The Past and the Furious

2K 134 37
                                    


Dollar's POV

Kinisap-kisap ko ang mga mabibigat kong mata.

Tanghali na.

Mataas na ang sikat ng araw na nakikita ko mula sa labas ng sliding door ng balcony ng kwarto. Ni Rion. Yep, kwarto ni Rion.

Nag-inat ako at humikab. At namaluktot. At humiga ulit. Inaantok pa 'ko sa totoo lang. Pero kailangan ko ng mag-empake. Ayoko ng abutan pa 'ko ni Rion dito.

At hindi niya kailangang malaman na sa mismong kama niya ako humilata at natulog buong gabi. I don't know... hindi naman ako umasa ni gatiting na babalik siya at madadatnan niya 'ko sa kama, pero inviting kasi tingnan ang kama at ayoko ng mahulog mula sa sofa kahit pa nga kasyang-kasya ako doon. And his bed is very comforting. At least sa gamit man lang niya ay bumawi si Rion kahit di niya alam.

I smiled drily.

Pinagpag ko ang mattres at sinuguradong maayos ang lapat.

Then I headed to the bath room only to curse my reflection in the mirror. Dahil hindi ako mukhang modelo nito. Suot ko pa din ang dress ko dahil hindi na 'ko nakapagpalit sa sobrang pagod. Mugto ang mga mata ko dahil sa sobrang pagtulog, magulo at sabog na buhok na nanlalagkit at may trace pa nga ng laway sa pisngi ko. Gross. Tsk. Tsk.

Tiyak na mapapangiwi si Shamari kapag nakita niya ang hitsura ng mukha ko. Kung gagawin kong morning selfie to at ipapakalat sa internet tiyak bababa ang benta ng Astra. I smiled. Again. At nakakapagtakang nakakangiti ako sa mga ganitong kababawan. At nasa mismong bahay at isla ako ni Rion!
I think that would be a good start. Ang makangiti akong mag-isa sa sarili ko. I will be fine, I'm sure.

Napabuntong-hininga ako at nagsimulang mag-shower.


*************

Binubuhat ko pababa ang luggage ko nang may matanaw akong tao sa balcony sa first floor.

(O_O)?

Iniwan ko muna ang gamit ko sa sala at naglakad papunta doon. At nagkasalubong na talaga ang lahat ng dapat magkasalubong sakin nang makita ko na may babaeng nakaupo doon.

Naka-upo siya sa isa sa mga rattan at nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Surely, hindi siya isa sa mga empleyado ng island resort dahil mukha siyang sopistikada. At sa tangkad at morenang kulay ng balat ay baka pa nga may ibang lahi. Mukhang kanina pa siya nandito base sa relaxed na pagkakaupo niya.

"Uhm, excuse me." Tawag pansin ko sa kanya at saka pa lang siya lumingon sakin.

At parang gusto kong magsisi kung bakit hindi man lang ako naglagay ng make-up kanina sa taas! Nagpasalamat din ako na hindi ako bumaba kaninang bagong gising ako at mukha pa 'kong uligba.

Latina beauty ang babae. Mapupungay ang mga mata na may malalantik at itim na mga pilik na bagay sa mahaba at maitim niyang buhok. Pang-modelo, hindi lang cosmetic model pwede ring runway model.

Haay... narinig ko na ang ganyang description ah. My exact opposite description.

"Hello." Bati niya at tumayo. The greeting is not warm, hindi nga siya totoong ngumingiti pero nag-spark naman ang mga mata, parang recognition? I even noticed that she gave me a quick once-over.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pa sa kanya. At wala rin akong balak itanong kung bakit nandito siya sa bahay ni Rion at hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko kapag tinanong niya ako kung bakit ako nandito. Well, pinayagan ako ni Rion di ba? Pwede na ba yong sagot? Pero kaanu-ano kaya siya ni Rion? Itatanong ko ba? Hmp... 'yoko nga. Ayokong makipag-tsikahan sa kanya.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon