Seven years ago

1.6K 58 31
                                    

Rion's POV

Natigil ako sa paghakbang papalapit sa kinaroroonan ni Vladimir nang marinig ko ang paghalakhak ng babaeng kasama niya. It was a very familiar sound of laughter. Puno ng buhay at parang iyon ang pinakapaboritong gawin nito, ang tumawa.

I also know someone who does, and that someone very dear to me is beyond my reach now.

"Don't expect too much that I'll show up one day, Dollar, I won't. This is goodbye."  My fucking last words to her yesterday.

Na ang hirap panindigan. Baliin ko man ang 'deal' na ginawa niya na huwag magpakita sa kanya kundi ay mangangako akong hindi na siya iiwan ay parehong ikakasiya namin. Dollar must have believed that I will exactly do that sooner. Kaya malakas ang loob niyang gawin ang kondisyon na iyon. At paano ko naisip na kaya kong gawin ang sinabi kong iyon? I sighed.

Nang makita ako ni Vladimir ay nagliwanag ang mukha niya at sinenyasan akong lumapit sa kanya. The poor man is lying on a hospital bed. Nagpadala siya sa isa sa malalaking hospital dito sa Alabang pagkatapos ng meeting namin sa yate nito. The old man said it was due to severe migraine, kung totoo man o hindi ay hindi ko na inalam.

Hindi ko kailangang hulaan kung saan pupunta ang madalas na lihim na pagpapa-ospital ng matanda. Hindi ko mahawakan ang mga hospital records na tinatago niya at wala rin naman akong pakialam. In my mind, I already marked him dying. Kung ang pag-inda at pagkamatay sa sakit ang mangyayari dito ay wala na 'kong pakialam. Katulad din ng wala na 'kong pakialam kung magawa ko ang plano ko na ilang taon kong dinala.

It was a late realization.

At nangyari kung kelan marami na akong nasakripisyo at nasaktan ko mismo ang babaeng mahal ko. At  nanatili pa din ako sa poder ni Vladimir para pagbigyan ang sarili kong ituloy ang mga nasimulan ko, o alam ko namang dadating sa'kin ang reyalisasyon na hindi ko na magagawa ang mga plano ko dahil sa impluwensya ng pagmamahal ni Dollar at gusto ko lang iyong patunayan.

I'll just give myself a week at babalik na ako sa Flaviejo. Hindi ako magugulat kung habang hawak ko ang manibela ay kusa kong tumbukin ang daan pauwi.

God, how I want to see Dollar badly and feel her in my arms...

Tinanguan ko si Vladimir at ang ginang na nakaupo sa gilid ng kama niya. Her nameplate reads Dr. Miranda. No surname.

Hindi nakaligtas sa'kin ang masusi niyang pagtingin sa kabuuan ko. The woman gave me the look as if she knows me so well. 

Hindi ko masyadong inintindi iyon at nilapag ang dala-dala ko. I just made a mental note to know everything about her later and her relation to Vladimir. Naramdaman ko pa ang matiim na pagtitig niya nang magpaalam siya sa aming dalawa. Maging ang dalawang personal bodyguards ay sinenyasan ni Vladimir para lumabas ng kwarto.

Sa maraming beses na nasosolo ko siya sa isang lugar ay ganoon din karami ang tsansa ko na mapatay ko siya nang walang kahirap-hirap. And I will be doing the world a favor for killing one of the most evil men. Pero lage nang imahe ni Dollar ang pumipigil sa 'kin...

"I want to leave all my properties to you, Rion." Diretsong sabi niya na gusto kong matawa. I just coughed and contained my laughter.

"I'm just your messenger, Vlad." Namulsa akong lumapit sa bintana at tumanaw sa labas niyon. Dati ay natatawa pa din ako kapag tinutukoy niya akong anak deretso man o hindi. Surely, Vladimir will know the truth if he will dig deeper or he just wants me to play along. Kung ano ang dahilan niya, hindi ko alam. Ang sinabi niya kanina lang ang nagkumpirma na alam niyang malapit na siyang mawala. So I will just let nature takes its course, completely dismissing the idea of killing him. Pero wala akong balak na ilubog ang mga kamay  ko sa mga negosyo niya dahil may sarili akong mga plano. And there's Don Marionello's empire and my own investments and businesses.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon