Chapter 17 (Shot)

338 28 4
                                    

Chapter 17
Shot

Zahara Rain's P.O.V
Time fast flies. Months had already passed when we left the Philippines.

Masakit. Mahirap. Nakakabaliw. Yung pakiramdam na mag-asawa kayo but you can't be together nor not be able to even see each other. Yung pakiramdam na hindi naman kayo naghiwalay pero parang gano'n na rin, mas malala pa nga sa mga nagbreak eh. Yung pakiramdam na mag-asawa kayo but you have no connections with him for now because you don't want to ruin his plan. Kailangan mong magtiis kung ayaw mong masira ang plano niyo. Mahirap. Sobra.

Para akong nasa isang seldang wala namang mga rehas pero kapag oras na lumabas ako ay mamamatay ako. Para akong hinatulan sa isang kasalanang hindi ko nagawa. Para akong nag-asawa ng isang fictional character dahil hindi ko mahawakan ni makita man lang.

Madalas akong umiyak kahit masama dahil nga buntis ako. Anong magagawa ko kung hindi ko mapigilan ang mga luha ko? Madalas na akong mahimatay, mahilo at iba pa dahil sa stress kaya madalas akong pagsabihan nila Kuyang Holdaper dahil sa katigasan ng ulo kong huwag magpastress. Pero nagpapasalamat ako na hindi ako pinabayaan nila Devin, Eros at Kuyang Holdaper, even Hunter take care of me when we are still able to see each other.

Bawal akong magpakita sa kaniya sa ngayon dahil nga malaki na ang tyan ko at dahil hindi na rin pumayag sila Devin dahil nga sa sitwasyon ko ngayon. Hindi naman na ako tumutol dahil naiintindihan kong nag-aalala sila sa'kin at pati na rin sa anak namin ni Allistair.

I told to him that I am sick and may be out for months. He even insisted to take care of me pero hindi ako pumayag dahil kapag nagkataong makita niya ako ay tiyak na malalaman niyang buntis ako dahil halata na talaga at hindi na pwedeng matago. Magaan ang loob ko sa kaniya pero hindi ko pa rin siya dapat pagkatiwalaan dahil una sa lahat, kalaban namin ang tatay niya at maaring kasama siya sa mga plano ng tatay niya. Mahirap na ang hindi mag-ingat, buhay namin ang nakasalalay dito.

"Rain, gising ka na pala. Anong gusto mong kainin? How are your feeling? Nahihilo ka ba? Gusto mo bang tumawag ako ng doctor? Bakit hindi ka sumasagot? Epekto ba 'yan ng pagbubuntis? Anong nangyari?!" agad na tanong ni Devin ng mapansing gising na ako. Natawa naman ako sa ka-oa-han niya kaya napanguso siya.

Isa pa sa pagbabago ng routine namin ay laging may nakabantay sa'kin na isa sa kanila. Si Devin sa umaga, si Eros sa gabi at si Kuyang Holdaper sa hating gabi hanggang madaling araw. Sa pagligo naman ay may kasama akong limang babaeng doctor na inatasan nila para sa'kin maging sa pagbibihis ay hindi ako nilulubayan ng limang babaeng doctor dahil utos din nila. Hindi naman ako nasasakal sa mga ginagawa nila dahil alam ko namang concern lang sila sa'kin at sa mga anak ko.

Masakit pa rin sa parte ko na dapat si Allistair ang gumagawa ng lahat ng 'to pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko lang talaga mapigilang malungkot at masaktan sa tuwing naiisip ko na hindi ko inalagaan ang mga anak namin na kasama siya. Ni hindi pa ako sigurado kung magiging nando'n siya sa oras ng panganganak ko. Alam kong masasaktan din siya at may posibilidad na magalit sa ginawa ko pero anong magagawa ko? Kapag nanatili ako sa Pilipinas habang dinadala ang mga anak namin at hayaang malaman ng mga kalaban na buntis ako ay malaki ang posibilidad na ang mga anak namin ni Allistair ang gamiting panglaban sa amin or worse ay hindi ko pa man pinapanganak ang mga anak namin ay patay na ang mga ito.

Napangiti ako ng maalalang kambal ang magiging anak namin ni Allistair. Isang babae at isang lalaki na lubos kong ikinatutuwa dahil gustong gusto ko talagang magkaroon ng anak na kambal. Kahit naman hindi sila kambal ay ikatutuwa ko pa rin ito.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now