Homebound

1.9K 101 26
                                    

Dollar's POV

Tanghali na akong nagising. And as usual, nakita ko ang kalahati ng kumot na nakalaylay na sa ibaba ng kama nang bumangon ako. Kung gaano kagulo ang isip ko kagabi, ganoon din ako kagulo matulog.

Inayos ko ang comforter at siniguradong maganda ang lapat. Yeah, ang pag-aayos ng kama ko ang unang palatandaan na aayusin ko na din ang takbo ng utak ko ngayong araw.

I smiled.

Dumiretso ako sa banyo, naghilamos at nag-toothbrush. Hindi ako nagpalit ng pajama at sa halip na maligo ay sinugod ko ang cupboard. I grab the jar of nutella and get a spoon. Nag-dive sa sofa habang kinukutsara ang nutella.

Dramatic kong sinubo ang kutsara at ninamnam ang chocolate sa dila ko, yung tipong pang-commercial. Hmm... this is life.

Kung papipiliin ako ng mabilis ni Boy Abunda sa mga oras na 'to between Rion and nutella, well, I'll choose the latter without blinking.

But thinking about Rion...

I really made up my mind. Yes, the mind of a Dollar Mariella Viscos.

Vulnerable ang pag-iisip ko after naming magkita ni Rion kaya na-overwhelm ako sa mga advice ng mga kaibigan ko. They really had points, I have to admit. Pero ang totoong takbo ng pag-iisip ng isang Dollar ay tumatanggap lang ng sinasabi ng iba pero sa huli ay masusunod pa din ang gusto at sariling desisyon.

So now, I will just have to go back to my original plan. And that is, to cross Rion completely out of my life. Move on on my own.

Yeah, I've decided. And the closure? Well, fvck it... Hindi ba dapat na siya ang humingi noon bago man lang siya nakipagrelasyon sa iba? Pero dahil imposibleng gawin niya iyon ay kakalimutan ko na lang na nag-e-exist ang salitang 'closure'. It won't be included in my dictionary ever. Talking with Rion about our closure will never come to the scene. At idadagdag ko na lang sa kasalanan ni Shamari ang pagbibigay sakin ng ideyang iyon na nagpaligalig din sa akin sa nakaraang mga araw.

At sa major na pagmo-move on ko na ito ay pipilitin ko na talagang lumimot. I won't forget Rion of course. Dahil ang pangalan niya ay nakakalat na sa mundo ng business at tama si Shamari, related si Rion sa lahat ng taong related sakin. We have common friends and his name will always be hanging everywhere. So I'm going to forget all my memories with him. Lots of happy memories... At lalong kasama ang mga masasakit na alaala...

Hindi ko na pipiliting itago lahat ng nangyari at hihintayin kung kelan iyon sasabog. No, I won't do that. Dahil magreresulta na naman iyon ng kung anu-ano pag nagkita kami. Gusto ko pag nagkita kami ay kaya ko ng umakto ng normal dahil wala ng natira sa akin na mga alaala niya, namin... Siguro masyado ng late ang gagawin ko after seven years. Pero wala akong balak sisihin ang sarili ko. Siguro tinakda talaga na magkita kami ng ganito katagal dahil nakatakda din na gawin ko ngayon itong mga naiisip ko. Dahil kung nagkita kami ng ilang taon pa lang pagkatapos niya akong iwan, posibleng hindi ako makakapagisip ng ganito at gagawa na naman ng kung anong kabaliwan. Maturity comes really with age, after all the hardships and challenges.

I think I'm just being rational to myself for finally deciding this. And rationalization as a defense mechanism doesn't mean that my reasoning is always right. Siguro mali para sa iba pero ito ang nakikita kong tama, para sa kapakanan ko.

And what about Nyssa St. Martin?

Of course, I'm still curious about her. Pero kung gusto ni Shamari na ipalit siya sakin bilang modelo ng Astra then I will let her. Kahit pa siguro ipalit niya lahat ng ex ni Rion. Dahil kasama sa package ng pagmo-move on ko ang hindi na pagseselos sa kung sinumang babaeng napaugnay o mapapaugnay kay Rion.

Burning His Sunset Spell (COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ