Chapter 2 (Reunited)

472 30 6
                                    

Chapter 2
Reunited

Zahara Rain's P.O.V
Napahawak ako sa tyan ko ng maramdamang parang bumaliktad ang sikmura ko. Agad akong pumasok sa pinakamalapit na comfort room at dumuwal sa lababo.

'Anong nangyari? Nakakain ba ako ng panis?'

Napahawak ako sa lababo at napatingin sa salamin. Nitong mga nakaraan ay pansin kong tumataba na ako. Madalas din ay nagiging maselan na ako sa pagkain.

'Weird.'

Napangiwi ako sa naisip. Totoong nagiging weirdo na ako. Madalas na akong magalit at mainis kahit sa maliliit na bagay lang. Unti nalang ay ako na mismo ang pupunta sa mental at magpa-admit dahil feeling ko ay nababaliw na ako.

Lumabas na ako ng comfort room pagkatapos magmumog at maghilamos.

"Rain, look who's here." sarkastikong sabi ni Cheska at nginuso ang nasa kanang direksyon niya. Tinignan ko naman 'yon at nakita sila Angeline at Allistair na nag-uusap. Umiwas nalang ako ng tingin at tumingin kila Arra ng makaramdam ng kirot sa puso ko.

"Looks like the bitch is back." maangas na sabi ni Melissa.

"Ano na namang kailangan niya?" nakangiwing tanong ni Arra.

"Girl, if I were you, ilalayo ko na si Lucas." sabi ni Audrain.

"Hayaan niyo na." sabi ko at ngumiti ng pilit. "Tara, mamasyal tayo." sabi ko at hinila sila saka tumakbo taliwas kung nasaan sila Allistair.

"Nasaan nga pala sila Andrew?" tanong ko habang naglalakad kami sa dalampasigan.

"Nandoon sa room natin. Tinakasan namin. Ang boring eh." sabi ni Maureen na nagkibit balikat pa.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" napatingin kami kay Melissa ng bigla siyang magsalita. Nagsalubong ang kilay namin at nilibot ang paningin sa paligid.

"Ang dami naming nakikita. Saan d'yan yung tinutukoy mo?" sarkastikong tanong ni Maureen. Napairap naman si Melissa.

"Ayon oh, dalawang bangka! Walang tao. Hiramin natin! Saglit lang." nakangising yaya ni Melissa.

"Ayoko nga. Baka mamaya pagalitan pa tayo ng may-ari." sabi ni Arra at agad lumayo kay Melissa.

"Kaya nga. Magpaalam muna tayo." sabi ni Audrain.

"Ano 'yon mga ineng?"

"Ah!" napahawak kami sa dibdib namin ng biglang sumulpot ang apat na mama sa gilid namin.

"Manong, baka po pwedeng pahiram ng bangka po? Saglit lang po. Ibabalik din namin agad. Pleaseee!" sabi ni Melissa na nag puppy eyes pa.

"Ay mga ineng, kailangan kasama kami. Mahirap ng manakawan ngayon." sabi ni Manong at ngumiti.

"Sige po, manong! Game!" masayang sigaw ni Melissa.

Ginabayan at inalalayan kami nila Manong papunta sa bangka.

"Saan niyo ba gustong pumunta mga ineng?" nakangiting tanong ni Manong.

"Kahit saan po." sabi ni Arra at ngumiti.

"Sigurado ba kayo rito?" bulong ko kay Audrain. Nagkibit balikat naman siya dahil hindi niya rin alam kung anong isasagot niya.

Sinimulan na nilang paandarin ang bangka. Agad naman akong napatingin sa tubig at napangiti sa kagandahan nito.

Nang makalayo layo na kami ay hininto na nila ang bangka upang mapagmasdan namin ang sobrang daming isda sa karagatan.

Hindi na ako nagdalawang isip at tumayo na. Naghiyawan naman sila Melissa at nagsitayuan na rin. Agad naming hinubad ang sandals namin at nag dive sa dagat.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now