The Patriarch

707 35 12
                                    


Rion's POV


Tahimik at dahan-dahan akong sumandal sa puno ilang metro ang layo kay Don Marionello.

Nakaupo siya sa wheelchair sa ilalim ng matandang puno na paborito niya. Nakapikit ang mga mata, nakakunot ang noo kaya sigurado akong hindi siya natutulog. It was the old man's habit when thinking about a major business decision. O kaya naman ay pagkatapos naming magtalo dahil sa mga pagrerebelde ko noong araw. I smiled at the memories.

Ilang minuto kong pinagmasdan ang marahang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya. I exhaled quietly and removed a lump in my throat. Ayokong isipin na darating ang araw na tuluyan siyang igugupo ng mga sakit na kasama ng katandaan.

Don Marionello  has always been our pillar, our mentor, Shamari and I. Matagal nang nagretiro si Don Marionello pagkatapos akong gabayan sa mga unang taon ng paghawak ko ng negosyo ng pamilya. Hindi hadlang na nasa ibang bansa ako noon para abutin ako ng strikto at magaling na pagtuturo niya. He has been preparing me since I was young. Nitong mga nakalipas na taon na tuluyan ko ng hawakan mag-isa ang mga negosyo at umuuwi ako sa villa ay karamihan ng pinag-uusapan namin ay tungkol pa din sa negosyo, if only to indulge him and at the same time seek advice from him. Mahirap iwala sa sistema ng isang magaling na negosyante ang buong buhay niyang pinaghirapan.

Humakbang ako palapit sa kanya nang makita ko siyang nagmulat at lumingon sa 'kin.

"You know you can't hide everything that goes here from me, old man." Sita ko sa kanya. I tried to sound light and made a tsk-tsk sound.

Sa mga nakalipas na taon ay sinasadya ni Don Marionello na itaboy kami ni Shamari paalis ng villa at hanapin ang kapalaran namin sa mundo ng business. Sigurado akong ginagawa iyon ng matanda para itago sa amin ang kalagayan ng kalusugan niya. Dati ay sinusubukan niya lang akong pauwiin kapag dumadalaw din si Dollar. Hindi ko siya sinusunod, out of rebellion. And of course, I have my own reasons not to see Dollar during the last seven years.

"I will terminate whoever breathed a word to you about me." Don Marionello tried to sound mad but almost failed.

Damn. It was only yesterday since he got released from the hospital. Kung napaaga ang uwi ko ay hindi ko papayagang makalayo sa bahay ang matanda kahit pa nga naka-wheelchair.

"You can't do that to my people." Tunghay ko sa kanya.

"And you don't need to fly back here, boy. Hindi pa ako mamamatay!" he sounded angry.

At mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag ganoon ang tono niya, tanda na malakas pa talaga siya.

"I know." I smiled lazily. Tumingkayad ako sa malaking ugat ng puno sa gilid niya. " You're not the main reason why I came back, I have things to settle here." A half-lie.

Lumingon siya sa'kin. " And I hope those things are marriage, and my great-grandchildren!"

My smile turned to a lopsided grin. Despite the stupid and unforgiving things that I've done all these past years, I can still clearly picture all the things he mentioned with one particular woman. And those dreams are what keep me sane.

"Mukhang mauuna pa si Shamari, 'Lo."

The old man smiled bitterly. Ilang minutong katahimikan ang sumunod. Nakatingin siya sa malayo na parang may malungkot na inaalala. Iniwas ko ang tingin sa mukha niya at nakitanaw sa malawak na parang bago ang di maliparang-uwak na kagubatan na pag-aari pa din ng mga Flaviejo.

"I have many regrets in my life, Rion. Pinagsisisihan ko ang pangingialam sa buhay ng anak ko at mga apo ko." Malungkot niyang sabi sa tono na hindi ako sanay.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Where stories live. Discover now