nagpala sa kalasingan niya. So see, I have my right to hate the always missing Zilv.

"It's Rion, right?" Derecho niya kong tiningnan.

"Yeah, one of the reasons." Amin ko.

"And the other personal reasons in your letter?" Nakataas-kilay na tanong niya.

I rolled my eyes. Sabi ko na nga ba, dapat inasahan ko na na susugod si Shamari dito dahil hindi niya tatanggapin ang 'personal reasons' hanggang hindi niya 'ko napipiga.

Umayos ako ng upo at tiningala siya na walang balak umupo sa tabi ko. "I thank you Shamari, really. Dahil utang ko lahat ng 'to sayo. I thought modeling is a sort of distraction for years pero hindi na ngayon. Gusto kong simulang gawin ang gusto ko."

"And that is?"

"G-gusto kong maging restaurateur katulad ni U-Uncle." I'm keeping my face look serious.

At pinandilatan ako ni Shamari. "Don't make me laugh, Dollar!"

"It's not a joke!" Damn it. Hindi ko nga pala maloloko ang bruhang 'to.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Where stories live. Discover now