Fire Underwater

624 31 9
                                    

A/N: Sa mga nakabasa ng The Billionaire and The Witch, natatandaan nyo pa ang BS as in Buhangin Scene nila Vince at Ameri? Hehe, wala lang. May buhangin din sa isla di ba? *Wink *Wink


Dollar's POV


La Felinovine. It's my second time around here and I'm still in awe at the exquisite beauty of the island.

Mula sa chopper kanina ay tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng isla. Rion fly me around the island before landing. Nalaman ko na halos one-fourth lang pala ang sakop ng hotel and resort at mga facilities na bukas sa mga members and guests. Malaking bahagi pa din ng isla ang pribado lalo na ang malawak na kagubatan kung nasaan din ang mga bahay ng mga may-ari.

Rion landed the chopper to a clearing on the other side of the island. Iba ang clearing ng mga small planes na naghahatid-sundo sa mga guests. Ang pinagbabaan namin ni Rion kanina ay ang clearing malapit sa JR-East. At ngayon ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng code ng mga bahay nila. Tss. Ibinaba lang namin ang mga gamit namin sa bahay niya bago kami pumunta sa hotel.

At last... makakalibot na din ako sa hotel, hindi ko nagawa iyon last time dahil nga banned daw ako at dahil din sa madaliang kasal ni Moi at Gracy at dahil sa mga ka-dramahan ko sa muling pagkikita namin ni Rion noon.

The doorman opened the glass door widely and greeted me politely. Nginitian ko din siya pati ang mga staff na bumabati sa akin.

Hmn... Hindi na yata ako banned dito.

Nakakailang hakbang pa lang ako sa lobby nang marinig ko ang pamilyar na boses na tinatawag ang pangalan ko.

"Dolyar!" Marahang binagsak ni Moi ang kamay sa balikat ko at hinapit ako payakap habang ginugulo ang buhok kong bahagya ko ng ma-plantsa.

"Woah! You're getting heavy!" I joked. Konti lang naman ang dumagdag sa timbang niya na hindi mahahalata ng ibang tao but not me dahil alam ko ang sukat ng waistline niya lalo na kapag yakap ko siya.

He doesn't seem to mind and just grinned at me. Hmn... hiyang sa married life si Moi.

"So, what are you doing here? You're still banned here, don't you know that?" Nakapamewang siya habang nililinga ang mga security personnel siguro.

"Tss. That's old news." Sinundot ko ang future bilbil ni Moi. Moi with a dad bod? I can't wait!

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Rion na kapapasok lang at tinatanguan ang mga bumabating empleyado.

"Ask Rion. You're still not allowed inside the hotel." Nginuso ni Moi si Rion.

Rion must have heard us then, "She'll be staying at my house." Si Moi ang kausap niya pero sa akin nakatingin.

Nagkatitigan kami ni Moi, nanlalaki ang mga mata. Of course, I already know that, hindi ba nga at iniwan namin doon ang pink luggage ko bago kami pumunta sa hotel?

Did Rion say that to challenge Moi and me? Sinusubukan niya ba kung aalma ako o si Moi sa sinabi niya? Well, I will not...

Nilagpasan kami ni Rion nang sumalubong ang isang empleyado na mukhang ang Front Office Manager base sa uniporme.

"Whaaaat does he mean?" Nakataas ang isang kilay ni Moi.

"He meant what he says, Moi. Tss! Hindi pwedeng kayo lang ang may ginagawang maganda ni Gracey no!" I winked at him.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng sinabing iyon ni Rion ay parang nag-init ang mukha ko. Not only my face, I think the heat is silently spreading all over my body.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Where stories live. Discover now