Chapter 1 (The new beginning)

1.6K 42 19
                                    

Chapter 1
The new beginning

Zahara Rain's P.O.V
"Hoy! Ibalik mo yung candy ko!" dinig kong sigaw ni Devin kay Luke.

"Ang nahawakan ko ay akin na! Kaya it is no longer yours! Shooo!" sigaw pabalik ni Luke.

"So yung mga babaeng nahawakan mo ay iyo na?! Sinasabi ko na nga ba! Manloloko ka!" sigaw ni Arra. Napakamot naman si Luke sa batok.

"Biro lang naman 'yon, honey. Sorry na." panunuyo ni Luke na niyakap si Arra. Agad namang kumalas si Arra sa yakap ni Luke at dinuro siya.

"Don't you even dare touch me! Don't talk to me!" sigaw ni Arra. Nanahimik naman si Like at dumistansya sa kaniya.

Ilang saglit pa...

"Bakit hindi mo na 'ko sinuyo?!" galit na galit na sigaw ni Arra.

"Eh? Sabi mo huwag kitang kausapin?" napapakamot sa batok na sabi ni Luke. Mas lalong sumama ang tingin sa kaniya ni Arra.

"Break na tayo! Where's the annulment paper?!" sigaw ni Arra.

"Honey naman!" nakangusong sabi ni Luke at agad sinuyo si Arra.

"Hay! Ang sarap maging single." biglang sabi ni Devin habang kumakain ng chocolates.

Napailing nalang ako habang patagong ngumunguya ng chocolates ko. Madami pa naman kasing chocolates sa refrigerator. Tinatamad lang silang kumuha.

"I still can't believe na graduate na tayo. Parang kailan lang noong magkakaaway pa tayo." nakangiting sabi ni Aries at umupo sa tabi ko. Napatango tango naman ako. Parang kailan lang.

Graduated na kami noong nakaraang dalawang taon. Ang bilis nga ng oras eh. Parang sa prof lang namin. Puro puti na kasi ang buhok niya sa kunsumisyon kila Devin at Luke na hindi na nagbago.

Tapos na rin ang pinatayo naming restaurant last last year. Malago siya dahil na rin sa mga kalokohan nila Luke. Minsan may pa free hugs and kiss kapag naka-order ng worth thirty thousand kaya ang ending, bugbog sarado sila kila Arra. Pati si Andrew na nadamay lang sa kalokohan nila ay nabugbog din ni Melissa.

Kaming tatlo nila Aster at Kuya na ang nagha-handle ng company dahil nasa legal age naman na kami. Mahirap pero kakayanin naman.

Si Luke at Arra, kasal na. Gano'n din sila Melissa at Andrew. Gano'n din sila Kuyang Panay Tawa at Audrain.

Si Caleb at si Maureen ay engaged na. Nag-propose si Caleb sa kaniya last year.

Si Kuya at Cheska ay sila na. Gano'n din si Yoshin kay Aster. Himala nga dahil hindi na torpe si Yoshin. Natatakot yatang maagawan dahil ang daming nagtatangkang ligawan si Aster na hindi naman sila pinapansin.

Si Hannah at Ian naman ay lumipad papuntang States para ma-explore ni Hannah ang mundo at kung gaano kaganda ito. Halos ilan na rin ang napuntahan nilang mga bansa. Hindi siya masyadong nakakapasyal dati dahil nga may sakit siya.

Si Kuyang Holdaper ay nasa Korea. Gusto niya munang mapag-isa dahil masakit pa rin sa kaniya ang pagkawala ni Weinzey. Doon siya nagtapos ng pag-aaral. Ginagalang namin ang desisyon niya kaya hinayaan namin siyang umalis. Hindi namin alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa siya dahil wala kaming contact o balita sa kaniya simula noong umalis siya. Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. Alam naming babalik siya.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now