Chapter 20 (Dream)

294 21 0
                                    

Chapter 20
Dream

Zahara Rain's P.O.V
Nakatanaw lang ako sa malayo habang pinagmamasdan silang asikasuhin ang libing ni Hannah. Bawal akong lumapit. Madali nila akong mahahalata lalo na sa tyan ko.

Kasama ko na sila Devin, Kuyang Holdaper at Eros. Napanguso ako ng muling maalala ang pagpipigil nilang batuk batukan ako dahil sa pagtakas ko at marahil kung wala akong dinadala ay tanggal na ang ulo ko mula sa katawan ko.

Si Lolo naman ay lumipat na rin ng bahay. Sobra ang tuwa niya ng makita ang bago nilang titirhan. Ang apo niya naman ay nanatiling wala pa ring malay kaya gumawa nalang kami ng palusot para hindi na mag-alala si Lolo sa kaniya. Naghire na rin kami ng yaya at personal doctor para asikasuhin siya kapag nasa malayo ang apo niya.

Wala pa akong orihinal na plano kung anong gagawin ko sa bahay nila Lolo na binili ko. Sa susunod ko nalang siguro pag-iisipan. Binili ko lang naman talaga 'yon para magkaroon sila ng budget habang wala pang malay si Kharl at para na rin tanggapin niya ang alok ni Ian sa ibinigay nitong lupa at bahay.

Napangiti ako ng mapait ng makita ko kung paano lumingkis sa braso ni Allistair si Angeline. Balita ko rin ay malapit na silang ikasal. Nagmamadali na ang mga Weston dahil sa ilang buwan itong naudlot sa hindi ko malamang dahilan.

"Huwag ka ng tumingin kung alam mong masasaktan ka lang." bulong ni Kuyang Holdaper habang nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko.

"Are you okay, Rain?" nag-aalalang tanong ni Devin.

"Ye-Yeah..." mahinang sagot ko at humugot ng hininga para pigilan ang mga luha ko mula sa pagpatak.

"We can leave if you want." dinig kong sabi ni Eros, bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"No. We're here for Hannah and not for them." matigas na sabi ko at tinanggal ang kamay ni Kuyang Holdaper sa mga mata ko.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang may tumawag. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Hunter calling...

Sinagot ko naman ito at sinenyasan silang manahimik.

[How are you, Ain? Are you okay? Kailan ka babalik? I missed you.] dama ko ang lungkot sa boses niya.

"Ma-Malapit na, Hunter. Ayos lang ako." pilit na hindi mautal na sabi ko.

[I'll wait for you then. Always take care of yourself, Ain. I have to go now. I just checked on you. Bye!] paalam niya at pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako pagkapatay niya ng tawag.

Natapos ang libing ng hindi manlang kami nakakalapit kay Hannah. Napapikit ako at umiwas ng tingin ng yakapin ni Angeline si Allistair.

'Namumuro ka na. Gusto mo bang dalawin kita mamaya? Anong klaseng dalaw ang gusto mo? Sa hospital o sa simenteryo?'

Napangisi ako sa inis sa naisip.

"Tell me when they are already done. I prefer to sleep than to watch their corny drama." malamig na sabi ko na ang tinutukoy ay ang malanding sila Allistair at Angeline bago pumikit dahil nahihilo na rin ako.

***

"Rain." sabi ng isang pamilyar na boses kasabay ng pagtapik sa pisngi ko.

"Mamaya na." inaantok na sabi ko at umiwas sa kaniya.

"Gising na." pamimilit pa nito.

Nakanguso akong nagmulat ng mga mata pero ng matauhan sa kasalukuyang sitwasyon ay agad akong napaayos ng upo.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now