The Phonograph

3.2K 126 48
                                    


A/N: Happy New Year! Spending the holiday season with the family is too special for me kaya hindi makasingit ang paga-update pero bago bumalik sa reality ng pagpasok sa trabaho bukas, eto na...

Dollar's POV

Surely, I cannot escape dinner, it would look so childish if I make excuses only not to see Rion. At bakit ko naman siya iiwasan?

Hindi ko sinasadyang makatulog kaya hindi ako nakasabay sa tanghalian kanina and I'm really thankful na walang gumising sa akin. I've rested well and feel refreshed now.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Kahit nahihirapan sa pagkilos dahil sa braso at tuhod ko ay nag-ayos pa din ako ng sarili. I settled to a simple white Benetton tee and tucked it in a high-waist mint blue acid-washed shorts.

Sinusuklay ko ang buhok ko pataas at itatali na sana nang mapatigil ako. Kinapa ng isang kamay ko ang batok ko. At hindi ko man nakikita ay alam ko kung saan naka-marka ang tattoo ko.

The running jaguar shadow...

Binaba ko ang mga kamay ko at sumunod ang pagbagsak ng mahaba kong buhok.

Kung titigil ako ng ilang araw dito ay kailangan kong masanay na nakalugay ang buhok ko. Hindi kailangang malaman ni Rion na naka-marka pa din sakin ang codename niya. Saka ko na lang pag-iisipan kung ano ang gagawin ko sa tattoo ko.

Napabuntong-hininga ako at tinuloy ang pagsusuklay. Nagwisik lang ako ng konting pabango at lumabas na ng kwarto kong kulay peach.

Yeah. Peach. I love the color.

Napalitan na ang nagwawalang kulay na pink sa kwarto. Pinabago na ni Lolo ang interior ng kwarto ko dito sa mansyon nang gr-um-aduate ako ng college. Si Lolo ang nag-suggest noon na inayunan ko naman. Hindi na daw kasi ako bata at saka na daw ang kulay pink kapag na-convert na ang kwarto ko sa isang nursery room para daw sa magiging anak naming babae ni Rion.

I rolled my eyes remembering those lines of Don Marionello. Lolo and his jokes...

Sa paningin niya ay hindi kami nag-break ng apo niya. Kahit kay Lolo ko iniiyak lahat noong iniwan ako ni Rion ay positive pa din siya at hindi nagbago ang pakikitungo sa akin.

There will always be a person in your world who sees things differently for you, who still remains hopeful because that is how they care.

Pagdating ko sa mezannine ay nakita ko si Rion sa ibaba sa tabi ng hagdan at diretsong nakatingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy sa mabagal na pagbaba. I didn't want to meet his dark eyes. Naka-focus ang tingin ko sa binababaan ko dahil ang huling gugustuhin kong mangyari ay madapa at gumulong pababa dahil sa katangahan.

Gusto kong mapabuntong-hininga.

Ilang beses bang nangyari sa nakaraan ang ganitong senaryo kung saan tuwing magde-date kami ay lage niya 'kong aabangan sa ibaba ng hagdan, kahit saang hagdan, sa bahay man o sa Al's, na parang magiting na prinsipe at hindi ininda ang isang oras na paghihintay dahil sa tagal kong magpaganda. At ako naman ay bababa na parang may pakpak ang mga paa, nakabukas ang mga bisig at tatalunin siya payakap.

Bakit kailangang ulitin ni Rion ang ganito? Gusto kong mapasimangot pero pinanatili ko ang mukha ko.

Nasa gitna na 'ko nang hagdan nang marinig ko ang mahinang tugtog. It is a sweet and slow music, na para lang yata sa mga lovers. Paboritong tugtugin ni Lolo mula sa antigong phonograph niya.

Hindi ko na napigilang mapasimangot.

Sinasadya ba 'to ni Rion?

Tumigil ako isang baitang bago ang sahig kaya halos magkapantay kami at hindi ko alam kung paano lalagpasan ang lalakeng 'to. Malawak ang bukana ng hagdan pero pinapakipot iyon ng malaki at bothering na presensya ni Rion.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora