Maternal Instinct

640 33 21
                                    

Dollar's POV

Another clue.

I scanned the whole basement but saw nothing weird. Ilang sasakyan lang ang nakaparada sa bahaging ito at walang ibang tao kundi ako. The Level 2 basement of the condominium building is well-lit all day and night. Mas nakakatakot pa ang katahimikan kesa sa nakikita. Mayamaya ay may narinig akong mahinang tunog ng sasakyan na papadating pero pakiramdam ko ay hindi ang sakay niyon ang culprit.

Tinungo ko ang brown envelope na nakapatong mismo sa driver's seat ng kotse ko. Maaari kong ipa-review sa Admin office ng Condominium ang CCTV footage ng basement para malaman kung sino ang naglagay niyon but I think it will be futile. Dapat akong kabahan na nabuksan ng kung sinuman ang sasakyan ko pero hindi ko iyon pinangibabaw.

May hinala ako na ang motibo ng kung sinuman na nagpapadala ng clue ay hindi para patayin ako. Not yet I think. The person behind this wants me to discover or unveil something. Hindi ko lang alam kung bakit.

Tuluyan akong sumakay sa kotse ko pero hindi muna pinaandar iyon. Binuksan ko ang envelope at sa nakakapa ko ay mga papel ang mga laman, nakumpirma ko iyon nang ipagpag ko ang envelope at nalaglag ang ilang pahina.

I frowned. It was a DNA maternity test result copy dated seven years ago... Ako ang tested person. But why? How? Paanong hindi ko nalaman ito? How did they get a sample from me?

Hinanap ko ang requested party o ang pangalan ng babaeng nagpa-test pero ginuhitan ng black marker ang parteng iyon. Tinaas ko ang papel para subukang aninagin ang nakasulat na pangalan pero wala akong makita, nang baliktarin ko ang pahina ay binura din ng itim na marker ang katapat ng pangalan sa unahan. The conclusion said that the maternity test is positive...

Parang biglang hindi ako makahinga... Big questions started spinning in my mind.

No... please no... This is not real!

Sino ang binurang pangalan na nasa maternity test?

I am Teresa's daughter! I am Ivan's and Teresa's daughter! Hindi ko man matandaan ang alaala ng mga magulang ko ay sigurado akong sila ang mga magulang ko. I just feel it! God! Ni hindi ko kayang i-entertain sa isip ko ang konting hinala na anak ako ni Ivan sa ibang babae! No!

Wala akong ibang pagkakakilanlan sa nanay ko dahil maski sila Uncle Al at Tito Daniel ay walang masabing background ni Teresa. She was an orphaned who was working her way through college as a part-time resort staff before Ivan found her. Wala ring makuhang record tungkol sa kanya mula sa resort dahil wala ng bakas ang resort maraming taon na ang nakaraan dahil sa nangyaring sunog.

Some devil was up to something seven years ago.

Binalikan ko ang date na nakalagay. The month was familiar. It was the same month when I got assaulted in my Chem laboratory. The DNA result came three weeks after that. Malakas ang kutob ko na may kaugnayan o si Vladimir St. Martin mismo ang may pakana nito.

Maaaring iyon ang isa pang dahilan ni Vladimir sa pagpapadala ng tao para saktan ako bukod pa sa pagsubok sa loyalty ni Rion. Ang kuhanan ako ng sample para sa DNA test. I'm sure it was him! I loathe that evil old man more! Pero ano ang mapapala niya sa pag-alam kung sino ang nanay ko?

Hinawakan ko ang palapulsuhan ko na parang nararamdaman ko pa ang hapdi sa ginawang paghiwa ng mga lalakeng iyon gamit ang kutsilyo. I almost died of blood loss that time! Wala na ang iba pang mga peklat pero nag-iwan ng emotional damage sa akin ang nangyari. That horrible experience even sometimes visited my dreams these past years.

The need to get out of the car and fill my lungs with some fresh air was too strong. But the impulse to burn something was stronger. Pero nilabanan ko ang sarili kong gawin iyon. Pinatong ko ang ulo ko sa steering wheel habang nagpa-practice ng proper breathing.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon