Chapter 22 (Back)

310 21 1
                                    

Chapter 22
Back

Kyon's P.O.V
Rain is an indeed a great mother, the best mother I may say.

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng manganak siya. Unti unti na rin niyang nagagamay ang pag-aalaga ng bata.

"Do you need my help?" muling tanong ko pero nginitian niya lang ako at umiling saka nagpatuloy sa pag-aalaga sa kambal.

"Kaya ko na, Kuyang Holdaper. Magpahinga ka nalang d'yan. Alam kong pagod ka." pangsampung beses na sagot niya.

Nag-aalala na kami kay Rain dahil halos wala na siyang tulog dahil panay ang iyak nila Helios at Selene, mapa umaga, mapa tanghali, mapa gabi at mapa madaling araw. Inaalok namin siya ng tulong nila Devin at Eros ngunit hindi niya tinatanggap dahil hindi raw siya matututo kung masasanay siyang tinutulungan namin siya.

Halos dito na rin kami nakatira nila Eros at Devin sa kwarto niya para sa tuwing matutulog o makakatulog si Rain at kapag umiiyak sila Selene o Helios o alin man sa kanila ay kami nalang ang magpapatahan ngunit hindi rin nangyayari dahil mas lalong lumalakas ang iyak nila kapag kinarga namin kaya sa huli ay nagigising pa rin si Rain.

Napabuntong hininga nalang ako at pinasadahan siya ng tingin. Pumayat na siya at ang itsura ay hindi mukhang bagong panganak. Maganda pa rin siya. Ang may pagkakulot na kayumanggi niyang buhok ay hanggang bewang na. Kakapagupit niya palang ng buhok kahapon dahil humaba na. Ang kayumangging bilugan niyang mga mata ay nanatiling may kislap na parang wala siyang hinaharap na problema. Matangos ang may kaliitang ilong at mas lalong pumula ang mga labi. Ang katawan niya ay pang model na rin dahil may kurba ang mga ito. Nanatili ang ganda niya at sa tingin ko ay mas lalo pa siyang gumaganda habang tumatagal.

"We'll come back after a week." sabi niya na ikinatigil ko.

"Huh?" lutang na tanong ko, hindi nakuha ang sinabi niya.

"Babalik na tayo pagkatapos ng isang linggo. It's already time, Kuyang Holdaper." sabi niya at ngumiti ngunit alam kong pilit 'yon.

"Are you already ready to see him?" nag-aaalalang tanong ko.

"I was never been ready, Kuyang Holdaper. And I think that I will never be ready. But I have no choice but to face them." pilit ang ngiting sabi niya saka inihiga sa crib ang natutulog ng si Selene.

Si Devin at Eros ay pinatulog ko muna si kaniya kaniyang kwarto nila dahil alam ko ring pagod sila. Kakauwi lang nila galing Japan kanina dahil isa na naman sa mga base namin ang sinubukang pabagsakin ng mga Weston ngunit buti nalang ay hindi sila nagtagumpay dahil naagapan namin agad.

"I have been weak for the past weeks, Kuyang Holdaper. Natatakot ako. Natatakot akong lumabas ng kwartong ito dahil hindi ko na alam ang naghihintay sa akin sa labas. Natatakot akong lumabas para muling harapin ang realidad." pagpapakatotoo niya at umupo sa kama.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Sinandal ko siya sa balikat ko saka siya inakbayan para iparamdam na sa labang ito ay hindi siya nag-iisa.

"Just trust him, Rain. Trust Lucas." kalmadong bulong ko.

"I trust him. I always do. Hindi ko lang maiwasang matakot, Kuyang Holdaper. Ilang buwan akong nawala, mag-iisang taon na nga eh. Paano kung... Paano kung iba na ang ma-mahal niya? Paano kung hindi na a-ako? Paano kung hindi niya matanggap ang an-anak namin?" sunod sunod na tanong niya at tumigil dahil naiiyak na siya.

Niyakap ko siya at doon naman nagsimulang bumuhos ang mga luha niya.

'Sa tuwing naiiwan kaming dalawa at walang kasama, lagi nalang siyang umiiyak at ako naman ay pinapatahan siya. Should I start distancing myself now para hindi na siya umiyak?'

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now