The little dark pieces

1.3K 68 19
                                    

A/N: Para sa mga nakakaalala... at nagpaalala sa'kin kanina ahihihi Airah and Krizza...

****************
Rion's POV

"Do you know her?"

Napigil ako sa pag-start ng sasakyan nang lingunin ako ni Dollar at itanong iyon.

I exhaled and started the engine and backed out of the parking.

Hindi kailangang itanong kung sino ang tinutukoy niya, nalingunan siguro niya kami nang nag-uusap kami.

"Yes."

"You seem to know each other well."

Bulong niya, nasa tinig ang kuryusidad. Pero bago siya pumaling at tumanaw sa labas ng bintana ay nakita ko pa ang dumaang bagabag sa mga mata niya. In her eyes were sadness and confusion from the unknown.

As much as I want us talking now but the topic about the woman could get tricky. Ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko ding ako mismo ang magsabi ng tungkol sa pagkatao ng babae at anong kaugnayan nito sa kanya. Bukod sa ayokong sumira sa salita ko ay wala din akong karapatang ipaalam sa kanya.

"She's a business partner." That is true anyway.

Sandali niya 'kong nilingon. "What's her name?" The emotions were still in her eyes.

And shit but she looks fragile! Parang wala siyang ideya o wala siyang pakialam na nakikita ko ang kahinaan niya. Parang kung hindi kami mag-uusap ay mahuhulog siya lalo sa malalim na pag-iisip tungkol sa taong wala naman siyang ideya kung sino.

"Miranda." And steal a glance in her direction.

Nakasandal ang siko niya sa bintana while softly biting her knuckle.

Naniningkit ang mga mata na parang may pilit na inaalala. "Are you okay?"

Napalingon siya sa akin na parang ngayon lang naalala na kasama ako kahit kanina pa kaming nag-uusap.

"O-Of course." And she's back in her usual self.

*****************
Dollar's POV


Pinilit kong matulog kahit nasa tabi ko si Rion. Pero ilang minuto na 'kong nakapikit at isang imahe lang ang nakikita ko. Ang likod ng babaeng kausap ni Rion at mahaba at alun-alon nitong buhok...

Paulit-ulit na nagsasalit-salit ang imaheng iyon sa mga lugar na nakita ko siya... sa exhibit, sa sementeryo at kanina sa simbahan.

Hindi ko masyadong pinag-iisipan kung anong kaugnayan ng babae kay Rion nang makita ko silang nag-uusap kanina.

The woman is old enough to be his mother. Pero kahit ngumingiti ang babae kanina ay parang halata na hindi sila magiliw sa isa't isa. Mas parang ilag pa nga si Rion dito.

But who is she aside from her name Miranda and a business partner of Rion?

Bakit parang hindi lang sa tatlong lugar ko siya nakita?

Naramdaman kong nag-menor si Rion nang dumadaan kami sa bayan.

Maraming tao ang naglalakad sa gilid at ang iba ay nakakalat kaya marami ang madalas na tumatawid. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit ito sa bagong bukas na amusement park.

Nang tuluyang ihinto ni Rion ang sasakyan para pagbigyan ang isang buong mag-anak na tumatawid ay lalong tumindi ang kanina ko pang nararamdamang pagkabalisa.

Ayokong ipahalata kay Rion ang nangyayari sa akin. Pero talagang nasu-suffocate ako at may sumisingit sa isip ko na nakapagpapahilo sakin.

I know I need to get out. So I did.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon